Chapter 57

10.6K 199 3
                                    

“Ang tagal naman ata nung asawa mo, naghanap lang ba talaga ‘yun ng cellphone?” Pang-isang million ng tanong sa ‘kin ni Alex.

“Fiancé, hindi asawa. At oo, sabi niya titingnan niya lang kung nandun ang cellphone niya.” Pang-isang milliong sagot ko na rin sa kanya. Nasa’n na ba kasi ‘yung wirdong ‘yun?

“Pupuntahan ko na lang sa loob.” Sabi ni Kevin.

“Sasama na ‘ko.” Sabi ko. Baka kasi may biglang sumulpot na alien na gusto siyang i-abduct at nilalabanan niya lang kaya natatagalan siya. Gusto kong makita kung pa’no siya i-abduct ng mga aliens kaya sasama ako. Corny? I know kaya ‘wag niyo na pansinin.

Bumaba na kami sa yacht at pumasok sa loob ng bahay. Nung pa-akyat na sana kami, may narinig kaming bumagsak. Woah, totoo ba ‘yung iniimagine ko kanina?

“Dito ka muna sandali. Ako muna ang aakyat, baka kung sino ang nandun. Tatawagin lang kita ‘pag safe na.” Sabi ni Kevin. Tumango na lang din ako at dahan-dahan siyang umakyat papunta sa taas.

Naghihintay lang ako sa baba hanggang sa na-pansin kong tumatagal na rin sa Kevin dun. Ayaw ba kami pa-alisin ng bahay na ‘to? Dalawa na pumunta sa taas, parehas nag-tagal! Umakyat na rin ako para malaman kung na-abduct na ba ‘yun ng mga aliens. Dahan-dahan lang din at baka mapanganib nga. Nung halos tatlong hakbang na lang ang kulang para makapunta na ‘ko sa taas, nakita ko si Kevin na nakatayo lang sa dulo ng hagdan.

“Kevin?” Lumingon naman siya.

“Althiya!” Gulat niyang sabi pag-lingun niya sa ‘kin.

“Ano ba’ng meron jan? Si Renz?” Nag-simula na ‘kong umakyat ulit pero bigla akong pinigilan ni Kevin.

“Diyan ka lang!” Sigaw niya. “’Wag ka munang umakyat.” Sa sobrang gulat ko, nataasan ko na lang siya ng kilay.

“Bakit?” Medyo gulat ko pa ring tanong.

“Hoy!” Napalingun kaming dalawa sa baba at nakita namin si Marco at Alex. “Ba’t ba ang tagal niyo?”

“Ewan. Ayaw akong pa-akyatin ni Kevin eh.” Lumingon ulit ako kay Kevin “Nasa’n ba si Renz?” May sasabihin pa sana si Kevin ng may biglang nag-salita, babae, mula sa itaas.

“Sinong Althiya?” Tanong nung babae mula sa itaas. Kaming tatlo nila Marco at Andrea ay napalingun kay Kevin with nakataas ang isang kilay.

“Hintayin na lang daw natin siya sa yacht.” Sabi niya habang bumababa at hinihila ako, at parang natataranta. Pero imbis na sundin siya, nagmatigas ako at pumilit umakyat sa taas.

Pag-akyat ko, nakita kong may kaharap si Renz na babae. ‘Di ko makita ‘yung mukha niya kasi natatabunan siya ni Renz.

“Renz!” Pagtawag ko sa kanya. Nung lumingon siya sa ’kin, nakita kong gulat na gulat siya. Sa paglingon niya, nakita ko ‘yung mukha nung babae. Para akong humarap sa isang malaking salamin nung nakita ko ‘yung mukha niya. Maliban sa buhok at damit, ‘yung mukha, height, pati shape ng body niya, katulad na katulad ko.

“Althiya.” Lalapitan na sana ako ni Renz ng biglang hawakan nung babae ang kamay niya. Natigilan ako sa ginawa niyang ‘yun. Sino ba siya?

“Sino siya? Ba’t ka niya kilala? At ba’t kami magkamukha?” Sunod-sunod niyang tanong. Hindi lang pala appearance ang magkatulad sa ‘min, pati rin mga tanong sa isipan.

“Fiancé siya ni Renz.” Sagot ni Kevin sa babae.

“Fiancé?” Mahinang sabi nung babae na parang nagulat sa narinig at… nasaktan.

“Eh sino siya?” Bigla ko na lang tinanong ng walang kamalay-malay, parang bigla lang lumabas sa bibig ko.

“A-Althiya –“ (Renz)

“Ako si Anamarie, girlfriend ni Renz.”

Ano raw?! Sino raw siya?! Si Anamarie?! Hindi… imposible! Patay na si Anamarie! Pa.. pa’no nangyaring si Anamarie siya?!

A/N: SHE'S ALIVE! HAHAHA!

He's My Fiancé?! --- COMPLETEDWhere stories live. Discover now