Chapter 11

16.7K 289 3
                                    

(Althiya's POV)

Nandito na kami ngayon sa kotse papunta dun sa party. Pagkatapos kasi ng iyakan scene kanina, bumalik na kami ni oppa sa loob ng bahay. Kakausapin na sana ulit ako ni papa kaso sinabihan ko na siya na agree na 'ko dun sa arrange marriage. Nagtaka nga siya at tinanong pa si oppa kung ano 'yung sinabi niya sa 'kin. 'Yung sagot naman ni oppa, smile lang. Pero, sinabi ko pa rin naman 'yung condition ko. Sabi pa ulit ni papa kay oppa "Kung ano man 'yung sinabi mo kay Ji Min, Jang Min, THANK YOU VERY MUCH!" with matching power hug pa 'yan ha. Nasabi ko na bang maypagka isip-bata rin 'tong tatay ko?

"I'm so excited na! Ano kaya magiging reaksyon ng future balaes slash best friend natin sa kagandahan ng ating princess?!"

"Ma, tama na nga 'yan!"

"Eto namang si Jang Min oh!"

Kanina pa kasi 'tong si mama dada ng dada eh. Ayan tuloy!

"O, we're here already!"

Sabi ni papa. Ah oo nga pala, limousine 'tong sinasakyan namin ngayon. Kaya kaharap lang namin si papa. Katabi niya si oppa. Katabi ko naman si mama at si unni. Oo, sumama si unni. Sinama siya ni mama at ni papa kasi wala daw siyang kasama sa bahay. Ang pinagtataka ko rin, ba't sumama 'tong Hitler na 'to eh wala naman siyang hilig sa mga ganitong parties? Tss.

"Let's go"

Pagkasabi nun ni papa, bumaba na sila ni oppa. Si papa nag-open ng car door nung banda sa 'min and then bumaba na rin kami. Pagbaba namin, halos lahat nagtitinginan sa 'min. Okay, celebrity ba kami? Over ha! Pero in fairness, ang ganda ng venue!

"Uhm, ehem!"

Hala! Ba't andito 'tong wirdo na 'to?

"Halika na."

Sabi niya sa 'kin sabay ABOT NG KAMAY NIYA! HALA! PROBLEMA NITO?! Tiningnan ko siya ng confused look pero kinuha niya lang 'yung kamay ko at inakap sa siko niya ('yung pangkasal).

"Escort mo 'ko ngayon."

Bulong niya sa 'kin. ANO?!

"Hoi! Pinagsasabi mo? At tyaka anong ginagawa mo rito?"

Bulong ko rin sa kanya.

"Welcome party 'to para sa parents ko."

HA?! Shemay, 'di ko pala nabasa 'yung invitation card!

"Sakyan mo na lang 'to kasi ako sinakyan ko lang rin 'to. Ang alam nila, fiancée talaga kita."

So ayun na nga. Gaya nga nang-sabi ni wirdo, sinakyan ko na lang. Ganun lang kami nitong si wirdo habang naglalakad papunta sa table namin. Kaya 'yung mga nakakasalubong namin, compliment ng compliment.

"So, siya pala 'yung fiancée ni Laurence?"

"In fairness, ang ganda niya ha."

"Siya 'yung unika iha ng Kim Family, right?"

"Awh, ang ganda nila tingnan."

Ningitian ko na lang sila. Plastic smile!

"Feel na feel mo naman?" Sabi naman ni wirdo.

"Anong feel? Duh! Kung alam mo lang kung ga'no ko ka-gustong kumawala rito."

"Tch, ang ingay mo! Baka marinig ka nila!"

Bwiset rin 'tong lalaking 'to 'no?! Feel na feel talaga?! Baka siya! Mabuti na lang nakasalubong namin si Ate Laurene. Nawala 'yung BV ko dahil sa compliment niya.

He's My Fiancé?! --- COMPLETEDDär berättelser lever. Upptäck nu