CHAPTER 29: SIKRETO

3 0 0
                                    

                        ~SYPH'S POV~
          Makalipas ang isang buwan, naging mas mabuti na yung kalagayan ko. Palagi na akong nababantayan sa tuwing nasa kalsada kami. Bumalik na rin ako sa trabaho kase sayang naman yung mga inaral ko. Everything seemed to click but I always felt like something was missing. May malaking butas sa puso't isip ko kaso di ko alam kung bakit.

May mga araw na may pinupuntahan si Sky pero di ko alam kung saan. Kapag tinanong ko siya, binabago lang niya yung usapan. Kapag tinanong ko naman sina kuya Jayden, sasabihin nila na may pinuntahan lang siya. Parang may tinatago sila.

                        [USIA HEADQUARTERS]
         Naglalakad ako sa hallway nang bigla kong narinig yung boses ni Sky sa meeting room. Lumapit ako at nagtago sa labas ng pintuan.

"What are we going to do now?" tanong ni H.A. Caerulus.
"Di ko po alam." sagot ni Jayden.

"Paano po kung sakaling bumalik lahat ng mga alaala niya?" natatakot na tanong ni Sky.

Lalapit sana ako nang biglang lumabas si Jayden at nabangga ko siya.

"Kanina ka pa ba diyan?" nag-aalalang tanong niya sa'kin.
"Hindi. I was only passing by." maayos na sagot ko at itinuloy ang paglalakad.

Ever since sinabi ng doktor na may posibilidad na bumalik yung mga nawalang alaala ko, parang kinakabahan na sila. They changed from calm to always worrying about me.

Ano ba kase ang alam nila na di ko alam?

                               ~SKY'S POV~
        Sabi ng doktor na pwedeng bumalik lahat ng mga nawawalang alaala niya, pero sabi rin niya na mahina ang posibilidad na mangyari ito. I want her to know the truth. I want her to know everything, pero natatakot ako na baka bumalik rin yung sakit at hirap na pinagdaanan niya noon.

Ngayon, alam ko na kung gaano kahirap takasan ang nakaraan. Baka bukas, magigising nalang si Syph na nalalaman ang lahat. Andami na naming sikreto, mga sikreto na tungkol sa nakaraan, mga sikretong nagdudulot ng takot at pangamba, at higit sa lahat, mga sikretong di maaaring malaman ni Syph.

                           ~~~~~~~~~~~~~~
          Bakit ba kase nangyayari to kay Persephone? sa aming lahat? Bakit? If one secret comes out, the rest will follow...

                           ~~~~~~~~~~~~~~~
        Nasa loob ako ng opisina ni Persephone nang biglang nagsalita si Syph.
"Bakit?" tanong ko sabay lapit sa kanya.
Nakaupo siya at may tinitignan sa laptop niya.

"Sino to?" tanong niya and I leaned over to look at what she was looking at.

It was a message from an anonymous person. 
Sabi nito: "Hello. Remember me, mi amor?"

Mi amor?! MI AMOR!!! Yan yung tawag ni Max sa kanya. Pero di naman pwede na siya to... Patay na yung kuya ko. Who would do this?

"Sky." tawag ni Persephone.
Tinignan ko siya.
"Para kang nakakita ng multo." dagdag niya.

"Sino to?" tanong niya sabay turo sa message.

"Hayaan mo na, baka loko-loko lang yan." sagot ko sa kanya sabay balik sa upuan ko.

Di mawala yung kaba sa puso ko. Knowing that the possibility of her restoring her memories were low, but someone chose to bug her. Sino ba to? Si Max lang ang may lakas ng loob na tawagin siya ng ganon. And he's dead, isnt he?




                        ~MAX'S POV~
      Ok na kaya siya?

His Last Chat Was GoodnightWo Geschichten leben. Entdecke jetzt