Kabanata 25

12.4K 224 1
                                    

(A/N: Sorry for being inactive and it's been a month since, I updated the kabanata 24 so, I decided to post the kabanata 25 this day. I hope you will like this update. Thank you!)

Kabanata 25

Tired

Napakurap ako dahil sa silaw na galing sa sinag ng araw na tumatama sa bintana. Napatingin ako sa tabi ko ng mapansing wala na sa tabi ko si Grayson kaya napaupo ako at napatingin ako sa orasang nakasabit sa wall ni Grayson. Nakita kong 6am na at isang oras nalang ay malalate na ako sa first subject namin kaya tumayo ako at lumabas sa kwarto nito.

Nakaamoy ako ng masarap na pagkain kaya napapunta ako sa kusina at agad kong nakita si Grayson na nakatalikod sa akin at busy Ito sa paghahanda ng pagkain. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay sumulyap ito sa akin.

"Oh.. You're awake, let's eat." Nakangiti nitong sambit kaya lumapit ako sa kanya at  umupo sa upuang inaalok niya. Pagkatapos niyang magluto ay tumabi siya sa akin.

"Are you feeling well?" Tanong ko agad sa kanya at inalapat ko ang aking kamay sa kanyang noo at naramdaman kong wala na rin itong lagnat.

"Yes, thank you for taking care of me." Nakangiti nitong sabi kaya napaiwas ako ng tingin.

"Sariah, look at me." Seryoso nitong sabi at hinawakan nito ang aking baba para maharap ko siya.

"I'm sorry for what I've did to you, I know I'm hurting you that's why I'm here to explain to you that--" tinakpan ko ang kanyang bibig at hinaplos ng dalawa kong kamay ang kanyang mukha. Nakangiti ko siyang tinitigan.

"Okay lang sa akin 'yon at pareho naman tayong nasaktan sa pangyayaring 'yon. The only thing that we need to do is to move on and forget the hurtful things that we've experienced. I trust you, Grayson." Nakangiti kong sabi at nagulat ako ng bigla niya akong siniil ng halik at hindi ko mapigilang mapatugon dito. Napaaray ako ng bahagya niyang kinagat ang aking labi kaya nakapasok siya doon at madiin niya akong hinahalikan. Parehas kaming naghahabol ng hangin ng matapos kami. Humabol pa siya ng halik pero lumayo na ako sa kanya.

"Nasa harap tayo ng pagkain, Grayson." Pagpipigil ko dito at nakita kong nanghinayang ito pero sumunod naman ito sa akin kaya masaya kaming kumain.

"Grayson, dito mo na ako ibaba." Pagpapatigil ko sa kanya sa may kanto ng school. Ayokong makita kaming dalawa ni Grayson na magkasama dahil makakadagdag ito sa isyu. Nagtatakang tumingin ito sa akin at itinigil nito sa tabi.

"Why? Malayo pa ang University dito, Sariah."

"May bibilhin pa ako kaya dito nalang ako." Pagsisinungaling ko sa kanya.

"Okay, take care." Sabi into kaya nakahinga ako ng malalim dahil hindi na ito nagpumilit at nagtanong pa. Pinatakan niya ako ng halik sa labi at lalabas na sana ito pero pinigilan ko siya at nagmadali akong lumabas. Kumaway ako sa kanya.

"I love you, take care." Pagpapaalam nito.

"I love you too, ingat ka, wag masyadong mabilis ang pagpapatakbo ha..?" Pagpapaalala ko sa kanya at tumawa ito ng bahagya at tuluyan ng umalis. Tumalikod na ako at nagsimula na akong maglakad papunta sa University. Medyo malayo pa pero isang tawid lang naman kaya malapit-lapit na rin.
Papasok na ako sa University ng may kumalabit sa akin kaya napatalikod ako at nakita kong si Luis ito kaya ngumiti ako sa kanya.

"Oh.. Ngayon ka lang?" Tanong ko sa kanya at sabay na kaming lumakad.

"Actually, hinihintay kita." Nahihiya nitong sabi kaya napakunot-noo ako sa kanya.

"Huh? Bakit naman?"

"W-Wala lang.. Gusto ko lang makasabay ka." Sambit nito.

"Okay lang naman sakin 'yon pero nakakahiya dahil naghintay ka pa yata ng matagal."

The Possesive Man (Del Faurico Series#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon