Chapter 54

12.3K 232 3
                                    

(Althiya’s POV)

“SA WAKAAAAAAAAS! NAKARATING RIN!” Sabi ni Andrea sabay tapon ng bag niya sa higaan at tapon rin sa sarili niya rito.

Summer vacation na kasi namin at napag-desisyunan ng Miss A at SPrince, isama niyo na si Archie at Kristof, na mag-bakasyon at the same time, despidida for Tristan. Aalis na kasi siya by the end of April. Nangarkila kami ng isang private island na may nakatayong bahay at ngayon nga, nakarating na kami. At magkasama kami ni Andrea at Alex sa iisang kwarto. Wala pa nga lang si Alex rito kasi simula nung ina-announce na ni Tristan na aalis na siya, hindi na sila mapaghiwalay.

“Maka-react ka naman parang 5 years ‘yung 5 hours na binyahe natin.” Sabi ko habang naga-arrange ng mga gamit sa cabinet na pinili ko. Gaya ng mg higaan, tatlo rin ang cabinet rito, pero gaya ng ibang bahay, sa iisang kwarto ay iisa lang rin ang CR.

“Para na talagang 5 years ‘yun noh! Sumakit na nga ang pwet ko sa sobrang tagal nating naka-upo dun sa eroplano.” And yeah, 5 hours sa eroplano, dahil nasa labas na ng territory ng Pilipinas ang island na ‘to, pero malapit pa rin naman kahit papa’no.

“Hindi sana aabot ng 5 hours ‘tong biyahe na ‘to kung ‘yung sa Palawan na lang ang pinili natin.”

“Duh! ‘Di ko naman alam na ganito pala talaga ‘to kalayo! Ang lapit lang kasi nung nakita ko si map.”

“Pssh, alam mo naman iba ang actual sa map noh!”

5 days kaming mananatili rito, and the first day starts tonight.

***

At sa gitna ng alas-syete ng gabi, naglaro kami ng protect-the-base something, sorry nakalimutan ko ‘yung pangalan ng laro. Magka-grupo kami nila Kevin, Tristan, Archie, Andi, at Ahriya. Sila naman nila Renz, Alex, Kristof, Andrea, Spencer, at Marco. Si Amy na natitira ay naging tagabantay na lang sa ‘min habang naglalaro.

“Last one!” Sigaw ni Amy. Si Marco na lang kasi ang natitira sa grupo nila, kaya siya na lang ang nagbabantay ngayon sa base nila.

“I WILL NEVER GIVE UP!” Sigaw niya with matching taas-ng-kamao. Dahan-dahang lumapit si Tristan kay Marco, ganun din si Marco kay Tristan. Nung magsisimula na sanang tumakbo si Marco papalapit kay Tristan, tumakbo agad siya papalapit sa base nila nung nakita niyang malapit na si Archie sa base nila pero hindi na na-abutan ni Marco dahil nakatapak na si Archie sa base nila.

“WOOOOOOOOOOOOOOH!” Sigaw namin.

“And the winner is…. THE RIGHT TEAM!” Sigaw ni Amy. Kami ang Right Team dahil nasa right side kami. Sila naman ang Left Team dahil nasa left side sila.

“Hintayin niyo lang ang Revenge of the Fallen!” Sigaw ni Alex.

“Oo nga! Lintik lang ang walang ganti” Hirit rin naman Marco.

“Bukas na ‘yang mga ganti-ganti at revenge niyo! Kumain kaya muna tayo!” Pagrereklamo na ni Andrea. Hindi ko masisisi si Andrea sa pagrereklamo niyang ‘yan, ikaw ba naman tatlong oras naglaro ng walang pahinga, ‘di ka ba gugutumin?

Habang nagdi-dinner, pinag-uusapan na namin kung ano ang mga gagawin namin for 5 days. Napagusapan namin na simula bukas, for 3 days na magsisimula bukas, puro activities lang ang gagawin namin. Kagaya ng mag-swimming or mag-beach volleyball, basta kahit ano. Ta’s sa last day, magpa-party raw kami. Para raw maging memorable ang despedida ni Tristan at ang summer namin.

***

Bigla akong nagising ng may naramdaman akong may humalik sa pisngi ko. Nakita ko agad si Renz na naka-upo sa tabi at nakangiti. Tiningnan ko agad siya ng anong-ginagawa-mo-rito-sa-gitna-ng-madaling-araw look.

“Sorry. Nagising ba kita?”

“Hindi naman.” Sabi ko, kahit ‘yung totoo eh oo. “Anong ginagawa mo rito?” Tanong ko habang bumabangon.

“Hindi ako makatulog eh, tyaka na-miss kita kaya pumunta ako rito.” Bulong niyang sabi sa ‘kin para hindi ma-disturbo sina Alex at Andrea. Hindi ko napigilang ngumiti sa sinagot niya.

“Oo na, kinilig na ‘ko. Kaya sabihin mo na ‘yung totoong dahilan.”

“’Yun nga. Ba’t ayaw mong maniwala?”

“Tss. Bumalik ka na nga lang sa kwarto mo. Pilitin mong makatulog.”

“Pwede bang dito ako matulog?”

“Ha?” Hihiga na sana siya sa tabi ko ng bigla ko siyang pigilan. “Hindi pa nga ako um-oo hihiga ka na agad?”

“Bakit, hihindi ka ba?”

“Well….” Sa hindi malamang dahilan, bigla akong natameme.

“Sus! Nagmama-ang-maangan ka pa eh gusto mo rin naman. Halika na nga rito.”  Ta’s humiga siya habang nakayakap sa likod ko. “Oy Althiya Kim.” Bulong niya sa ‘kin.

“Ano ‘yun Lawrence Francisco?”

“Promise.” Sabi niya sabay halik sa buhok ko. Napangiti naman ako.

“Promise.”

A/N: SABAW? BORING? I KNOW! sensya kung OA, wala na ‘kong maisip idugtong eh. hahaha! peace!

He's My Fiancé?! --- COMPLETEDWhere stories live. Discover now