Padabog siyang naglakad palabas. Muntik pa niyang banggain si Safina kung hindi ko lang nayakap kaagad ito.

I sighed in relief when both of them were gone. I let go of Safina;s waist and made her look at me. Sadness painted her face.

"Are you okay?" I asked and caressed her face.

She nodded and gave me a small smile. "Ako dapat ang nagtatanong sa 'yo niyan."

Her stares were intense like she wanted to comfort me with a hug. I gave her a quick quick.

"I'm just fine, babe. I'm sorry for ruining your morning."

"Kay sweet naman!"

Pareho kaming napalingon nang may humagikhik. Si Manang Biday pala ay nakatingin sa amin. Safina's face turned red as expected.

"Siya na ba ang sinasabi mo, hijo?"

"Siya na nga, Manang." Hinila ko na si Safina papasok saka sinara ang pinto ng unit ko.

"Babe, I want you to meet Manang Biday. Ang katiwala ko rito."

"Hi, Manang... Ako po si Safina."

I smiled when my fiancée took Manang Biday's hand. Nagmano ito.

"Aba'y napakaganda mo nga! Kaya naman pala nagmamadali ang alaga kong pakasalan ka. Baka takot na maagaw ka ng iba," Manang Biday exclaimed. Damn it, bigla akong kinabahan nang mapagtanto kong maaari ngang mangyari 'yon. Lalo na at may kakaibang charisma si Safina.

"Manang naman. Huwag n'yo namang bigyan ng ideya si Safina na hindi ako siputin sa kasal namin," I whined. They laughed in unison.

"Buti na lang pala naghiwalay kayo ni Beatrice noon. Aba'y kung ako sa kalagayan mo, pakakasalan ko rin kaagad si Safina. Napakaganda mo naman, anak!"

Manang Biday can't help but hug Safina. Sabi ko na nga ba at magkakasundo sila.

"Salamat po, Manang..." Safina responded timidly.

"Pasensya na kayong dalawa kanina. Hindi ko naman alam na darating pala 'yong dalawang 'yon."

"Let's not talk about them, Manang. Hindi pa kami nakapag-breakfast ni Safina," I said cutting Manang off. I held Safina's hand and led her to the kitchen.

"Siya nga, katatapos ko lang magluto nang dumating kayo kanina. Halina kayo sa kusina."

Inalalayan ko si Safina sa pag-upo. I can hear Manang Biday's giggles. I just stopped when Safina suddenly went silent. Parang malalim ang kanyang iniisip kaya pinisil ko ang kanyang kamay.

"You okay?"

"Hanggang kailan mo titiisin ang daddy mo?" mahinang sabi niya. I felt a pang on my chest.

"Safina, we already talked about this."

"Pero tatay mo pa rin siya. Kailan mo siya kikilalanin ulit, kapag huli na ang lahat—"

"I lost my father several years ago, Safina. He disowned me when I needed him the most! Kaya ano'ng karapatan niyang panghimasukan ang buhay ko ngayon? Wala na! Kung hindi dahil sa kanya, hindi ko sana naranasang magdildil ng asin at manlimos ng pagmamahal! Dahil sa kanya nawala sa akin ang lahat! Sana naman huwag mong ipagpipilitan na tanggapin ko siya ulit sa buhay ko dahil hindi moa lam ang dinanas ko! Hindi mo alam ang nararamdaman ko!"

"Hijo, huwag ka namang sumigaw sa harap ng pagkain." I heard Manang Biday's voice.

I took a deep breath and stared at Safina. Yumuko siya at hinawakan ang kutsara.

"Look, babe, I'm sorry. Hindi ko sinasadyang taasan ka ng boses. It's just that—"

"It's o—okay. Naintindihan ko. I'm sorry for bringing that up," she responded but her smile didn't reach her eyes. A sharp vein of guilt pierced through my senses.

"Babe, I'm sorry. I messed up. What if we go out instead?"

"M—mamaya na. Sayang naman itong niluto ni manang," mahinang sagot niya.

Fvck. I just completely ruined our indoor date.

...

"TARANTADO ka naman kasi. Bakit mo naman siya pinagtaasan ng boses? Nagmamagandang loob lang naman ang fiancée mo sa 'yo."

"Pero wala siyang alam sa pinagdaanan ko."

"Cut that bullshit, Madrigal. Fiancée mo na siya. Soon, she will be carrying your name and bearing your child. Soon, you will be living under one roof. I'm telling you; your wife will be your best confidant if you're just honest about yourself."

I massaged my forehead. Iniwan ko muna si Safina at Manang Biday na magkuwentuhan sa baba. Tinawagan ko muna si Sid para makahingi ng advise.

"Pero kailangan niyang intindihin na hindi niya dapat pinapakailaman ang personal kong nararamdaman—"

"Fvck you, Madrigal! Kung ganyan ang mindset mo, hindi ka pa handang mag-asawa. May karapatan siyang manghimasok dahil magiging asawa mo na siya. She's just suggesting what's best for you. Ang problema kasi sa 'yo hindi ka pa naka-move on sa history ng buhay mo. Kung ako sa 'yo, ayusin mo mga desisyon mo sa buhay. Baka ang galit mo pang 'yan ang magiging dahilan para mawala siya sa 'yo."

I gulped hard, imagining the scene. Tangina, hindi ko kakayanin.

"Kung sakali bang magkasala si Safina sa 'yo kagaya ng tatay mo, kamumuhian mo rin siya habang-buhay? Kaya mo ba?" Dela Vega mocked on the other line.

"Tangina, tinawagan kita dahil kailangan ko ng tulong mo. Hindi para sermonan mo," asar kong sabi. Quotang-quota na ako ng masasamang salita ngayong umaga.

"Ulol, tinutulungan kitang mag-isip. Hindi kita sinisermonan."

I didn't know but I unconsciously smiled when I realized something.

"Fine, pag-iisipan ko 'yan. Sa ngayon kailangan ko muna ang tulong mo dahil gusto ko nang maikasal kami ni Safina sa lalong madaling panahon."

"At anong tulong naman ang kailangan mo? Huwag mong sabihing gagawin mo rin kaming sponsor? May mga anak na ako, ulol. Nagtitipid ako."

Pft! Tanginang 'yan. Napamura ako.

"Hayop ka talaga, Dela Vega. Hindi ako kasing-cheap n'yo ni Micaller. Naaalala mo pa ba ang mga kaibigan ng asawa mo na wedding organizer?"

"Sina Rafael at Marga? Yes, why? Do you want them to organize your wedding?"

"If they could speed up the process, I will pay 150%."

"That's settled then. Patatawagan ko kay Serenity."

"Thanks, man."

I ended the call and inserted the phone in my suit pocket. Balak ko ring ipasyal ngayon si Safina para makalimutan niya ang nangyari kanina.

Pagkababa ko ay naabutan kong nagyayakapan sina Manang Biday at Safina habang nag-iiyakan.

"Kung talagang mahal ka niya, matatanggap niya ang katotohanan kaya magtiwala ka, Safina."

Nangunot ako sa sinabi ni Manang Biday kaya tuluyan na akong bumaba.

"Anong katotohanan ang kailangan kong malaman, Manang?" tanong ko.

Pareho silang nanlaki ang mga mata na parang nakakita ng multo.

©GREATFAIRY

A/N: Kaway-kaway sa mga nag-aabang ng kasal. Lapit na. Sobrang lapit na...

Hopelessly Devoted to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon