Chapter 4

22K 385 0
                                    

Nakarating na kami sa classroom namin. Inopen na ni Kevin ang door tapos pina-una niya kaming pumasok ng Miss A, sumunod naman si  Kevin. Ang gentleman talaga ng crush ko!

Pagpasok ko, nagulat ako sa nakita ko. Alam niyo, yung classroom namin, hindi mukhang classroom. Mas mukha siyang, kwarto? Hindi rin eh, alam niyo yung sa mga movies na 'yung office ng mga mayayamang kontrabida. Parang office lang din ni Miss Principal este Ate Laurene pala kaso nga lang, parang mas maganda at mas malaki 'tong classroom namin. Yung bintana niya sa may left side, glass lang. 'Yung makikita yung baba, yung baba pa ng room nila is garden. Ta's white board ang ginagamit, may mga bookshelfs pa sa back and right walls na puno ng mga libro. Tas yung mga table, parang study table ta's may isa-isa pang laptop bawat table. Di-aircon pa yung room. Yung table naman ng teacher, parang yung table lang ni Ate Laurene, yung mahaba na table. Ta's may computer pa. Ta's hindi masyadong maingay 'yung mga classmates namin. Nagchichismisan rin naman sila about sa mga bago nilang mga gamit na branded daw, pero hindi yung talagang maingay talaga na nakakasira ng eardrums.

"This is our room." (Kevin)

"WOW!"

Sabi namin ng Miss A habang tulala at namamangha.

"Classroom ba talaga 'to?" (Andrea)

"Ang ganda naman ng classroom niyo. Ganito rin ba classroom ng ibang section?"

Tanong ni Amy kay Kevin.

"Hindi. Section SZ  lang ang may ganitong classroom." (Kevin)

"Section SZ? Ano yun?" (Miss A)

"SZ means "Student Zeus". Alam niyo naman na si Zeus ang God of Gods sa Olympus diba? Ibig sabihin, tayo ang gods of all students dito sa IPA. Kung sa mga ordinary school pa, ang Section SZ ang first section. Each year level may Section SZ. Since junior tayo, tayo ang Section SZ 3." (Kevin)

"Ibig sabihin, honor students ang nandito?" (Ahriya)

"Ganun na nga." (Kevin)

Pa-uso rin 'tong school na 'to ha. May pa SZ-SZ pang nalalaman! Pero, parang mahihirapan kami dito ha. Honor students rin naman kami sa school namin dati, pero kasi yung mukha ng mga classmates namin ngayon eh hindi lang mukhang sosyal kundi mukhang kasingtalino na rin ni Einstein.

"Kevin! Here!"

Nakita namin si Spencer na tinawag si Kevin. Kasama niya sila Marco at Tristan.

"Si Tristan my loves!"

And as expected, kinilig na naman si Alex nung nakita niya si Tristan. Tumakbo agad siya papunta kay Tristan. Sumunod na lang rin kami sa kanya.

"Oh, you're here again." (Spencer)

"Yup. Classmates natin sila." (Kevin)

"Hi Andrea. Classmates pala tayo? Galing 'no?"

Bati ni Marco kay Andrea with malaking smile.

"Ano ngayon kung magkaklase tayo? At tyaka, anong magaling dun?"

Pasupladang sagot naman ni Andrea.

"Ang suplada mo talaga Andrea!"

Sagot naman ni Marco habang tumatawa. Nag-iba ang mukha ni Andrea nung sinabi 'yun ni Marco. Tss, the more you hate, the more you love!

"Choose your seats now ladies."

At gaya nga ng sabi ni Spencer, pumili na kami ng mga magiging upuan namin. Si Alex, alam niyo na, sa tabi ni Tristan. Si Andrea naman, sa tabi ko sana siya kaso bigla siyang hinila ni Marco at pina-upo sa katabi niyang vacant seat. Pilit nga na umaalis dun si Andrea eh kaso ayaw talaga siya paalisin ni Marco kaya wala na rin siyang nagawa. Si Andi sa may right side ni Ahriya then si Ahriya naman sa may right side ko. Parang pinapagitnaan lang namin ni Andi si Ahriya. Si Amy sa tabi ni Kevin. Tss, inunahan pa talaga ako ni Amy. Joke lang! Ako naman sa may left side ng room. Dun ako banda sa may glass window. Kaharap ko naman si Kevin.

He's My Fiancé?! --- COMPLETEDМесто, где живут истории. Откройте их для себя