Kabanata 9

16.7K 352 6
                                    

Kabanata 9

Curious

Habang tinatahak ko ang daan papunta sa building namin ay nakita ko si Leanne na mag-isa sa isang sulok. Tila balisa ito at hindi ko alam kung bakit siya nag kakaganito. Napapansin ko nong nakaraang araw pa siyang ganito ang ginagawa.

"Leanne!" Sigaw ko at tumakbo ako papunta sa akin. Tila nagulat ito at nakahinga ito ng malalim ng makita ako.

"S-sariah..." Nauutal nitong usal at agad kong hinawakan ang balikat niya ng makita kong tila maiiyak ito.

"Anong nangyayari sayo? May problema ka ba?" Natataranta kong sabi. Bigla ako nitong niyakap at umiyak sa balikat ko kaya hinagod ko ang kanyang likod.

"S-sariah..." Umiiyak nitong sabi.

"Kung hindi ka pa handang sabihin sa akin ang problema mo, okay lang." Mahinahon kong sabi. Nang huminahon na si Leanne ay kumalas na ito sa yakap at pinunasan nito ang kanyang luha.

"S-salamat S-sariah..." Nauutal nitong sabi.

"Basta tandaan mo, nandito lang ako." Nakangiti kong sabi.

"Salamat, pumunta na tayo sa room, baka nandoon na si ma'am." Nakangiti nitong sabi kaya lumakad na kami papunta sa room namin.

Pagkatapos ng klase namin ay pumunta muna kami sa isang coffee shop sa labas ng skwelahan namin. Alam kong may problemang dinadala ngayon si Leanne pero hindi ako pwedeng mang himasok sa problema niya, saka hindi pa siya handang  sabihin ito sa akin.

"Thank you for comforting me, I really appreciate it." Nakangiti nitong sabi kaya napangiti na rin ako. Okay na sa akin na makita siyang nakangiti ulit.

"Your welcome at saka you are my only friend. Ikaw lang kaya ang nakatagal sa ugali ko hahaha." Natatawa kong sabi at nakita ko siyang tumawa na rin.

"Well.. Sorry kung hindi ko masabi sayo 'yung problema ko, hindi pa kasi ako handa." Malungkot nitong sabi kaya umiling ako agad sa kanya.

"Okay lang, nandito lang naman ako sayo kapag handa mo nang sabihin sa akin yung problema mo." Nakangiti kong sabi.

"Wag kang mag alala kapag handa na ako ay ikaw agad ang tatawagan ko." Nakangiti nitong sabi kaya tumango ako sa kanya.

Parehas kaming napalingon ng may bagong costumer na pumasok sa coffee shop at laking gulat ko na si Grayson ito at may kasama siyang isang lalaki. Ilang linggo na lang matatapos na yung pagtuturo niya sa amin dahil napa balitaan ko na babalik na daw si ma'am Sarah.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng makitang tumingin ito sa akin at tila dito sila pupunta. Nanlaki ang mata ko ng makita ang kasama ni Grayson dahil 'yung pinsan nito ang kasama.

"Good afternoon, Ms. Orcellar and Ms. Cornello." sambit nito at matagal itong tumitig sa akin kaya umiwas ako ng tingin.

"A-ah... B-bakit po kayo nandito?" Gulat na tanong ni Leanne kaya napabaling ako sa kanya. Napansin kong nanginginig ang kamay nito kaya napaka kunot ang aking noo.

"May vacant pa naman dito at dito nalang kami uupo. Order lang kami." Sabi ni Grayson kaya napabaling ang aking tingin sa kanya.

"P-pero...." Nauutal kong sabi pero biglang nagsalita ang kasama nito.

"Let's go, kuya." Malamig nitong sabi kahit sa pananalita ay hawig na hawig kay Grayson.

Umalis na sila at pumunta na sa counter upang umorder kaya tiningnan ko si Leanne. Nagulat ako ng nanginginig pa rin at parang natataranta na ito.

"Leanne, anong nangyayari sayo?" Kinakabahan kong sabi.

"A-ah.. W-wala.." Nauutal nitong sabi at parang may naisip ako. Napangiti ako.

"Siguro.. Crush mo 'yung pinsan ni Sir Grayson no...?" Nakangisi kong sabi pero napatigil ako na seryoso pa rin ito at hindi mapakali. Namumula rin ang kanyang pisngi.

"H-hindi..." Nauutal nitong sabi kaya bumuntong hininga na lamang. Wala talaga akong ideya kung ano ba talaga ang problema niya. Hindi ko alam kung paano ko siya matutulungan.

Nakita kong papalapit na sila Grayson at umupo na rin sila sa pwesto namin.

"Kanina pa kayo dito?" Tanong ni grayson at uminom muna ito saka bumaling sa akin.

"Medyo..." sambit ko. Napatingin ako kay Leanne ng bigla itong tumayo.

"S-sir..  Pwede bang mauna na kami ni Sariah? Aalis na po kami." usal ni Leanne kaya napakakunot noo ako.

"Why? Maaga pa naman." sambit ni Grayson.

"Kailangan na po naming umuwi."

"Sasama sa akin si Ms. Cornello at may ipapagawa pa ako sa kanya." sambit nito na nag pagulat sa akin.

"W-what..?" Bulong ko sa kanya. Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Napatingin ako Kay Leanne ng makitang gusto niya nang umuwi.

"S-sorry.. May ipapagawa pa siya sa akin. Gusto mo na bang umuwi.?" Tanong ko sa kanya at tumango siya.

"Sige, sasamahan na kitang lumabas." Sambit ko at tatayo na sana ako ng pinigilan ako ni Grayson. Napatingin ako sa kanyang kamay.

"W-why?"

"Stay here, si King nalang ang bahala kay Ms. Orcellar." sambit nito.

"U-una na ako Sariah, bye.." Malumanay nitong sabi at nagmamadali itong lumabas. Naguguluhan ako kung bakit hindi na niya hinintay ang pinsan ni Grayson pero kalaunan ay sumunod na rin ito kay Leanne sa paglabas.

Bumuntong hininga ako, hindi ko alam kung ano na ang nangyayari kay Leanne.

"Are you done?" Tanong nito. Kaming dalawa nalang pala ang nandito.

"Yes, why?"

"Let's go, we need to go now." sambit nito at tumayo na rin ito. Huminga ako ng malalim at sumunod na sa kanya.

***

The Possesive Man (Del Faurico Series#1) COMPLETEDNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ