CHAPTER 37: BULLETS

1 0 0
                                    

   Unti-unti kaming lumabas mula sa kwarto at lumakas ang mga tunog ng mga nagpuputukang baril. Sinalubong kami ng lalakeng walang armas. Sky threw the first punch and I just shot the one who tried to attack me in the leg.



Dumiretso kami sa tunnel na sinabi nilang dadaanan namin. Pinauna ko silang dalawa kahit na ayaw nila dahil medyo nahuli ako kasusuntok sa nanghahabol sa'kin. Makakapasok na sana ako nang may nanghila sa'kin palayo sa tunnel. Pilit akong nagpupumiglas para makawala sa mga kamay ng dumampot sa'kin.



Mas malakas siya kaysa sa'kin at hinila niya ako papunta sa malawak na parte ng warehouse at palapit kay Mr. Carlos. Binigay niya ako kay Mr. Carlos. Bago ko pa namalayan ang mga nangyari, Mr. Carlos was already restraining the blood flow on my neck at may nakatutok na baril sa likuran ko.




Yup, I'm dead...



"Papa, bitiwan mo siya!" sigaw ng isang baritonong lalake. Si Max...



Tumawa ng malakas si Mr. Carlos at agad na tinitigan si Max. "Ito ba ang babaeng kinababaliwan mo, ha?" malakas niyang tanong kay Max.


Di siya sumagot.

"Papa, please bitawan mo na si Syph." pagmamakaawa ni Sky na nasa tabi ngayon ng kapatid niya.




"At ikaw rin, Skyler. Traydor ka rin sa pamilyang to!" galit na sigaw ni Mr. Carlos kay Sky.



"Sabing bitawan mo siya!" sumbat ni Max at naglabas ng baril.



Tumawa ulit si Mr. Carlos, shaking his head continuously. Pinakita niya yung baril at itinutok ito sa tagiliran ko.


"Not so fast, Maximillian. You don't want her to get hurt."



Sumigaw si Max dahil sa galit. "Papa, ano bang kasalanan niya sa'yo?"




"Marami, Max." sagot niya. "Una, trinaydor niya ako, ikalawa, nilayo niya kayo sa'kin!"


"Ano bang gusto mo?" naiinip na tanong ng magkapatid sa kanilang tila nababaliw na ama.



"Simple lang naman. Bumalik kayo sa'kin at iwanan niyo ang babaeng to."




   Kinagat ko ang kamay ni Mr. Carlos at malakas na siniko ang kanyang tiyan. Agad niya akong pinakawalan. I ran as fast as I could to Max. Then a sharp, excruciating pain struck me from behind... twice...  The bullets.


"Persephone!" Maximillian worriedly said to me, sabay ikot niya nang masalo niya ako.



I felt them. Natamaan siya...



That's when all hell breaks loose. Nanghihina na ako pero may malay pa ako. Hinila kami nila at isinakay sa ambulansya kasama ni Sky na may tama sa tagiliran, habang nagbabarilan na sila sa loob. 



Max and I were holding each other's hands as they drove us to the hospital.



Sobrang nanghihina na ako, at nawawalan na ng lakas. Pumapatak na mga luha ko.



"Persephone..."

"Listen to me..." Max breathed heavily. "E-everyth-thing i-is going to be a-alright." he stammered.


Then I passed out...




   Pagmulat ko nang mga mata ko, nasa isang hospital suite na ako. Tinititigan ko ang engrandeng chandelier sa mataas na ceiling. Bumaling ako sa kaliwa, at malawak at tinted na bintana ang bumungad sa'kin. I tried to sit up but someone's voice stopped me from doing so.



Pinagmasdan ko nang maigi at kapaligiran, sa isang sulok ng room ay si Max. He was wearing a suit and tie habang umiinom ng kape.



"Huwag ka masyadong magalaw, masasaktan ka lang." 


Lumapit siya palapit sa'kin without limping or showing any signs of pain.




Wasn't he shot? Am I dreaming? Maybe he wasn't shot at all.



Umupo siya sa upuan na katabi ng kama ko. "Wala bang masakit sa'yo?" nag-aalala niyang tanong sa'kin.


"Medyo masakit lang yung likod ko pero kaya naman."



He sipped his coffee again. "That's good to know."




"Hindi ba may tama ka?" nagtatakang tanong ko sa kanya.


He placed the mug  on the bedside table. "It not that painful anymore."


"Huh?" I asked. "How many hours was I out?"


"Almost three weeks."


"I'm really glad you're awake now. All of us were so worried." dagdag niya.



   Wala akong maisagot. Nakahiga lang ako at nakatitig sa kanya. His hair was slicked back and shiny. 


"Saang ospital to?" tanong ko, looking around the entire room.


"This isn't a hospital." Sagot niya. Hinarap ko siya kaagad.

"Then where am I?"



"Sabi nina Jayden na masyado daw delikado na manatili ka sa ospital kase nagkalat pa mga tauhan ni papa. Kaya dito ka nila dinala. This is my mansion." Mahaba-habang sagot niya.


"Pero hindi ba na mas delikado ako rito kase mansyon mo ito?"



Tumatango-tango siya. "No, you're safer here." Sagot niya. "Dad and his minions doesn't know this place. Even Sky doesn't know I own this." Dagdag niya.


"Si Sky?" agap ko. "Nasaan si Sky?"


"He's fine now." Sagot niya.




Habang nagtitinginan kami, napansin ko na parang mayroon siyang tinatago. Parang malungkot siya. Parang may hindi pa siya nasasabi sa'kin or may ayaw siyang sabihin sa'kin.




"May nangyari ba?" maayos na tanong ko sa kanya.



Hinarap niya ako kaagad at ngumisi. "Nothing. I'm just very glad you're back."



"You don't look very glad." Sagot ko at huminga siya ng malalim.


"Sabihin mo sa'kin kung anong nangyari."



"Well, nahuli na si papa at nakakulong na siya sa isang high security prison sa Espanya." Simula niya.


"Well that's good news." napakibo ako dahil sa biglang pagsakit ng likuran.



"Are you okay?" nag-aalalang tanong niya sa'kin. Tumango ako bilang sagot.


"Bakit parang malungkot ka pa rin?" tanong ko sa kanya.





He looked directly at the marble floor. "Kase may kinalaman ako sa nangyari sa'yo noon, I have to go to prison for a year." Malungkot niyang sagot sa'kin.


"And so does Sky." Dagdag niya.


Medyo nasaktan at nalungkot ako sa sabi niya. The Bautista brothers are going to be imprisoned for a year.



"At least isang taon lang yun. Your father has it worse. Why are you sad?" tanong ko.


Agad niya akong tinitigan. Magsasalita na sana siya nang may kumatok sa'king pintuan. Tumayo si Max para buksan ito. It was a doctor and a nurse. The doctor looked like a middle-aged woman, tapos mukhang mas bata pa kaysa sa'kin ang nurse. Both were dark-skinned but as they walked closer, napansin ko ang mga mata nila. Kulay asul ang mga mata ng doktora, at kulay berde naman sa nurse.


They were both so beautiful.


"Good evening, miss Salerno." Bati nilang dalawa sa'kin.

"Good evening, ma'am."



"How are you feeling?" tanong ng nurse habang siya'y umikot para palitan ang dextrose ko na paubos na.


"I feel fine, just a few sparks of pain in my banck, but that's all." Magalang na sagot ko sa kanya.



Turns out I was really shot twice. Pero maswerte ako at wala itong tinamaan na organs ko. What I do have is a broken back kase doon tumama yung isang bala. That explains the sudden sparks of pain I felt and will feel later. Matapos nilang i-check ang kalagayan ko, nagpaalam sila sa'min at lumabas sa kwarto.




Lumapit sa'kin si Max at naupo sa upuan niya.

"So why are you sad?" tanong ko ulit sa kanya.



"Nag-aalala lang ako." Sagot niya.

"Para kay Sky?"

"He'll be fine with you, Max." I said to him, reassuringly.



"Nag-aalala ako para sa'yo, Persephone." Agap niya at hinilot ang ulo niya.


Nagtaka ako. "Huh?"



Tumayo siya at lumapit sa dresser sa harap ko. May inilabas siya mula rito ngunit agad itong ibinulsa bago ko pa masilayan kung ano ito. Saka lang siya bumalik sa'kin. Umupo siya sa gilid ng kama ko at tumingin sa'kin.


"Nag-aalala ako para sa'yo, para sa'tin." Simula niya.



"Pero wala naming tayo, Max. Matagal na." masakit na sambit ko sa kanya.



"I know, but I want to take that back. I want to take you back." Malambing na sabi niya sa'kin.


His Last Chat Was GoodnightWhere stories live. Discover now