Chapter 21

15.5K 295 0
                                    

(Althiya’s POV)

Ugh! Ang sakit ng ulo ko! Pakiramdam ko maya-maya sasabog ang ‘to eh! >___<

*tok tok*

“Pasok.”

Pumasok naman si oppa na may dalang tray.

“Good morning princess”

“Morning oppa.”

Nilagay niya yung tray sa side table at umupo sa tabi ko.

“Oppa, anong nangyari? Ba’t nandito ako sa kwarto? Diba nasa bar ako?”

“Wala kang maalala? Hinatid ka ni Renz dito. Nalasing ka raw.”

“Ha? Talaga? Kaya pala ang sakit ng ulo ko.”

Hinawakan ko yung noo ko. Shemay, masakit talaga! >__<

“Teka oppa, sino ulit ang nag-hatid sa ‘kin rito?”

“Si Renz.”

Si wirdo? Weh? Talaga?

“Oo nga pala, pumunta rito kanina si Alex. May sasabihin daw dapat siya sa’yo pero natutulog ka pa kasi nun. Kaya, pinasabi niya na lang sa ‘kin na pumunta ka raw mamaya sa bahay nila Amy.”

“Ahh, ok oppa.”

“Kainin mo na yang breakfast mo ha, tyaka inumin mo yang gatas.”

“Nae oppa.” [Yes kuya.]

Pagkatapos kung kainin yung breakfast, naligo na ‘ko, nagbihis, at pumunta na sa bahay nila Amy. Nagpahatid lang ako sa driver namin. Medyo masakit parin ang ulo ko pero parang nakakaya na rin naman. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa bahay nila Amy, hinila kaagad ako papasok ni Alex.

“Hoy, teka! Alex!”

Pumasok kami sa isang kwarto na sobrang dilim.

“Hoy Alex, nasa’n tayo? May ganito bang kwarto sa bahay nila Amy?”

Hindi siya sumagot. Ay chappa -__- Nabigla naman ako ng biglang may ilaw na nag-on. Napapikit ako sa sobrang silaw. Pag-dilat ko ng mata ko, may nakita akong isang table na may isang upuan at isang ilaw sa taas. May upuan rin sa harap ng table na medyo malayo sa table, mga lima siguro, tapos nakita ko sila Ahriya, Amy, Andrea, at Andi naka-upo sa apat na upuan. Ano ‘to, questioning room ng isang prosecutor? May ganito ba sa bahay nila Amy? At tyaka, kailan pa naging prosecutor ‘tong mga ‘to? Ini-upo ako ni Alex sa upuan sa harap nila Amy.

“Natulog lang ako prosecutor na kaagad kayo? Ano na namang gimik ‘to girls?”

“Shh! Magsasalita ka lang kapag sinabi namin okay? At yes, sa oras na ito ay prosecutor kaming lima.” (Ahriya)

Woah! -_____-

“Sige na, nakakatawa na ‘tong gimik –“

“Diba sabi namin, magsasalita ka lang kapag sinabi namin.”

Sabay-sabay nilang sinabi sa ‘kin. Napalayo naman ako. Seryoso talaga sila dito ‘no? -___-

“Tch, sige.”

Biglang tumayo si Andi at lumapit sa table.

“Althiya, bakit mo ginawa ‘yun?”

He's My Fiancé?! --- COMPLETEDDär berättelser lever. Upptäck nu