CHAPTER 12: SELOS

17 1 0
                                    

                                                                                         ~MAX'S POV~
        Why does this have to happen?! It's true. About what they said... that mistakes in past will haunt you in the future... I should've never left her. Sana naiwan nalang ako sa Pilipinas... Nasa akin na siya noon kaso pinakawalan ko pa!! I'm just so mad at myself!!! Fuck...

I'm sorry, Syph. I'm so sorry...

                                                                                 ~~~~~~~~~~~~~~~~
Papunta na sana ako sa kwarto niya kaso nakabukas ito. I could hear laughter from inside so I decided to take a peek. Magkasama nila ni Sky.
"Ako na. Kaya ko na'to." sabi ni Syph na kinukuha yung betadine mula kay Sky.
"Dapat nga nandoon ka sa kwarto mo, nagpapahinga." dagdag nito kay Sky. It hurt me so much that she cared for my brother and not for me.

"Hindi na okay lang naman ako." sagot ni Sky sa kanya.
"Sigurado ka?" tanong ni Syph tapos tinignan yung mga sugat ni Sky sa mukha.

Hindi ko na kinaya. Pumunta ako kaagad sa kwarto ko at ni-lock yung pintuan.
"Ughhh!" I shouted as I hit the wall multiple times. Tangina. Syph, anong ginawa mo sa'kin???
I punched the wall out of jealousy and anger.

Hindi naman sa selfish ako pero ayaw ko lang na ganoon sila ka-close ni Sky... I just ended up crying... Ngayon lang ulit ako umiyak dahil kay Persephone. The first time I ever cried like this was when my mom died...

Hindi ko kakayanin to. Everytime na nakikita ko silang magkasama ni Sky, kumikirot yung puso ko.
"Sana di nalang kita binitawan! Sana sinubukan ko pa ring kumapit, kahit na mahirap!" I shouted at myself... It's my fault... Kaya kung mapunta man siya kay Sky, hahayaan ko nalang. Kung kay Sky siya sasaya, hahayaan ko nalang.

Half of my heart told me to let her go, but the other half told me to try again. But this time, I'll take it seriously. If I ever get her back, I'll never let her go again.

                                                                              ~~~~~~~~~~~~~~
         Isang araw, papunta ako sa kwarto ni Syph para dalhan siya ng agahan. Pagpasok ko, naka-upo siya sa kama niya. Nilagay ko yung pagkain sa mesa tapos tinignan niya ako.
"Kain ka na." tipid kong sabi habang nakatitig sa sahig. Sinubukan niyang kunin yung kamay ko pero tinago ko ito sa likod ko.
"Patingin nga." sabi niya pero di ako gumalaw.
"Max, akin na." sabi niya ulit tapos dinampot yung kamay ko. Pucha, nakakahiya. Nakita niya na puro sugat at pasa yung knuckles ko kakasuntok sa pader nong isang araw.

Tumayo siya tsaka kinuha yung first aid kit mula sa kabinet.
"Saan mo nakuha yan?" tanong ko sa kanya habang lumakad siya patungo sa'kin, dala-dala yung first aid kit.
"Iniwan to ni Sky nang matapos niyang gamutin lahat ng sugat ko." sagot niya sa'kin. Ah, oo nga pala.

Umupo siya ulit sa kama tapos pinaupo ako sa isang upuan na malapit sa kama niya. Kinuha niya yung mga kamay ko tapos unti-unting pinahiran ng alcohol, hydrogen peroxide, at pagkatapos noon, ay betadine.

"Ano bang nangyari?" tanong niya habang pinapahiran ang mga gilid nito ng betadine. Hindi ko siya sinagot. Nang matapos na siya, saka lang siya kumain. Hinintay ko nalang na matapos siya at binalik ang plato sa kusina. Sa kusina, nandoon si Sky.

"Kumain na siya?" tanong niya sa'kin.
"Oo." tipid kong sagot tapos nilagay ang plato sa lababo.
"Answer me, Sky. Do you like her?" tanong ko sa kanya. Hindi siya nakasagot. Pumunta na siya kaagad sa kwarto niya. I breathed then I sighed. Paano ba'to?

A/N: Hi readers, sorry kung masyadong maikli ang chapter na to. Pero, pangako ko sa inyo, hahaba rin ang content ng mga sumusunod na chapter. Love y'all...

His Last Chat Was GoodnightWhere stories live. Discover now