Chapter 12

15.4K 273 2
                                    

(Author's POV : Nakiki-epal lang po hehehe. Take note: Kapag naka-italic at may "~" sign, sinasabi nila 'yan sa isip nila or sa sarili nila.)

Gaya nga ng sabi ng papa ni Renz, nagsimula na ang party. Pumunta si Laurene sa isang platform at nag-good evening sa lahat ng bisita, hudyat na magsisismula na ang party.

"Thank you sa lahat ng dumalo ngayon sa welcome party ng aking parents. Nagpapasalamat kami kasi nakisaya rin kayo sa pagbabalik nila."

"Tss, kayo lang."

Sabi ni Renz with a cold voice. Narinig naman ito ni Althiya.

~So hindi siya masaya na bumalik na 'yung parents niya. Tss, ang halatang mabait na anak ha.~ - Althiya

"Nagpapasalamat rin kami sa aming lolo na pumunta rin dito just for our parents. And of course, sa Kim Family. Thanks po sa pagpunta niyo. And by the way, I would like you to meet my future sister-in-law, Althiya Kim."

Biglang kinabahan si Althiya. Hindi niya alam gagawin niya kasi biglaan. Kaya ang ginawa niya, nag-smile na lang siya. Kapag kasi sa mga party na ipinapakilala siya, sinasabihan muna siya nito bago mag-simula ang party. For short, 'di siya na inform at 'di rin nakapagprepare.

"Renz, pwede ba kayong pumunta dito sa harap ng iyong fiancée."

Parehas silang nagulat dun. 'Di nila expected na papupuntahin sila sa harap. Nagdadalawang isip sila parehas kung pupunta ba sila sa harap o hindi. Pero naalala nila yung promise nila sa kuya at ate nila kaya tumayo na sila parehas. Naunang maglakad si Renz kay Althiya.

~Ang gentleman ha! Pssh!~  Sabi ni Althiya.

Nung nasa harap na sila, halos lahat ng bisita napahanga. Syempre dahil na rin sa kagwapohan at kagandahan ng dalawa.

"Everyone, meet Althiya Kim, Lawrence's fiancée. She's the daughter of Mr. Jeffrey Kim, C.E.O of Kim Group of Companies."

Nagpalakpakan ang lahat. Medyo nailang naman si Renz at Althiya.

"And for now, let's enjoy the party. Thank you and have fun."

At nagpatuloy sa kasiyahan ang lahat. Bumalik naman silang tatlo sa kanilang table.

"Nakuuu! Bagay na bagay talaga kayong dalawa! Halos lahat ng mga naririnig namin na comments, puro positive! Excited na talaga ako sa inyo!"

Sabi ng mama ni Althiya. Nagchikahan na lang ang mga matatanda pagkatapos. About business and personal lives.

"Uhm, ma, pa, pwede po bang pumunta ako ng restroom?"

Pagpapa-alam ni Althiya sa parents niya. Hindi naman talaga siya pupunta ng restroom. OP na kasi siya kaya aalis na muna siya sandali.

"Sure, princess."

"Renz, ituro mo kay Althiya kung nasa'n ang restroom."

"Lumabas ka jan na pinto tapos kumanan ka, makikita mo na ang restroom."

"Lawrence." Sabi ng mama ni Renz.

"Tss, alright, sundan mo ko."

Tumayo na silang dalawa upang pumunta ng restroom.

"Dito na 'yung restroom."

"Uhm, ano kasi."

"Ano na naman?"

He's My Fiancé?! --- COMPLETEDWhere stories live. Discover now