Chapter 27

14.8K 276 1
                                    

(Author’s POV)

******Friday : 3pm******

Last day na ng intramurals ng IPA. Halos lahat nang estudyante ay busy na kasi tradition na ng IPA na kapag last day of intramurals, open na ang school for all! Ino-open ang main gate ng school at kahit wala kang kakilala sa IPA pwede ka pa ring pumasok. Sobrang busy na rin si Althiya sa mini café ng club niya dahil parami ng parami ang mga tao. Ganun na rin ang ibang Miss A at SPrince sa mga kanya-kanya nilang club. Ang hindi lang yata busy sa kanila eh si Renz, may club naman siya pero hindi siya nagpa-participate. Nasa school garden lang siya ngayon habang nakikinig ng music. Maya-maya, pumunta na rin sa school garden ang Miss A at SPrince pero hindi nila kasama si Althiya.

“Haay grabe! Nakakapagod! Ang rami ng tao, mabuti na lang talaga at pwede na tayong mag-close ng booths. Marami-rami na rin yung nagsasara ha” (Alex)

“Oo nga. At sa wakas at last day na ng intramurals. Para makapag-pahinga na rin tayo.” (Andi)

“Tradition na rin ba sa school na ‘to na kapag next Monday pagkatapos ng intramurals week eh, wala talagang klase?” (Andrea)

“Yup. Para raw medyo mahaba-haba yung rest day ng mga estudyante.” (Tristan)

Nasalubong naman nila si Renz na naka-upo sa bench habang nakikinig ng music at nakapikit na parang natutulog.

“Wala ba’ng club ‘tong si Renz?” (Andrea)

“Ang pagkaka-alam ko, member siya ng Art’s Club.” (Ahriya)

“Eh bakit nandito siya at wala dun sa booth ng Art’s Club?” (Amy)

“Ganyan talaga ‘yan. Tamad pagdating sa mga school clubs.” (Tristan)

Nilapitan ni Marco si Renz at sinundot-sundot ang pisngi nito.

“Hoi Renz, gising na!”

“Gising ako kaya wag mo akong sundut-sundutin.”

Sagot ni Renz kay Marco na hindi parin dumidilat ang mata, tinigil naman agad ni Marco yung pagsundot-sundot niya.

“Renz, ba’t hindi ka nagpa-participate dun sa booth ng club mo?” (Andi)

“Di ko trip ‘yang mga ganyan eh. Tyaka nakakapagod.” (Renz)

“Kung sa bagay, totoo naman talagang nakakapagod eh. Pero sayang rin, kasali yun sa class participation ng grades natin diba?” (Ahriya)

“Babawi na lang ako.” (Renz)

Napansin naman ni Renz na mukhang hindi niya naririnig ang boses ni Althiya kaya napadilat siya ng mata at lumingon sa Miss A at SPrince.

“Nasa’n si Althiya?”

Tanong niya agad nung hindi niya nakita si Althiya.

“Nasa mini café parin ng club nila. Yun kasi yung pinaka-mabentang booths sa school at tyaka, siya rin ang baker dun kaya hindi siya pwedeng mawala.” (Andi)

“Marunong mag-bake si Althiya? Ba’t hindi niya nasabi sa ‘kin ‘yun?” (Renz)

“Masarap ba mag-bake si Althiya?”

Tanong ni Spencer sa Miss A.

“Sobra! Once na siyang nanalo sa baking competition nung sa SMC pa kami nag-aaral.” (Ahriya)

He's My Fiancé?! --- COMPLETEDWhere stories live. Discover now