Siya ang naging bunga ng isang gabing kahibangan ko kay Madrigal. We were both under the influence of alcohol. Kaya nang mga panahong iyon ay pareho kaming nakipaglaro sa apoy kahit na hindi niya ako kilala. I let him take me insatiably until he fell asleep. Hindi ko nabilang kung ilang beses niya akong kinuha. Ang alam ko lang ay nauna akong nagising sa kanya. I left the Zero Degree bar without any trace of my identity.

I was expecting that he would go after me—but he didn't. Ni hindi niya man lang ako hinanap pagkatapos ng mainit na gabing pinagsaluhan namin. Siguro dahil sanay siyang makipagtalik sa iba't ibang babae halos gabi-gabi. Na hindi man lang niya kinikilala. Basta pagkain susunggaban niya kaagad. Duda akong natatandaan pa niya ang nangyari sa amin.

I was hopeless romantic. Masyado kasi akong nagpaniwala na mapapabago ko ang isang katulad niya, pero hindi. He treated me like one of his whores. Babaeng dumaan lang sa kanyang buhay at nagpainit ng isang gabi niya.

"Hindi kaya parang masyado mo siyang pinapangunahan, Sissy? Hindi ba nga sinusuyo ka niya at nanghihingi ng tawad sa 'yo? Baka naman talagang nagsisisi na siya at na-realize niya nang mahal ka pala niya."

Natawa ako nang mapakla sa sinabi ni Marga. Dumura ako sa lupa.

"Tingin mo magbabago pa siya? I already tried, Marga. Been there, done that. Minsan na akong naniwala sa mga pakulo niya kaya hindi na niya ako maiisahan. At sa pagkakataong ito ay wala na siyang puwang sa puso ko," mariing tugon ko. Sa likod ng isip ko'y natawa ako nang mapait.

Sinungaling. Mahal ko pa rin siya pero hindi ko siya kayang patawarin.

Narinig ko ang pagbuntonghininga nilang tatlo sa likod.

Two months after that drunken night, I discovered that I was pregnant. Binalak kong sabihin kay Madrigal ang tungkol sa ipinagbubuntis ko noon ngunit naduwag ako. Lalo na nang makita kong may kahalikan siyang ibang babae sa Zero Degree bar. Sa sobrang sama ng loob ko'y naglasing ako halos gabi-gabi. Pinabayaan ko ang aking sarili. I didn't take the meds prescribed by my OB. I didn't take the right diet. Hanggang sa nagkaroon ng complication ang pagbubuntis ko.

I was on my fifth month of pregnancy when I lost Enrico. Humina ang kapit niya dahil sa kapabayaan ko. I was too occupied with my heartbreak that I forgot about him. I forgot that I have someone breathing the same air I breathe.

Sising-sisi ako hanggang ngayon. Kasalanan ko lahat dahil sa sobrang rupok ko pagdating sa kanyang ama. Sobrang hina ko dahil nagawa ko siyang kalimutan noong mga panahong lunod na lunod ako ng sakit. Patas na kami ngayon ni Madrigal—dahil pareho kaming walang kuwentang magulang sa aming anak.

"Sissy, tara na." This time it was Sophie.

Alam nilang tatlo ang lahat ng pinagdanaanan ko. Kaya lahat ng mga hakbang ko'y alam din nila. Pero wala na akong balak na ipaalam kay Madrigal ang totoo dahil hindi niya rin naman deserve.

"Ipangako ninyong tatlo sa akin, na hinding-hindi ninyo sasabihin kay Madrigal ang tugkol kay—kay Enrico." Napayuko ako. Hinaplos ako ni Rufa sa likod.

"Sissy, kung may balak kami, e 'di sana matagal na naming ginawa. Susuportahan ka namin sa kahit ano'ng gusto mo basta huwag mo nang pabayaan ang sarili mo. What are friends are for, 'di ba?"

I gave them a small smile. Biglang humangin nang malamig at malakas kaya't pareho kaming napayakap sa aming mga sarili.

Nagkatinginan silang tatlo at nanlalaki ang mga mata.

"S—sissy, mukhang hindi sang-ayon si Baby Enrico," nauutal na sabi ni Marga. Sinamaan ko na lang siya ng tingin. Muli akong lumuhod at inayos ang pagkapatong ng mga bulaklak na aking dala kanina.

Hopelessly Devoted to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon