"Safina, sandali!"

"Kuya, tara na!"

Napangiwi ang pobreng taxi driver habang tinitingnan si Madrigal na kasalukuyang kinakatok ang pinto ng taxi. Ibinaling ko sa kabilang banda ang aking paningin hanggang sa nalagpasan na namin siya.

Sana ay huli na ang gabing ito. Ayaw ko na ulit siyang makaharap dahil hindi ko alam kung kaya ko pang suportahan ang bakod na iniharang ko para sa aking sarili. I had enough of his false hopes.

Nang gabing iyon ay nakatulugan ko ang pag-iyak. Gulong-gulo na ang aking utak dahil may mga pagkakataong natutukso akong magpakarupok ulit. Ayaw ko nang mapalitan ng mas malalim na sakit ang panandaliang saya ng karupukan ko. Natuto na ako pagkatapos ng ilang beses kong pagpakatanga.

...

"Magkuwento ka kaya ng nangyari? Sa lahat ng nakipag-date parang ikaw lang ang alam kong nag-take home ng eyebags. 'Yong totoo? May nangyari ba sa date ninyo ni Gavin?"

Marga has been asking me countless time since she arrived. Maaga kasi siyang pumunta rito dahil susunduin daw niya ako. Pumayag na akong sumama sa kanila sa Iloilo para magbakasyon sa isang isla roon.

Speaking of Gavin, he's been texting and calling me earlier. Hindi ko pa kayang sagutin dahil hindi ko alam kung papaano ko ipapaliwanag sa kanya ang pananabotahe ng isang nilalang sa sana'y dinner namin.

"Saka ko na ikukuwento, bakit ba ang kulit mo? At saka bakit mo pa ba ako sinundo? Puwede namang magkita na lang tayo sa airport?"

Sinamaan niya ako ng tingin.

"As if naman babangon ka at pupunta ng airport kung hindi ka susunduin. Ikaw pa ba?"

She even helped me pack my things. Tatlong araw lang kami roon. Tinawagan ko na rin si Jessa at ibinilin sa kanya na mayroon akong pinirmahan na blank checks na iniwan sa loob ng opisina ko at puwede niyang gamitin sakaling may due payment kami sa supplier.

"Tara na nga, ang dami mo pang satsat."

Nauna ako sa kanyang lumabas ng unit. Gusto ko na rin munang lumayo at sumagap ng sariwang hangin dahil nakatitiyak akong may manggugulo na naman sa opisina ko sakaling papasok naman ako.

"Nasa airport na raw sina Sophie at 9:15 pa ang flight natin kaya huwag kang excited. Mahigit tatlong oras pa, saka hindi naman masyadong traffic ngayon."

I just snorted. We just booked a cab going to airport. Wala naman kasing maghahatid ng kotse niya pauwi sakaling dalhin namin sa airport. Ewan ko lang sa mga bakla at bakit hindi pa kumukuha ng personal driver gayong kaya naman nilang sumuweldo.

Mga 7:30 kami nakarating ng airport. We checked in immediately and proceeded to the departure area. Nandoon na nga sina Sophie pagkarating namin. I wore an aviator to hide my eyes. Tiyak kasing katulad ni Marga ay pauulanan din nila ako ng tanong.

"Buti naman at pumayag ka kahit last minute advice. Diyos ko, balak mo yatang gawing gubat ang opisina mo at doon ka na tumira," Sophie commented. May hawak siyang kape ng Starbucks.

I just smiled at them trying to hide my eyes. Naglagay naman ako ng concealer kanina para itago ang eyebags ko pero alam kong mapapansin pa rin nila kasi matagal mawala ang pamumula ng aking ilong. Nakatulugan ko kasi ang pag-iyak. At pagkagising ko'y muli akong naiyak.

It was quarter to 11:00 when we arrived at the Iloilo City airport. From there we rented a van going to Carles. Napamahal nga lang ang bayad pero inako lahat ni Sophie.

Mag-a-alas kuwatro na ng hapon ng marating namin ang napakagandang Gigantes Island. Kahit walang aircon ang mga kuwarto ay hindi naman mainit. Ang totoo'y napakapresko ng hangin. Puti ang buhangin doon.

Maaga raw kaming gigising bukas para mag-island hopping. Kung alam ko lang na ganito kaganda ang lugar ay sana noong nakaraang linggo ko pa pinaunlakan ang tatlong bakla. Abala sila Sophie sa pakikipag-usap sa babaeng nag-asikaso sa amin. They were talking about the itinerary.

I wore a black bikini and a white crochet lace cover-up. Lumabas ako ng room at pumunta sa tabing dagat. Idinipa ko ang mga kamay at dinama ang hangin. I breathe in. Nakaka-relax ng isip ang mabining hampas ng tubig dagat sa dalampasigan.

Kumalabog ang aking dibdib at marahas akong napamulat nang biglang may yumakap sa akin mula sa likod.

"What the—"

Nanlaki ang aking mga mata. Ano'ng ginagawa niya rito?

"You're showing too much skin again, babe."

Buong puwersa kong binaklas ang kanyang mga kamay na nakapulupot sa aking katawan. Dumoble yata ang panlalaki ng aking mga mata nang tuluyan ko na siyang hinarap.

"You look delicate on that outfit, babe." Pinasadahan niya ko ng tingin mula ulo hanggang paa kaya't napayakap ako sa aking dibdib. Mabuti na lang at walang masyadong tao rito sa isla ngayon.

"Sinusundan mo ba ako?" I almost yelled. He just gulped.

"Kahit saan ka pa magpunta susundan kita, Safina. Paulit-ulit akong magmamakaawa sa 'yo hanggang sa tanggapin mo ulit ako. Alam mo kung bakit? Kasi wala nang patutunguhan ang buhay ko kung wala ka rin lang."

Nanikip ang aking dibdib dahil sa matinding poot. Hanggang dito ba naman ay sisirain niya ang bakasyon ko? I just want to break free. Atleast for three days.

"Kung iniisip mong maaawa ako dahil sa ginagawa mo puwes lalo lang akong namumuhi sa 'yo. Bakit ba ang hirap mong umintindi? Ganyan ka ba talaga kadesperado?"

"Call me whatever you want, I don't care anymore. If you call this desperation, yes. I am this desperate to win you back, Safina."

Napasinghap ako nang bigla siyang lumuhod sa aking harapan.

"I will beg for a single chance every single day, Safina."

Sinubukan kong kumawala ngunit nakayakap na siya sa aking mga tuhod. He buried his face on my stomach.

"Elliot! Bakit ka ba nagmamakaawa sa babaeng 'yan? She doesn't deserve your love. Maawa ka naman sa sarili mo!"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.

Si Beatrice.

Mula sa kalayuan ay natanaw ko rin sina Sophie na paparating.

"Shut up, Beatrice! I told you, stop following me!"

Tumayo si Madrigal at hinarap ang babae ngunit kinuha niya ang aking kamay at mahigpit na hinawakan. What the hell are they both doing here?

"Para ano? Para magmakaawa sa babaeng 'yan? Manloloko siya, Elliot! Niloko ka niya!"

Beatrice's face reddened in despair. Napaawang lamang ako sa kanilang dalawa. In just a snap, my vacation got ruined.

"I said stop, Beatrice! You don't know what you are talking about!" Elliot glared at the woman. Pasimple kong tinanggal ang aking kamay ngunit hinigpitan pa niya lalo ang pagkahawak niya.

Beatrice stared at me devilishly.

"Hindi nga ba? Bakit hindi mo siya tanungin, Elliot? Bakit hindi mo tanungin kung sino ang ama ng anak niyang namatay?"

Napaawang ako at bumilis ang tibok ng aking puso. Tila bombang sumabog iyon sa aking pandinig. Sinubukan kong magsalita ngunit biglang nawala ang aking boses.

Kasabay ng pagbigay ng aking mga tuhod ay ang pagluwang ng pagkakawak ni Madrigal sa aking kamay.

©GREATFAIRY

Hopelessly Devoted to YouDonde viven las historias. Descúbrelo ahora