Chapter 40

13.1K 249 1
                                    

Ngayon na gaganapin ang Annual Bidding rito sa IPA. Ang bilis noh? Then next week, Christmas break na namin. Malapit na rin pala ang birthday ko.

“A’s, labas muna tayo sandali?” Sabi ni Alex sa ‘min. Nandito kasi kami ngayon sa backstage, dito kasi kami pinahintay ng organizer ng event hanggang hindi pa nagsisimula ang bidding.

“Pwede pa ba tayong lumabas?” (Andi)

“Pwede ‘yan! Mamayang 4:30 pa raw magsisimula ang event.” (Alex)

Nung nakalabas na kami, pumunta kami sa parte kung saan nandun lahat ng juniors na bidder. Hiniwalay kasi ang bawat year, pati na rin ang mga guest. Nilapitan namin ang SPrince na nasa isang table lang. Kasama nila si Archie at si….. Charles?

“Hey boys!” Bati sa kanila ni Alex. Binati rin naman siya ng mga boys.

“You look beautiful, Alex.” Complement naman sa kanya ni Tristan. Bigla namang naging heart ang mga mata ni Alex.

“Thank you, Tristan my loves!” Kinikilig niyang sagot.

“Hey Althiya!” Napalingun ako kay Charles.

“Hi Charles. Sinama ka ba ni Archie?” (Althiya)

“Yep. Wala kasi akong magawa sa bahay kaya sumama na lang ako sa kanya. So, how are you? Matagal-tagal rin tayong ‘di nagkita.” (Charles)

“Oo nga eh. I’m fine. Eh, ikaw?”

“Ganun din. Babalik na pala ako sa U.S. this New Year.”

“Really? I-text mo ‘ko ‘pag pupunta ka na ng airport, para ma-hatid kita.” Well, bilang kaibigan na rin diba.

“Althiya!”

“O, Renz.” Then tumabi sa ‘kin si Renz.

“Hi, Renz.” Bati ni Charles sa kanya. Pero as usual, chappa pa rin siya rito -___-

“Ba’t pa kayo lumabas? Pwede pa ba?” (Renz)

“Sabi ni Alex, pwede pa raw.” (Althiya)

“Sa bagay, 30 minutes pa before magsi-simula.” Sabi ni Renz habang tumitingin sa wrist watch niya.

“Magbibid ka rin ba?” Tanong ko kay Charles.

“Mmmm, I dunno. Siguro, kung….”

“Kung?” Tanong ni Renz sa kanya. First time yata naging interesado ‘tong si Renz sa sasabihin ni Charles.

“Nevermind.”

Nakapag-usap muna kami ng barkada kasama sila Archie, Charles and Kristof bago inannounce ng organizer na 5 minutes na lang before magsisimula ang bidding. Kaya nagpa-alam na kami sa kanila at bumalik na kami sa backstage. Nagsibalikan na rin si Archie at Charles sa mga pwesto nila.

“Girls, you should be all ready right now. Malapit ng mag-simula ang bidding.” Pa-alala sa ‘min nung organizer.

“Yes, ma’am.” Sagot naming lahat. Maya-maya lang, nag-simula na ang bidding.

“Ehem! Ehem! Good afternoon boys!” Rinig naming bati nung lalakeng MC mula sa backstage. Halata sa boses niya na medyo cheerful siya. “Welcome to International Palace Academy's 20th Annual Bidding School Year 20** to 20**! Are you guys all excited?! Oooooooh! I’m sure you are! Alam kong maraming gusto na maka-date ang mga nagga-gandahang estudyante ng IPA! So……! ‘Wag na nating patagalin pa! Let’s start the Annual Bidding!” Shems! Eto na! Mamaya lalabas na ‘tong puso ko sa lakas ng tibok! Kinakabahan na ‘ko! Pa’no kung walang magbi-bid sa ‘kin? Nakakahiya rin kaya ‘yun!

He's My Fiancé?! --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon