Chapter 9

19.2K 336 2
                                    

Time Check : 09:00 am

It means recess na. Nandito kami ngayon ng Miss A at 4SPrince sa garden, nagre-recess. Yes, 4SPrince kasi wala si wirdong Renz. At alam na rin ng 4SPrince na fiancé ko ang wirdong 'yun. Aissh! Si Alex kasi eh! At tyaka, nakakainis 'tong si Kevin! Ayaw ako pansinin simula nung kaninang umaga hanggang ngayon! Hindi pa siya pumasok kanina.

**Flashback

Nandito na kami ngayon ng Miss A sa room, naghihintay sa aming celebrity na adviser, si Madam Hitler (alam niyo na kung sino yan). Nakikipagchismisan lang naman kami ngayon sa apat na nagkikinangan na prinsipe. Apat lang kasi wala si wirdong Renz, natutulog lang siya sa desk niya. Tss, i.dont.care. Close na kaagad kami sa apat na prinsipeng ito eh kaya nakikipagchismisan na!

"Ui! Ui! May sasabihin pala ako sa inyo. Alam niyo ba, may fiancé na si Althiya!"

Jusmiyo Marimar ka Alex! Bakit mo sinabi?!! Shetes naman 'yan o! ARGH!!

"HA?! SERYOSO?!" (Tristan, Spencer, Marco)

"*nod nod* Yup!" (Alex)

Kinurot ko naman sa tagiliran si Alex sign na manahimik siya kundi ipapatapon ko siya Antarctica. Tinabunan niya naman 'yung bibig at nag peace sign sa 'kin. Argh, ngayon niya lang talaga na-realize? Binigyan ko naman siya ng patay-ka-sa-'kin-mamaya look. Mukhang naintindihan niya naman 'yung tingin ko kaya nagtago sa likod ni Tristan.

"Sino naman 'yang fiancé mo Althiya?"

Tanong naman sa 'kin ni Marco. Hindi ko sinagot 'yung tanong ni Marco at tinignan ko ang limang babae ng wag-niyong-sabihin-look. Ayos lang na malaman nilang may fiancé ako pero hindi na dapat nila malaman kung sino 'yung wirdo na fiancé ko tutal hindi pa naman ako pumapayag. Pero parang si Andrea lang nakaintindi sa tingin kong 'yun at ang natitirang apat na babaita (Alex, Amy, Andi, Ahriya) ay tumingin dun sa wirdong lalaki na nakaubub. Tumingin rin yung apat na lalaki sa tinitignan ng apat at mukhang na-gets nila kung ano ang meaning nun. Nasapok ko na lang ulo ko sa pagka-slow ng apat na babaitang ito.  

"SI RENZ?!" (Tristan, Marco, Spencer)

Napa-angat sandali ng ulo niya si Wirdong Renz nung narinig niya yung pangalan niya at tumingin sa 'min sandali pero bumalik agad sa pagkakaubub. Tumakbo 'yung tatlo (Tristan, Marco, Spencer) sa upuan ni Renz at tinanong.

"Hui Renz! Bakit hindi mo sinabi na fiancée mo pala 'yang si Althiya?" (Marco)

"Oo nga bro. Diba dapat share your secrets tayo." (Spencer)

"Hui Renz! I-angat mo nga 'yang ulo mo. Sagutin mo 'yung question namin sa'yo hui!" (Tristan)

Umangat naman ng ulo niya si wirdo at tiningnan 'yung tatlo ng antok look.

"Oo. Fiancée ko 'yang Althiyang 'yan. Ayan sinagot ko na tanong niyo. Kaya pwede ba, layuan niyo na 'ko at matutulog na 'ko."

Tapos bumalik na naman siya sa pagubub sa desk. SHETES! Alam na rin pala niya?! Akala ko hindi pa eh kaya ang inexpect ko na magiging sagot niya ay "hindi ko alam", tutal mukha naman siyang matipid mag-salita.

"HAAAA?!!!!!!" (Tristan, Spencer, Marco)

Grabe naman maka-react 'tong tatlong 'to! Pagkatapos nung bongga nilang reaction eh bumalik na sila sa grupo namin.

"Huy! Althiya, kailan mo pa naging fiancé 'yang si Renz?" (Marco)

"Kahapon?"

He's My Fiancé?! --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon