Chapter 20

17.6K 320 8
                                    

(Author’s POV)

Kumakain ngayon ng lunch ang buong barkada, maliban nga lang kay Althiya at Renz.

“Renz, Althiya, ayaw niyo ba talagang kumain?”

Tanong ni Spencer sa kanila.

“Tapos na kami eh. Sige, kumain lang kayo jan.”

Sagot naman ni Althiya. Napansin ni Althiya na parang kanina pang walang kibo si Renz kaya kinausap niya ito.

“Hui, ba’t hindi ka nagsasalita? Baka panis na yang laway mo jan.”

“Eh wala naman kasi akong sasabihin eh.”

“Pssh. Hindi ka kasi nagsasalita. Magsalita ka kaya, or mag-tanong.”

“Ano namang itatanong ko?”

“Kahit ano. Itanong mo kung kumusta na sila, or kung may love life na ba sila. Mga ganung bagay.”

“Tss, mamaya na lang. Kumakain pa sila eh.”

“Pssh.”

Nagpa-tuloy pa rin sa pag-uusap si Althiya at Renz. Habang kumakain, nagtataka naman ang 4SPrince at ang limang Miss A kung bakit biglang naging close si Renz at Althiya.

“Psst, magbigay nga kayo ng dahilan kung bakit biglang naging close ‘yang dalawang yan?” (Marco)

“Wala akong idea.” (Ahriya)

“Kami rin” (Amy, Andi)

“Ako meron” (Andrea)

Napatingin lahat kay Andrea.

“Ano?”

Tanong ng lahat sa kanya.

“Dalawang weekends na silang nagkasama. Syempre talagang magiging close yan.”

“Kung sa bagay.” (Marco)

“Hindi rin.” (Tristan)

Nagatatakang tiningnan ng lahat si Tristan.

“Diba kayo na nag-sabi, medyo mainit ang dugo ni Althiya kay Renz. Kaya imposibleng ganun-ganun na lang, magiging close na sila agad. At tyaka, diba sabi niya rin na nung first day na tinuruan niya si Renz, nagsisigawan pa silang dalawa.”

“Oo nga ‘no. Pwede rin.” (Marco)

“Hoy, itigil niyo yan. May alam ako.” (Alex)

“Pa’no mo naman nalaman?”

Tanong ng lahat kay Alex.

“Sinabi ni Althiya sa ‘kin kanina.”

“Ano raw? Sabihin mo na.” (All)

“Ssh! ‘Wag kayong maingay!

“Hoy, sino pinag-uusapan niyo jan?”

Tanong ni Althiya sa kanila.

“Ahh, wala Althiya.”

Sagot ni Alex kay Althiya.

“Ayan tuloy, narinig tayo. Ang lalakas kasi ng boses niyo eh.”

“Sorry naman. Sige na, sabihin mo na.” (Marco)

“Actually, hindi ko talaga alam ang buong storya ng dahilan kung bakit sila naging close. Meron lang siyang sinabi kanina sa ‘kin.”

He's My Fiancé?! --- COMPLETEDWhere stories live. Discover now