Chapter 3

30.2K 435 4
                                    

Thank God! Naka-uwi na rin galing sa mall. Grabe, napagod ako dun ha. Hindi ko naman akalain na ganun pala ka worst na shopaholic si Alex. Akalain mo ba namang parang inikot na namin ang buong mall. Tuwing may nakikita siya na gusto niya, kinukuha niya kaagad. Total naman daw, libre yun dahil nga si Amy ang anak ng may-ari ng mall kaya nilubuslubusan niya na. Haaaay! Pero in fairness, enjoy rin pala mag-shopping. Akala niyo ba hindi rin ako namili? Sayang naman 'no, libre rin naman eh kaya lulubus-lubusin ko na rin. Parang naging totoo na rin yung kasinungalingang dahilan ko sa kanila ha. My God! Pero medyo lang ha, hindi over over to the highest level in a major major way na katulad ng kay Alex.

Pagkadating na pagkadating ko sa bahay, dumiretso na kaagad ako sa kwarto ko. Itinapon ko na lang kaagad yung mga paper bags sa tabi at diretso higa sa kama. Ang sakit ng paa ko ngayon, akalain mong inikot namin buong mall. Woooh! Then may biglang kumatok sa pintuan.

"Pasok!"

Sabi ko dun sa kumatok. Nakita kung bumukas yung pinto at iniluwa nun si Yanni unni. Ano na naman bang ginagawa ng babaitang 'yan dito

"Hey, what are you doing?"

Tanong agad sa 'kin ni unni.

"'Di ba obvious unni? Edi nakahiga, alangan namang nakatihaya diba."

Sagot ko kay unni. Tiningnan kaagad ako ni unni ng masama.

"Ahh, akala ko kasi naka-upo ka eh."

Sarcastic na sinagot sa 'kin ni unni. Tss.

"Eh ikaw, ano naman ginagawa mo rito sa room ko?"

Tanong ko kay unni.

"Obvious ba, edi nakatayo." (Yanni)

Tss, gaya-gaya.

"ALAM KO! What I mean is bakit ka nandito sa room ko?"

Walangjo 'tong babaeng 'to! Kainis talaga siya kahit kailan! Argh!

"Ahh, hindi naman kasi "bakit" ang ginamit mo kanina eh, "ano" ang ginamit mo kanina. Klaruhin mo kasi sa susunod, okay? Pinapasabi lang ni tito na mag-punas ka raw muna bago ka matulog. At tyaka, pinapatanong rin ni tito kung tapos ka na ba daw mag-dinner. Yun lang naman"

Sabi ni unni habang napakahinhin ng boses at nakangiti pa na parang maamong tuta. Nangiinis talaga 'tong babaeng 'to eh 'no

"OO! TAPOS NA 'KONG MAG-DINNER! AT OO RIN! KASI MAGPUPUNAS AKO BAGO MATULOG! PAKI-SABI NA LANG KAY PAPA!"

Inis na inis 'kong sinagot kay unni. Pagod na nga ako, iniinis pa 'ko! WALANGJO TALAGA! ARGH!

"Ganun ba? Okay. Makakarating 'yan kay tito. Sige, mag-punas ka na ng makatulog ka na. Halata na kasing pagod ka eh. Good night 'PRINCESS'"

Mahinhin at sarcastic pa ring sagot ni unni at lumabas na siya ng kwarto. Tinapunan ko siya ng unan pero hindi siya nataman kasi nakalabas na siya. Ang sarap pektusan ng babaitang 'yun! Tumayo na 'ko at pumunta ng banyo para mag-punas. Pagkalabas ko ng banyo, nag-bihis na agad ako ng pajama. Bago ako humiga sa kama ko, tiningnan ko muna yung cp ko kung meron bang nag-text. At gaya ng inaasahan, meron ngang nag text.

From: +63994668*****

Unregistered number? Sino naman kaya 'to? Inopen ko yung message at binasa.

babes, i miss you. please, forgive me.

Babes? Famili—NAKU NAMAN!! Yung nag wrong send na naman sa 'kin. Sinabi ko nang hindi ako yung baboy na hinahanap niya eh. Aissh!! Bad mood na nga ako dahil sa pangiinis ng Madam Hitler na yun, mas na-bad mood pa 'ko ng nag-text 'tong walangjong wrong sender na 'to! Ririreplayan ko na sana ang walangjong wrong sender na ito kaso bigla kong na realize, pa'no kung wrong send lang 'to ulit? Masasayang lang load ko kung wrong send lang naman pala 'to ulit. Aissh, bahala ka sa buhay mo! Pababayaan na lang kita 'no. Masasayang lang load ko sa'yo. Kahit unli ako for 3 days.

He's My Fiancé?! --- COMPLETEDWhere stories live. Discover now