Chapter 10

16.8K 289 1
                                    

(Renz POV)

*Sigh* Sa wakas! Natapos na rin ang kalbaryo sa klase. Nakakantok talaga 'pag ganung oras. Sino ba kasi nag-imbento ng pag-aaral? Tss. Nandito na 'ko ngayon sa kwarto ko, naninigarilyo habang naka-higa, ng biglang may kumatok sa pintuan.

"Pasok!"

"Renz, nakabihis – LAURENCE FRANCISCO!"

"O ate, ikaw pala."

Biglang naglakad si ate papalapit sa akin at kinuha 'yung sigarilyo ko and tinapakan. Tsk, KJ.

"Renz, ba't hindi ka pa nagbibihis?"

"Para sa'n?"

"Para sa party. That's tonight Renz."

"Bakit, sino nagsabing pupunta ako?"

"Renz, welcome party 'yun para kay mom and dad."

"Then? Who cares?"

"Renz, I know galit ka pa kay mom and dad. Pero, they need you there."

"Need? Who? Me? Ate, nagpapatawa ka? In fairness, hindi siya nakakatawa"

Narinig kung nag-sigh si ate. Then, umupo siya tabi ko.

"Renz, kailangan ka nila dun to support them. Anak ka nila, of course they really need you there."

"Anak ka rin naman nila ate ha."

"Renz, 'wag ka na ngang pilosopo. Please, pumunta ka na. Nandun rin 'yung magiging future family-in-law mo."

"Ha?! Ahh, 'yung pamilya nung Althiya. O ngayon?"

"Gusto ka raw nila makita."

"'Di pa naman daw pumapayag si Althiya na maging fiancée ako eh."

"Eh sinabi mo daw kanina na whether she agree or not, she will be your fiancée. Uiiii, ikaw ha, nagkakagusto ka na rin sa kanya 'no?"

Tss, ba't ko nga ba nagawa at nasabi 'yun?

"I just did it because of what I promise to you."

"At aattend ka rin sa party because of that promise."

"Ate, ang promise ko sa'yo, ita-try ko na mapalapit ang loob ko sa Althiya na 'yun para mapakasalan ko siya. Ang layo nun sa party 'no."

"Part pa rin 'yun ng promise mo, Renz."

Tiningnan ko si ate ng confuse look.

"Ikaw ang magiging escort niya sa party."

Bigla akong napa-bangon sa sinabi ni ate.

"Ano?!"

"She is or should I say she will be, your fiancée. Kailangan makita ng buong mundo kung sino ang mapapangasawa ng nag-iisang apong lalake ni Juancho Francisco. And besides, alam mo naman na ang pamilya nila Althiya ang pinakamayaman sa buong Asia. Sila rin ang –"

"Okay, tama na 'yan ate. Masyado ng mahaba."

"So, pupunta ka?"

"Oo na. Alam ko naman kasi na hindi mo ako titigilan para lang sumama sa party na 'yan."

"Good Renz."

"'Wag mo nga akong sabihan niyan! Ano akala mo sa 'kin, aso? Tss."

He's My Fiancé?! --- COMPLETEDWhere stories live. Discover now