Chapter 72

12K 196 1
                                    

"O sige, papunta na 'ko jan." At pinatay ko na ang cellphone. Bwisit naman o! Si Anamarie kasi, gusto niyang manood ng rehearsal namin. Eh mamaya na sana ako pupunta pero eto nga siya. Bwisit talaga! Hindi ba pwedeng manood na lang siya mamaya? Parehas lang naman 'yun. Bumalik ako sa daan ko at pumunta ng IPA. Nandun kasi siya ngayon para sa final project namin sa Filipino.

Nung nakarating na ako, tinext ko siya na naghihintay lang ako sa main gate. Tinext niya naman ako na medyo matatagalan pa siya. Aissh! Langya! Binuksan ko na lang ang bintana at sinindihan ang sigarilyo. Sinandal ko ang ulo ko sa upuan at binuga ang usok. Alak o sigarilyo, nasa dalawang lang 'yan ang pinagbubuhusan ko ng damdamin. Kesa naman magmukmok ako, maaalala ko pa siya, at baka mapatay ko pa ang sarili ko - o 'di kaya, 'pag 'di ko mapigilan ang sarili ko, siya pa ang mapatay.

Habang naninigarilyo ako, may nakita akong nakatingin sa kinaroroonan ko sa side mirror. Si Althiya. Pero hindi siya nakatingin sa 'kin, gulat siyang nakatingin sa hinahawakan ko. Nakalabas kasi sa bintana ang kamay ko na nakahawak sa sigarilyo. Alam niyang naninigarilyo ako, pero 'di niya pa ako nakikitang ginagawa ito. Umiinom lang kasi ako't naninigarilyo kapag may problema ako. Kapag kasama ko kasi siya, wala na akong ibang iniisip kundi siya lang.

"Hi babe!" Gulat akong napalingon kay Anamarie na hindi ko napansing pumasok sa kotse.

"O-oh! Akala ko ba matatagalan ka?"

"Maaga kaming pinaalis ng leader namin. So, tayo na?" Tinapon ko na ang sigarilyo at umalis. Sumulyap ulit ako sa side mirror at nakita kong sa 'kin na siya nakatingin.

***

"O sige, last na 'to. Pahinga muna tayo." Sabi ni Spencer habang umiinom ng tubig. Kakatapos lang namin i-rehearse ang pangatlo at huling kakantahin namin.

"Ba't nga pala wala pa rin hanggang ngayon si Kevin?" Tanong ko. Halos dalawang oras na kaming nagri-rehearse pero hindi pa rin siya dumadating.

"Uhm... ano..." Parang nagdadalawang-isip na nag-simula si Spencer. Pero nung magsasalita na sana siya, may narinig kaming nagtatawanan mula sa labas. Maya-maya lang, pumasok si Althiya at Kevin habang nagtatawanan. Ahh, alam ko na kung bakit wala si Kevin kanina.

"O Kevin! Althiya!"

"Hi guys! Sorry ngayon lang ako." Sabi ni Kevin.

"Ayos lang. Nakapag-rehearse naman kami ng maayos nung wala ka eh." Irita at malamig kong sabi sa kanya sabay labas ng bar.

"Problema nun?" Narinig ko pang sabi ni Marco.

***

"May isang stick ka pa?" Napalingon ako, nandito na pala sila.

"Bakit, naninigarilyo ka ba?"

"Hmm, dati. Pero kaya ko pa 'yan." Sabi niya sabay upo sa tabi ko at abot ng kamay. Napatawa na lang ako ng mahina sabay bigay sa kanya ng gusto niya. Naka-upo kami ngayon sa bench na malapit sa parking lot.

"Kanina pa kayo dumating?"

"Medyo. Ba't ka nga pala nandito? Iniwan mo mag-isa dun si Anamarie."

"Hindi ba siya pinapansin ng SPrince?" Sa kabila kasi ng mga nangyari, tinuring pa rin namang kaibigan ng SPrince si Anamarie.

"Pinapansin. Kaya lang parang ikaw ang hinahanap niya kasi panay ang tingin niya rito sa kinaroronan mo. Dahil dun kaya nalaman kong nandito ka."

He's My Fiancé?! --- COMPLETEDWhere stories live. Discover now