Chapter 76

12.3K 211 0
                                    

Halos mag-iisang oras na ‘kong narito sa hospital. Kanina pa umuwi si Charles. Ang SPrince naman may gig pa habang sila Ate Laurene at oppa umuwi muna sandali dahil kay Jazzil. At si Renz, ‘di pa rin nagigising.

Habang tinititigan ko ang tulog niyang mukha, pumapasok rin sa isip ko kung pa’no niya ‘to nakaya lahat. Ilang buwan na ba simula nung nag-break kami? 6? 7? Kung ganun nga, 6 or 7 months na rin niya ‘tong tinitiis, kinikimkim, tinatago.  Dapat kasi talaga sinabi niya ‘to sa ’min eh! Ano ba’ng akala niya, ‘di ako kayang protektahan ng pamilya ko? Para sa’n pa ang pagka “Richest Man of Asia” ng tatay ko kung ‘di niya kayang mag-provide ng body guards diba?! ‘Di niya ba ‘yun na-isip?! At tyaka, ba’t kailangan niyang mag-drugs?! Jusko naman! Mapo-protektahan ba ‘ko ng drugs na ‘yan?! Napahamak pa tuloy siya!

Kinuha ko ang kamay niya at nakita kong may sugat. ANO BA’NG PINAG-GAGAWA NITO SA BUHAY NIYA?! Langya ka naman Renz, WIRDO KA TALAGA KAHIT KAILAN! WALA KA NG GINAWANG MABUTI SA BUHAY MO!

“Anong ginagawa mo rito?” Napalingon ako sa nag-salita. Hay salamat! Gising na rin siya.

“Binabatayan ka, obviously.” Napansin ko ang tono ng boses ko. ‘Di ko namalayang umiiyak na pala ako. Agad ko naman pinunasan ang mga luha. Nung lumingon ulit ako sa kanya, nakita kong nakatitig na siya sa kamay niya na hawak-hawak ko pa rin hanggang ngayon.

“Si… si Anamarie?” Tanong niya sabay bawi ng kamay niya.

“Tss, seriously, pwede ka ng magka-Oscars eh.”

“Ha?”

“Alam ko na lahat kaya kunin mo na ang Oscars mo dun sa America.”

“A-ano bang p-pinagsasabi mo?” Pagmamaangmaangan niya pa rin, pero halata na ‘yung gulat at takot sa mata niya. Ba’t siya takot?!

“Lawrence Francisco, wala ako sa mood makisakay sa pagka Denial King mo. Isa lang ang tanong ko, bakit ‘di mo sinabi sa ‘kin?” Bigla niyang iniwas ang tingin sa ‘kin. Naman! Mas pinapainis ako ng wirdong ‘to eh! “Renz naman! Gusto mo talagang ikaw lang ang magdala ng lahat?”

“Si Charles ba nagsabi sa’yo?”

“Hindi na importante kung sino ang nag-sabi sa ‘kin!”

“Sabi ko naman sa kanya na ‘wag sabihin sa’yo eh. Ayan tul—“ Pumunta ako sa kabilang side ng kama kung sa’n siya nakatingin at hinawakan ko ang mukha niya kaya napahinto siya sa pagsasalita.

“Try mong iiwas ang tingin sa ’kin ulit sasapakin na talaga kita. Tatanungin kita ulit at kailangan mo ng sagutin ‘to. Bakit ‘di mo sinabi sa ‘kin nung una pa lang?” Hindi niya kaagad ako sinagot kaya akala ko hindi niya na talaga ako sasagutin. Pero bigla niya ring hinawakan ang kamay ko na nasa mukha niya.

“Obvious naman siguro kung ano ‘yung dahilan diba? Mahal na mahal kita, Althiya, higit pa sa buhay ko. Kaya mas gugustuhin ko pang ako ang magdala ng lahat at ang masaktan kaysa sa ikaw.”

“Hindi mo ba naisip na ang tatay ko ang pinakmayamang tao sa buong Asia at kaya niyang makapag-provide ng mga body guards para sa ’kin? Kahit ayoko na may laging sumusunod sa ‘kin at ayokong magpaka-mayaman, kung ‘yan lang ang paraan para hindi mo ‘to gawin lahat, tatanggapin ko. Hindi mo ba na-isip ‘yan?” And then, napangiti siya.

“Oo, ‘di ko ‘yan naisip.”

“Tingnan mo! Tyaka, drugs? Ba’t ka nag-drugs?”

“Eh kasi ‘yan lang ang makakapag-ligtas sa’yo.”

“Sa’n banda ako maliligtas ng drugs?”

“Pa’no kung biglang umandar ‘tong utak ko at masabi ko sa’yo ang lahat? Kapag gumamit ako ng drugs makakalimutan ko ‘yan.”

“Aissh! Eh ‘di sabihin mo na lang sa ‘kin! Kahit kailan talaga ‘yang utak mo, try mo kayang ‘wag ng ipariwara ang buhay mo?!” Tumawa siya kaya kahit ayokong tumawa, napatawa na lang din ako. Then bigla niya ‘kong niyakap.

“I missed you so much.” Bulong niya sa ‘kin.

“Ako rin. ‘Wag mo na gawin ulit ‘yun ha? Kundi itatapon na talaga kita sa Bermuda Triangle.” Tumawa siya ng mahina at ibinaon ang ulo sa leeg ko.

“Okay, ‘di ko na gagawin ‘yun ulit. Pero, kailan ka pa natutong manapak?” And this time, ako naman ang napatawa.

“Kung iniwas mo ulit ang tingin sa ‘kin, baka dun na ‘ko natutong manapak.” Napatili ako nung bigla niya ‘kong ikarga papunta sa kama. Nakapatong ang buong katawan ko ngayon sa kanya habang magkayakap pa rin kami. Ako naman ngayon ang nagbaon ng ulo sa leeg niya. “’Wag mo na rin akong iwan ulit.” Narinig kong bumuntong hininga siya kaya napatitig ako sa mukha niya.

“Pa’no kung—“ Agad kong tinakpan ang bibig niya dahil alam ko na kung ano ang susunod.

“Sasabihin ko kay papa na kailangan ko ng body guard. Ilan ba gusto mo, five? Six? Ten? Name it.”

“Twenty.”

“Ang rami naman nun. Pero sige, kung twenty-ng body guards ang makakapagpapahinahon sa’yo, okay. Basta ‘wag mo na ‘kong iwan ulit.”

“Never. Promise.”

“Siguraduhin mo lang na tutuparin mo na ‘yang promise mo.”

And then, we kissed.

He's My Fiancé?! --- COMPLETEDWhere stories live. Discover now