Nginitian ko siya kahit na sa loob ko'y gusto ko nang sumabog. I wanted to applaud myself for being able to talk like this with him.

Napalunok siya't napaiwas ng tingin. Bumuntonghininga siya't napahawak sa kanyang sentido. Tila sasabog na rin anumang oras. Oh, I can't wait for that to happen. Para maramdaman niya ang pakiramdam ng punong-puno na.

"A—ano bang kailangan kong gawin para patawarin mo ako? Kahit ano, Safina. Kahit ano gagawin ko tanggapin mo lang ulit ako." He tried to hold my hand.

Napaiwas ako ng tingin. Pabigat nang pabigat ang kanyang boses. I was expecting him to showcase his arrogance, but he didn't. Afterall, he's good at manipulating people's feelings.

"Simple lang, layuan mo ako. Lubayan mo ako, Madrigal."

Natigalgal siya.

I smirked inwardly. This is the only way for me to forget about everything. Kasi sa tuwing nakikita ko siya'y laging nananariwa sa puso't isipan ko ang kanyang ginawa.

"You can ask for anything other than that, Safina. H—hindi ko kayang layuan ka. Hindi ko kayang hindi kita makikita."

"Nakaya mo nga akong lokohin, ang layuan pa kaya? Please stop pretending as if you truly love me when there's nothing you can offer but pain."

Marahas akong tumayo kaya't agad din siyang napatayo.

"Thanks for the dinner," I said then turned my back.

"Safina, wait!"

Lakad-takbo ang ginawa ko palabas ng restaurant. Nakatanga sa amin ang mga waitress pero wala na akong pakialam. Gusto ko nang lumayo sa lugar na ito dahil hindi ko na kayang makipag-usap sa kanya.

"Safina!"

I gasped when he pulled me by my hand causing me to fall on his chest. Sinubukan kong tumayo nang maayos para makalayo sa kanya ngunit nakapulupot na ang kanyang braso sa aking baywang at ang kabila naman ay nakasuporta sa aking likod.

I felt our hearts racing. I tried to push him, but the holy power of energy seemed to have left me in an instant.

"Bitaw."

"I can't and I won't, Safina. Tatakasan mo na naman ako."

He tightened his grip. Marahas akong bumuntonghininga.

"Huwag mo nang dagdagan ang poot ko sa 'yo, Madrigal," babala ko ngunit lalo lamang niya akong hinapit hanggang sa maramdaman ko ang paghalik niya sa aking ulo.

"You can hate me all you want. I deserve your wrath, Safina, but forgive me as well because I'm not gonna stop begging for a chance until you give in. Just give me another shot, babe. I promise this time I will make it my best shot."

I held my eyes close. Kapag hindi pa siya bumitaw ay baka tuluyan na akong bumigay kaya't inipon ko ang aking puwersa at huong lakas siyang itinulak.

Napaawang siya.

"Stop right there, Madrigal!" I warned when he tried to hold me again.

"Tama na. Ayoko nang makita ang pagmumukha mo kaya kung puwede lang tigilan mo na ako. You want forgiveness? Then, I'm forgiving you, but it doesn't mean I'm going to give you a chance to ruin me again. Tama na. Said na said na ako. Hayaan mo namang mahalin ko ang sarili ko sa pagkakataong ito."

His mouth opened but he closed it again when he can't find the right words to say. Nabitin sa ere ang kanyang kamay habang nakatulala sa akin kaya kinuha ko ang pagkakataong iyon para parahin ang paparating na taxi.

Hopelessly Devoted to YouWhere stories live. Discover now