Chapter 19

14.7K 283 0
                                    

 (Althiya’s POV)

Nandito pa rin ako ngayon sa kwarto ni Renz. Tapos na siyang mag-salita kaya iyak na lang siya ng iyak ngayon. Kino-comfort ko naman siya sa pamamagitan ng paghimas-himas ng likod niya. Hindi ko talaga akalain na ganun ka grabe yung naramdaman niya sa pagkamatay ni Anamarie. Naiyak nga rin ako habang nag-sasalita siya eh. Nasabi ko nga rin sa sarili ko, ang swerte ni Anamarie. Merong lalake na nagmamahal sa kanya ng sobra, na handang magpakamatay para lang makasama siya. Haay, hindi ko minsan inakala na iiyak ng ganito ang isang gangster type na katulad ni Renz. Yung akala mo na walang kinatatakutan at sobrang astig, may tinatago pa lang sakit sa puso. Nagi-guilty tuloy ako kasi masama yung first impression ko sa kanya. Nung medyo huminto na siyang umiyak, kinausap ko na siya.

“Okay ka na?”

Tumango siya.

“Sure?”

“Tss, oo nga sabi.”

Medyo natatawa niyang sagot.

“Eh kasi naman, grabe yung iyak mo kanina tapos magiging okay ka bigla.”

“Okay na talaga ako. Salamat ha.”

“Okay lang yun. Medyo gumaan na ba yung pakiramdam mo?”

Tumango ulit siya.

“Ahh, Renz, sorry ha.”

Tiningnan niya ko ng nagtataka.

“Bakit ka nagso-sorry.”

“Eh kasi may kasalanan ako sa’yo.”

“Ano ba yun?”

“Wag mo na alamin. Basta, sorry ha.”

“Tss. Kung ano man yang pinagso-sorry mo, sige apology accepted.”

Napangiti naman ako. Kaso nakita ko siyang nag-sigh ng malalim.

“O para sa’n yun?”

“Pinaga-an ko lang ang pakiramdam ko.”

“Ahh.”

 (Kring Kring)

New Message

Kinuha ko yung cellphone ko para basahin yung message

From: Alex =)

psst, mamayang 4 daw tayo gigimik sabi ni marco.

To: Alex =)

ok

From: Alex =)

nsa bhay ka prin ba ng fiancé mo?

To: Alex =)

yup

From: Alex =)

wow himala! d na cia nagrereklamo.

To: Alex =)

heh! mnahimik ka nga! nsan ka ba ngaun?

“Sino yang ka-text mo?”

Tanong ni Renz sa kalagitnaan ng pagte-text namin ni Alex.

“Ahh, si Alex.”

He's My Fiancé?! --- COMPLETEDWo Geschichten leben. Entdecke jetzt