Chapter 55

13.5K 246 1
                                    

3 days after.

“Try mo kayang bitiwan ‘yan? Masyado pa pong maaga para gumamit ng sparklers.” Sabi ni Andrea kay Marco. Nilagay naman ni Marco sa sulok ang mga sparklers na kanina niya pa gustong sindihan.

“Oh ayan, hindi ko na hinahawakan. So pwede na ba akong maka-inum ng black velvet?” Sabi niya sabay upo sa tabi ni Andrea.

“May sinabi ba ‘kong kapag binitiwan mo na ‘yang sparklers eh makaka-inum ka na ng black velvet? At again, masyado pang maaga para sa mga gusto mo.”

“Okay, okay. Your wish is my command. Tutulungan ko na lang sila Renz dun.”

“Ayun! Mabuti may naisip kang magandang gawin sa buhay mo.” At umalis na nga si Marco para tulungan ‘yung ibang boys sa labas. Nagba-barbeque kasi sila dun. Kami naman rito sa loob eh hinahanda ang mga cocktail drinks na pina-deliver ni Marco sa mga tao nila dun sa Olympus.

“Alex, okay ka na ba?” Tanong ni Andi

“Yup. Nag-promise naman siya sa ‘kin sa pagbalik niya rito, papakasalan niya na ‘ko.” (Alex)

“Woah! Kasal agad?!” (Andrea)

“’Wag masyadong umasa Alex, hindi natin alam, malay mo…” Sabi ni Amy sabay tingin sa ‘min ng alam-niyo-na-ang-tinutukoy-ko look.

“Pssh! Oo na. Pero maniniwala pa rin ako sa promise niya sa ‘kin.” (Alex)

“Bakit, may sinabi ba kaming ‘wag kang maniwala?” (Andrea)

“Tama na nga ‘yan.” Sabi ko sa kanila. Baka kasi humantong pa ‘tong usapan nila sa kung saan at baka biglang uminit ang lahat. “Tapusin na lang natin ‘to tapos ilabas na natin. Baka tapos na rin silang mag-barbeque dun.”

“Teka, sino nga pala ‘yung dumating kanina?” Tanong ulit ni Andi.

“Anong dumating?” (Alex)

“’Yung mga nakasakay sa private yacht. Nakita namin kanina nila Archie at Kristof.” (Andi)

“Baka ‘yung mga tao nila Marco.” (Althiya)

“Hindi. ‘Yun nga rin ‘yung akala namin kanina eh. Pero nung nakita naming pamilya sila, nagtaka na kami kung sino. May isang bahay pa ba rito?” (Andi)

“Meron. Pero sobrang layo mula rito, mukhang nasa isang side pa ng island. Siguro sila ‘yung susunod na mangagarkila kasi uuwi na rin naman tayo bukas.” (Amy)

“Baka ma-istorbo sila sa pag-iingay natin mamaya.” (Ahriya)

“Malayo nga raw eh, kaya hindi nila tayo maririnig. Tara na nga, ilabas na natin ‘to.” (Andrea)

Kanya-kanya kami ng punch bowl na dinala sa labas at nilagay sa table na hinanda. Nandun na rin ‘yung mga ibang pagkain na kakainin namin mamaya. Malapit ng matapos sa pag-barbeque ang mga boys pagkalabas namin. Eto namang si Marco, imbis na tumulong eh kumain lang ng kumain. Si Renz at Tristan ‘yung nagpapaypay habang tinutulungan sila ni Archie at Kristof. Si Kevin at Spencer, mas malaki ang na-itulong, naghahabulan!

“Kukuha rin kami ha!” Sigaw ni Andi sa dalawang chef ng barbeque namin.

“O sige. Para mamaya wala ng barbeque.” Sabi ni Andrea sa kanya. Hindi na pinansin ni Andi si Andrea at kumuha na lang, hindi niya na rin hinintay ang sagot ng dalawa.

He's My Fiancé?! --- COMPLETEDWo Geschichten leben. Entdecke jetzt