Chapter 24

15.9K 284 2
                                    

Inedit ko po ang chapters 1-10. ang raming wrong grammar at typos XD sensya po dun T^T meron pong kuntiiiing nagbago, konti lang naman po kaya ayos lang kung hindi niyo na babasahin ulit. enjoy reading po sa chapter 24 :) comment naman po kayo pleeeeeaaaase *3*

-----------------------

(Althiya’s POV)

Papunta na ako ngayon sa classroom. Ang bilis ng araw, afternoon na kaagad. Nasa harap na ‘ko ng pinto ng room at papasok na sana ng biglang may sumulpot sa harapan ko.

“Ay tao!”

“Good afternoon Althiya!”

Bati sa ‘kin ni wirdo with matching biiiig smile.

“Wow! Himala yata.”

“Ang alin?”

“Na hindi ka natutulog ngayon at mukhang maganda pa ang araw mo.”

“Eh kasi dumating na ang fiancé ‘ko.”

Nagulat naman ako dun sa sagot niya.

“Ayiiiiiiiiie! Kayo ha!”

Pangtutukso naman ng Miss A at SPrince. Nakisali pa ‘tong mga ‘to -_____-

“Seryoso Renz?”

“Yun nga. Teka, yung noli cd?”

Sabay abot niya sa dalawa niyang kamay sa ‘kin. Kinuha ko naman yung cd sa bag ko at inabot sa kanya.

“Ayan na. So, pwede mo na ba akong pada-anin ngayon?”

Tumabi naman siya at dumaan na ‘ko, naramdaman ko namang sumunod siya sa ‘kin. Nilagay ko yung bag ko sa table ko, pagkatapos hinarap ko siya.

“Alam ko na kung bakit good mood ka.”

“Talaga? Aber, ano ang dahilan?”

“Dahil sa noli cd.”

“Hahaha! Mali! Dahil nga sa’yo kasi!”

“Tss -____-”

Pinuntahan ko na lang ang Miss A at SPrince dun sa table ni Andrea, naramdaman ko na namang sumunod sa ‘kin si wirdo.

“Sino nga ulit first period natin ngayon?”

Tanong ni Marco sa ‘ming lahat.

“Base dito sa schedule, si Sir Gaudiano.” (Ahriya)

“Si Sir Gaudiano? Nakuu! Hoy Renz, naalala mo pa ba yung mga ike-kwento mo about sa noli?”

Tanong ko agad kay wirdo. Baka kasi nakalimutan na niya, patay talaga siya pag nangyari yun.

“Syempre ‘no. Hindi naman ako makakalimutin eh.” (Renz)

“Mabuti.” (Althiya)

“Uii, concern ang fiancé ko sa ‘kin.” (Renz)

“Concern? In your monkey dreams wirdo!” (Althiya)

Nagchismisan na lang kami ng nag-chismisan hanggang sa dumating na si Sir Gaudiano. Medyo kinabahan na ‘ko nung pina-start na ni sir si Renz na mag-kwento about sa noli, eh sa wala talaga akong tiwala sa kanya eh. Pero na-kwento niya naman ng mabuti sa buong klase, halatang inantok yung mga boys na hindi interesado eh. Eto namang ibang girls, ayun, interesado naman. Pero hindi sa kwento, sa nagke-kwento. Tss -_____-

He's My Fiancé?! --- COMPLETEDWhere stories live. Discover now