Chapter 36

12.9K 235 2
                                    

“HOY! SINO BA KAYO?! BITAWAN NIYO NGA KAMI!!” Sigaw ko dun sa lalakeng humawak sa ‘kin habang nagpupumiglas ako. Langya ha! Ang sakit na ng wrist ko! Grabe maka-hawak ‘tong damulag na ‘to!

“Shaun, Jude, Ray, ano bang ginagawa niyo?!” Tanong ni Renz sa kanila. Teka…

“Kilala mo sila Renz?”

“Yes, he knows us.” Lumingon ako dun sa nag-salita kahit naka-hawak ng mahigpit ‘tong si damulag. O, sino na naman ‘to?

“Fred.” Napalingun naman ako kay Renz. Mukhang kilala niya talaga ‘tong mga ‘to. Eh kung ganu nga, ba’t hinahawakan rin ‘yung kamay niya na parang kriminal na katulad sa ‘kin?! Shemay! Ano ba talaga ang nangyayari ritoooooooo?! Napansin ko namang habang lumalapit ‘yung Fred kay Renz eh tinitigan niya ‘ko mula ulo hanggang paa. SHEMAY! ‘WAG MO ‘KONG TITIGAN NG GANYAN LANGHIYA KA! PASALAMAT KA KULONG AKO SA DAMULAG NA WALANG HIYANG ITO!

“In fairness Renz, ang ganda ng fiancée mo. Kaso kamukha siya ni… sino nga ba ‘yun? ‘Yung…. Ah! Anamarie, right? Ginawa mo ba siyang fiancée mo dahil sa kamukha niya ‘yung ex mong patay na?” BWISIT! Ba’t niya ba sinasabi ‘yan?! LANGYA! PAG NAKA-WALA TALAGA AKO RITO ITATAPON TALAGA KITA SA BERMUDA TRIANGLE!

“’Wag mong idamay si Althiya rito!”

“Tss, at first place, hindi naman mangyayari ‘to kung hindi mo kami tinalikuran eh. Sige na, ilayo mo muna ‘yang babaeng ‘yan sandali.”

Bigla naman akong hinila ni damulag palayo sa kanila.

“HOY! SA’N MO ‘KO DADALHIN?! BITIWAN MO ‘KO!” Pagpupumiglas ko habang hinihila nitong si damulag.

“Manahimik ka nga!”

“G*GO! MANAHIMIK YOUR FACE! TAENA MO! ‘PAG NAKATAKAS AKO RITO ITATAPON KITA SA BERMUDA TRIANGLE!”

“Grabe, kaba-babae mong tao nagmumura ka! Manahimik ka nga sabi!”

“PAKE MO BA! MAKA-SERMON KA SA ‘KIN PARANG TATAY KITA! BAKIT, IKAW BA NAGPAKAIN SA ‘KIN?! HA?! HA?!”

“Bwisit! Kung hindi ka mananahimik talagang papatulan kita kahit babae ka!”

“ABA! TALAGANG –“

“AGH!” Napalingun ako kay Renz. GULAY! BINUBUGBOG NILA SI RENZ!

“H-HOY! ITIGIL NIYO ‘YAN!” WAAAAH! SI RENZ! “Hoy damulag! Pigilan mo ‘yung mga kasama mo, ano ba! Tatlo kaya sila! Isa lang si Renz!”

“Tss, loka-loka ka ba o ano? Ba’t ko naman sila pipigilan?!” Shemay, kakampi nga pala ‘to ng kalaban! WAAAAH! ANONG GAGAWIN KO?!

“RENZ! Aaaah! HOY ITIGIL NIYO ‘YAN! HINDI KAYO PATAS EH!”

“P*ta! Patahimikin mo nga ‘yan!” Utos nung Fred kay damulag.

“Hoy! Pwede manahimik ka na lang?! Pasalamat ka ‘di ko kayang manapak ng babae!”

“Kasi naman! Tulungan mo na si Renz! Mananahimik ako kung tutulungan mo siya!” Halos maiyak-iyak ko ng pagmamakaawa kay damulag. Eh kasi si Renz! Ang rami niya ng dugo sa katawan pero binubugbog pa rin siya! ToT

“Tss.” ‘YUN LANG?! ‘YUN LANG ‘YUN?! WALA BA SIYANG KONSENSYA KAHIT PAPA’NO?! WAAAAAAH! RENZ!

“RENZ! LUMABAN KA!” Eto na lang ang na-isip kong paraan para ‘di na siya mabug-bog. “WIRDO! LUMABAN KA! AKALA KO BA MATAPANG KA! I-TAEKWONDO MO SILA! DIBA MARUNONG KA NUN! HOOOOY! AYOKONG MAGPAKASAL SA PANGET!” At tuluyan ng tumulo ang luha ko. NAKAKAINIS! Ang rami niya ng dugo! ToT

He's My Fiancé?! --- COMPLETEDWhere stories live. Discover now