"Hindi kaya.. Natatawa lang ako sa reaksyon mo kanina." Nakangiti kong sabi kahit hindi niya nakikita ang mukha ko.

"It's okay as long you are happy and I don't mind it." Seryoso nitong sabi kaya napahiwalay ako sa kanya.

"Thank you.. Grayson.."

"Finish your food, magpapa order nalang ako. Sandali lang.." Sabi nito sabay tayo kaya tumitig na lamang ako sa kanya.

"Okay.." Iniwas ko na ang tingin sa kanya at inubos ko na lamang ang pagkain ko. Hays.. Ang swerte ko talaga kay Grayson kahit na may pagka-possessive ito.

Pagbalik niya ay may dala na itong pagkain kaya sinabayan ko muna siya. Pagkatapos naming kumain ay niligpit ko muna ang mga pinagkainan namin.

"Don ka nalang muna sa sala at maghuhugas muna ako." Sabi ko sa kanya at tumalikod na.
Pagkatapos kong maghugas ay naabutan ko siyang may katawag sa cellphone nito kaya umupo na lamang ako sala at hinintay siyang matapos.

"Sariah.." Tawag nito sa akin kaya lumingon ako sa kanya at nakita kong tapos na itong makipag-usap at lumapit ito sa aking tabi.

"Uuwi ka na ba? Alam kong may trabaho ka pa  kaya mas mabuting umuwi kana ngayon." Nakatingin kong sabi sa kanya pero hindi nito pinansin ang sinabi ko dahil mas lalong lumapit pa ito sa akin at yumakap.

"No.. I'm just worried , mag-isa ka lang dito pano kung may pumasok sa bahay niyo habang natutulog ka?" Nakasimangot nitong sabi kaya napangiti ako sa sinabi at hinaplos ang buhok niya.

"Ano ka ba Grayson, okay lang ako dito at wala namang magnanakaw dito no.."

"Kahit na.."

"Wait.. Wag mong sabihin na gusto mong matulog dito?" Sabi ko sa kanya sabay layo sa kanya at tinititigan siya. Nakangiting tumango ito sa akin kaya pinalo ko siya sa braso.

"Ano ba Grayson! Hindi ka pwedeng matulog dito dahil baka umuwi bigla sila nanay at makita ka nila." Umiiling kong sabi sa kanya.

"Then, I will tell them that I'm your boyfriend, may problema ba 'don?"

"Hmm.. Ako muna ang magsasabi sa kanila baka mabigla sila kapag ikaw ang magsalita." Sabi ko sa kanya at napansin kong tila nagbago ang timpla ng mukha nito kaya hinawakan ko ang mukha nito at tila nagtatampo ito sa akin.

"I'm sorry.. Please.. Grayson.." Paglalambing ko sa kanya at tumingin ito sa akin.

"Okay," sabi nito kaya niyakap ko siya.

"Thank you, Grayson..." Nakangiti kong sabi.

"Hindi ba pwedeng dito muna ako?" Lumayo ako sa kanya at nakita kong nakangiti ito sa akin kaya hinawakan ko ang kanyang mukha at mabilis na hinalikan siya.

"Hindi talaga pwede pero baka sa susunod pwede na." Nakangiti kong sabi kaya sumuko na rin ito sa pagpipilit sa akin.

Nasa harap na kami ng pintuan upang magpaalam sa kanya dahil uuwi na siya.

"Ingat sa pag-uwi.."

"Wait..." Tumigil Ito at pumasok ulit sa bahay kaya sinundan ko siya ng tingin. Napatawa ako ng ni lock nito ang lahat ng mga bintana habang seryoso ang mukha nito.

"Next time, don't forget to lock your window kung mag-isa ka lang dito, okay?" Seryso nitong sabi.

"Okay, I'm sorry.. Nakalimutan ko." Sabi ko sa kanya at lumapit ito sa akin.

"Bye.. I love you," sambit nito at hinalikan muna nito ang aking noo kaya napangiti ako.

"I love you too..." tugon ko sa kanya.

"Tatawagan kita mamaya at yong pintuan I lock mo." Sabi nito habang naglalakad papunta sa kotse nito kaya tumango ako sa kanya. Nang makapasok na ito sa sasakyan ay nagpaalam na ako sa kanya at hinintay ko munang makaalis ito bago ako pumasok.

Ni lock ko na ang pintuan at pumasok na ako sa aking kwarto. May nararamdaman pa rin akong takot tuwing mag-isa lang ako dito. Gusto kong dito muna si Grayson pero natatakot akong baka makita siya nila nanay kaya pinilit ko nalang wag munang dumito si Grayson.

Matapos kong ayusin ang aking higaan ay nakita kong umilaw ang cellphone ko at nakita kong nag flash sa screen ko ang pangalan ni Grayson kaya dali-dali ko itong sinagot.

"Hello.."

"Matutulog ka na ba? Sorry, ngayon palang ako nakatawag kakauwi ko palang kasi."

"Okay lang, isang oras palang naman nang umalis ka dito." Nakangiti kong sabi, hindi ko talagang mapigilan ang sarili kong ngumiti tuwing nag-uusap kami ni Grayson, hindi ko alam kung bakit o ito talaga 'yong feeling na kinikilig ka at kausap mo ang taong mahal mo.

"But.. I already miss you.." Mahina nitong sabi kaya hindi ko mapigilang yumakap sa unan ko dahil sa kilig na nararamdaman ko.

"I miss you too.." Sagot ko sa kanya at narinig ko sa kabilang linya na naglalakad ito.

"Nasa kwarto ka na ba, Grayson?" Tanong ko sa kanya at narinig kong tila humiga na ito.

"Yes, matulog ka na at may pasok ka pa bukas." Sabi nito pero parang ayokong maputol ang pag-uusap namin ngayon.

"Gusto pa kitang maka-usap eh.." Nakasimangot kong sambit at narinig kong mahina itong napatawa sa sinabi ko.

"Okay, okay, if you want, I'll call you on skype." Sambit nito na nagpataranta sa akin, ayokong makita niya ang mukha ko na sobrang pula.

"No way, Grayson.." Seryoso kong sabi at narinig kong napatawa ito ng malakas kaya napasimangot ako, tila inaasar ako nito dahil alam niyang ayaw ko talagang mag skype kami tuwing tumatawag siya.

"Are you scared na makita kang namumula sa kilig? Hahaha.." Natatawa nitong sabi na nagpaasar sa akin.

"Grayson! You are always bully me hmp.." Naaasar kong sabi at tumigil na ito sa kakatawa.

"Okay, I'm serious, I just wanna see you to check on you." Seryoso nitong sabi.

"Okay lang ako, Grayson.. Ikaw? Okay kalang ba diyan?" Tanong ko sa kanya at hinigpit ko pa ang pagyakap sa unan ko.

"I'm fine here, sanay na akong mag-isa since, bumukod na ako kila mommy. Next time, you can sleep here.." Seryoso nitong sabi na nagpatigil sa akin.

"Hmm.. Grayson, hindi pa ako pwedeng matulog diyan.." Mahina kong sabi sa kanya.

"Why? You're my girlfriend,"

"But.. We're still on a girlfriend-boyfriend stage and its not---" naputol ang sasabihin ko ng magsalita ito.

"Sariah, you can sleep here anytime, okay?" Sabi nito at hindi na nakinig sa sinabi ko kaya bumuntong-hininga na lamang ako.

"Okay," tugon ko sa kanya.

"Matulog ka na at bukas nalang tayo magkita, okay?"

"Okay,"

"Goodnight.. I love you.." Malambing nitong sabi.

"Goodnight rin.. I love you too." Tugon ko sa kanya at binaba ko na ang tawag. Itinabi ko na ang cellphone ko at huminga ng malalim.

Makakatulog na naman ako ng matiwasay ngayon dahil kay Grayson. I'm very thankful that he's with me at sobrang mahal na mahal ko si Grayson and I can't imagine myself to be with someone na hindi si Grayson.

"Goodnight, Nay at Tay.." Bulong ko at unti-unti ko ng pinikit ang aking mata.

The Possesive Man (Del Faurico Series#1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now