Chapter 41

14.1K 241 3
                                    

“Hoy Renz! ‘Wag ka ngang pa-celebrity!” Sigaw ko sa kanya sa cellphone. Kanina pa kasi kami rito sa bahay nila Amy at siya na lang ang hinihintay namin. Langya! Halos isang oras na rin kaming naghihintay rito sa kanya ha! Kanina pa nga naka-alis sila Spencer, Ahriya, Amy, at Archie eh. ‘Di kasi kami makasya sa van nila Amy kaya ginamit na lang nila ‘yung kotse ni Spencer, alam naman daw kasi ni Spencer ang daan papunta roon sa rest house kaya siya na lang ang magtuturo dun sa driver. Kung kanina pa sana nakarating rito si Renz, naka-sabay na sana kami sa kanila! Bwisit talaga ‘yun!

Nga pala, Christmas break na namin. Papunta kami ngayon sa Private Rest House nila Marco, dun namin napag-desisyunan na mag-bakasyon. Pinatapos muna namin ‘yung 4 days and 3 nights na premyo nung mga bidders bago kami magba-bakasyon ngayon. ‘Wag niyo ng tanungin kung ano ang ginawa namin ni Renz, okay? Kasama rin namin ngayon si Kristof at Archie. Inaya rin namin si Charles (maliban kay Renz -___-) pero hindi raw siya pwede kasi may bakasyon rin daw sila ng pamilya niya.

“Papunta na nga diba?! Pwede mag-hintay lang?”

“Mag-hintay?! Wow! Hoy! Pinaghintay mo na nga kami ng halos isang oras, papahintayin mo na naman kami?!”

“Woah! Chilax lang Althiya!” Sabi sa ‘kin ni Marco.

“Gusto ko nga rin sanang mag-chilax Marco eh, KASO ‘TONG KAIBIGAN MO NAKAKA-BWISIT!” Sinadya ko talagang lakasan ang boses ko para marinig ni Renz sa kabilang linya.

“Hoy! Narinig ko ‘yun!” Reklamo ni Renz.

“ALAM KO! Kaya bilisan mo na jan kung ayaw mong buhayin ko si Lolong para mapalapa lang kita sa kanya!” May sasabihin pa sana ulit si Renz pero ‘di ko na siya pinagbigyan at binaba ko na ang cellphone.

At after 65476567347 years, dumating na rin ang “STAR!” -___- Bumaba na siya sa kotse na nag-hatid sa kanya at sumakay na sa van na sasakyan namin papunta sa Rest House. Pagkabukas niya pa lang ng pintuan ng van, pinektusan ko na agad siya ng pagkalakas-lakas.

“ARAY! BAKIT BA?!” Sabi niya habang hinimas-himas ang noo niya na pinektusan ko.

“Reward mo ‘yan sa pagpapahintay sa ‘min.” Sabi ko sa kanya with sarcastic smile.

“Pssh, nakakatawa.” Sarcastic niya ring sinabi sa ‘kin. Then may kung ano siyang sinabi na hindi ko narinig at naintindihan.

“Ano?!”

“Wala!” At pumasok na siya sa loob ng van. Weird talaga!

Habang nasa biyahe, tahimik lang kaming lahat at may kanya-kanyang ginagawa. Kaming dalawa ni Renz ay kumakain ng oreo habang naglalaro ng NFS: Undercover sa PSP. Si Andi at Kristof na katabi namin is naglalaro rin ng PSP habang nakikinig ng music. Si Andrea at Marco na nasa likod namin is naglalaro sa iisang tablet. At si Tristan at Alex ay nakikinig lang ng music. At si Kevin na nasa front-seat, natutulog habang nakikinig ng music. Pssh, ba’t kaya naging batugan ‘yun? Anyways, ‘yun lang ang mga ginawa namin sa buong biyahe.

***

“Althiya?” Naramdaman kong may mahinang yumuyugyog sa ‘kin.

“Mmm?”

“Nandito na tayo, gising na.”

Nung binuksan ko ang mga mata ko, nakita kong wala ng tao sa loob ng van. At naka-sandal ang ulo ko sa balikat ni Renz. Shemay, ‘di ko namalayang naka-tulog pala ako.

He's My Fiancé?! --- COMPLETEDWhere stories live. Discover now