Chapter 14

16.4K 295 4
                                    

(Althiya's POV)

On the way na kami patungo sa palasyo ng mga Francisco. Sabado na kasi at may duty pa akong i-tutor ang wirdo na si Renz. Medyo late na nga ako eh. Nakalimutan ko kasi na may itu-tutor pa akong wirdo kaya hindi ako nakapag-alarm at late na ako nagising. Pero ok lang naman siguro yun eh, sana. Hinatid ako ni papa. Si oppa kasi pinagtrabaho ni papa sa office.

"Okay, we're here princess."

Shemay! ETO NA! Kinakabahan ako! First time kasi eh. Bumaba na 'ko at nag-bye kay papa. Tatawag lang daw siya pag susunduin niya na ako. Eto na, papasok na 'ko. Nag-door bell ako sa napakalaking pintuan ng bahay nila. 'Yung gate kasi nila naka-bukas na kaya wala nang door bell-door bell dun. Siguro sinasara lang nila 'yun pagmatutulog na sila.

"Good afternoon, speaking?"

"Uhm, Althiya Kim."

Mga ilang minuto rin ang nagdaan bago bumukas ang napakalaking pintuan. At sumalubong sa 'kin ang napakahabang linya ng mga maids at isang butler.

"Good Afternoon young miss."

Bati nilang lahat sa 'kin. Young miss? Teka, diba dapat tinatawag lang yun sa pinakabatang miyembro ng pamilya ng bahay na 'to? Ba't nila ako tinawag na young miss?

"Young miss, ako po si Butler Camora. Head butler ng Francisco Family."

"Ahh, good morning po. Uhm, pwede po mag-tanong?"

"Yes young miss."

"Ba't niyo ko tinatawag na young miss?"

"Dahil po kayo ang fiancée ng young master. At utos rin po sa 'min na tawagin kayong young miss."

"Ah hehehe. Thank you sa pag-sagot. Uhm, pwede niyo po ba ako ihatid kung nasa'n ngayon si wi -– Renz?"

"Sumunod po kayo sa 'kin."

Gaya nga ng sabi niya, sumunod ako sa kanya. Wew, ang laki pala ng bahay na 'to. Parang mas malaki pa 'to dun sa binili ni papa. At tyaka, ang ganda rin. Habang naglalakad kami papunta sa kinaruru-unan ni wirdo, may mga paintaings akong nakikita. 'Yung iba abstract 'yung iba naman portraits at landscapes. Tumigil kami sa isang pinto.

"Young miss, nandito na po tayo."

Siguro kwarto 'to ni wirdo. Kinatok ni Butler Camora 'yung pinto.

"O! Bakit?!"

Kwarto nga 'to ni wirdo. Tss, wala talaga siyang modo kahit kailan.

"Nandito na po ang tutor niyo."

Tumahimik sandali. 'Di niya siguro narinig. Sasabihin ko sana sa butler na kasama ko ngayon na ulitin niya 'yung sinabi niya kaso biglang bumukas 'yung pinto at lumabas ang isang wirdo.

"Tutor?"

At lumingon siya sa 'kin. Sabay laki ng mata.

"ANONG GINAGAWA MO RITO?!"

SHEMAY! KAILANGAN SUMIGAW?!

"She will be your tutor."

Sabi naman ni Ate Laurene na kararating lang at naglalakad pa patungo sa 'min.

"ANO?! BA'T HINDI KO 'TO ALAM?!"

"Kasi alam kong hindi ka papayag."

He's My Fiancé?! --- COMPLETEDWhere stories live. Discover now