CHAPTER 30: SINO KA?

1 0 0
                                    

                            ~SYPH'S POV~
        Iminulat ko ang mga mata ko sa isang magandang kwarto, ang problema, di ko alam kung kanino ang kwartong ito. Tumayo ako at binuksan yung pinto palabas sa kwarto. A second later, I found myself standing in the middle of a wide hallway. Maraming paintings na nakadisplay sa daanan. Antiques and statues that were properly dusted and shining were placed infront of each door across the hallway. Tinuloy ko ang paglalakad patungo sa hangganan ng hallway. Sinubukan kong buksan ang bawat pintuan pero ni isa walang bumukas.

Naglakad ako habang in-oobserbahan ang paligid ko at sa hangganan ng hallway may malaking bintana. Linapitan ko ito saka hinaplos ang salamin nito.

Sinubukan kong buksan yung pintuan sa tabi nito pero wala rin akong napala.

Paano ba ako lalabas dito?

          Biglang may nagsabi ng pangalan ko sa likuran ko. Boses ito ng lalake. It was deep but soothing. It sounded so familiar at pagharap ko, may matangkad at matikas na lalake na nakatayo sa harapan ko. Nakaputi siya at nakangiti sa'kin. His hair fell on the side of his face effortlessly and his eyes were so captivating.

Biglang bumilis yung tibok ng puso at nakaramdam ako ng kaba at takot.

"Halika." sabi niya sa'kin sabay abot ng kanyang kamay. 

Naglakad ako palapit sa kanya. It felt like I've known him for years kahit na di ko naman siya kilala.

Tumigil ako sa saktong harap niya at tinitigan niya ako sa mata.

"Mi amor. (My love)" sabi niya tapos biglang nagbago yung kinaroroonan namin.

The wide hallway turned into an endless ocean. Naka-bangka ako sa gitna ng dagat. I looked around me and I saw him, the boy kanina sa hallway. He was floating, at parang nahihirapan siyang lumangoy. 

"Tulong..." sabi niya sa'kin. Wala akong nakitang paddle ng bangka, wala rin namang makina na pampaandar ng bangka at di naman ito gagalaw kung kamay ko lang gamit ko. So, I jumped in the water.

Lumangoy ako patungo sa lalake pero ng makalapit na ako, bigla siyang naglaho. Di ko na siya nakikita. I looked around me pero mag-isa lang ako. I rubbed my eyes and when I opened them, yung lalake ay naka-bangka at nasa harapan ko. Biglang nanghina yung katawan ko at nahirapan akong lumangoy. 

Nalulunod na ako. Iniabot ko yung mga kamay ko patungo sa lalake pero tinignan niya lang ako ng may galit ang mga mata.

"Help me." I begged pero di siya kumibo.

"Help you? You let me die, mi amor." galit na sagot niya saka tinulak ako pababa sa tubig.

         Sumigaw ako ng sumigaw nang bigla akong ginising ni Sky. Pinagpapawisan at lumuluha akong humarap kay Sky.

"Bakit?" "Anong nangyayari sayo?" nag-aalalang tanong niya habang hawak hawak ang aking mga kamay.

Di ako makapagsalita bagkus ay tinitigan ko lang siya habang humagulgol ako sa pag-iyak.

Niyakap niya ako nang mahigpit and I just cried louder.

"Tahan na." bulong niya habang nakayakap sa'kin.


         Nang mapakalma ko na ang aking sarili, kinunan ulit ako ni Sky ng tubig. I looked at my watch and it was still 5 in the morning. Tumingin ako sa bintana and for a split-second I saw a shadow. I rubbed my eyes and it was gone. Biglang pumasok ulit sa isip ko yung napanaginipan ko. Bakit ganun? 

Sino ba yun?

Bakit niya ako tinawag na mi amor?

May namatay na ba nang dahil sa'kin?

His Last Chat Was GoodnightWhere stories live. Discover now