CHAPTER 16: I CAN'T

12 1 0
                                    

                                  ~SYPH'S POV~
          Thursday came, the fourth day of my week. Hindi na kami masyadong nagpapansinan ni Sky since that night. Pero kinakausap niya pa rin ako.

Pumasok siya sa kwarto ko dala-dala yung pananghalian ko. Nilapag niya ang mga ito sa mesa tapos umupo sa harap ko.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Wala. Kumain ka na." sagot niya tapos tinignan niya ulit yung telepono niya.

Pagkatapos kong kumain, kinuha na niya yung mga plato at baso pero bago siya lumabas, tinawag ko ulit siya.
"Sky, espera. (Wait.)" tawag ko sa kanya.
"¿Por qué? (Why?)" tanong niya na humarap sa'kin.
"Pwede na ba akong lumabas?" tanong ko sa kanya.
"Kahit mamayang gabi lang." dagdag ko.
"How about on Saturday night?" tanong niya na nakangiti sa'kin.

Saturday? Well, it's better than getting trapped here for a long time.

"Sige." I agreed happily tapos lumabas na siya.

2 more days and I'm out of here, suckers...

Friday came tapos pumasok si Sky sa kwarto ko dala-dala yung agahan ko. Umupo siya ulit sa harapan ko habang kumakain ako.
"Syph, ilang taon ka na?" tanong nito habang nakahawak sa libro niya.
"26." saktong sagot ko. Tumango siya tapos itinuloy ang pagbabasa.
"May sasabihin ako sa'yo." sabi niya. Sa lahat ng mga pangungusap na maari niyang sabihin ito pang nagdadala ng kaba ang sinabi niya.

"Ano yun?" tanong ko na tumigil sa pagkain.
"My friend and his brother likes the same girl. Etong kaibigan ko, matagal na talagang gusto yung babae pero gusto rin naman ito ng kapatid niya. My friend always made sure his brother was happy, even if his brother's happiness will cost his own." sagot niya.
"Tapos?" I responded, asking him what happened next.
"Gustong-gusto niya yung babae pero ayaw niyang saktan yung kapatid niya." sabi niya.
"Ano sa tingin mo ang pwede niyang gawin?" tanong niya sa'kin.

Napangiti ako ng konti.
"Sabihin mo sa kaibigan mo na subukan niyang sabihin kung ano yung nararamdaman niya sa babae. Kung di siya gusto ng babae, sabihin mo na subukan niya pa rin. Pero kapag ayaw talaga ng babae, ayaw na. Mas mabuti nang tumigil kaysa lumaban ng lumaban kahit na alam niyang wala siyang mapapala." I stopped and breathed.
"Kung gusto naman siya ng babae, subukan niyang ipaglaban yung pag-ibig niya sa babae. He has to at least try to fight for the love of his life."

"Pero paano kung masasaktan yung kapatid niya?" tanong ni Sky.

"Seems like your friend always wanted everything for his brother, right?" I asked assuringly. Tumango siya.

"Tell your friend that all his life he always made sure his brother was happy even though it will cause him sadness and pain. Maybe this time, he needs to loosen up and make himself happy." I said.

"Because you can never provide anyone with complete happiness if you can't make yourself completely happy." dagdag ko tapos itinuloy ko nang kumain.

Saturday came at pumasok si Sky dala-dala yung pananghalian ko. This time, tumayo lang siya pagkatapos niyang ilagay lahat ng pagkain ko sa mesa.
"Anong balita sa kaibigan mo?" tanong ko as I started to eat.
"Di pa niya ako kinakausap e." sagot niya.

"Anong oras pala mamaya?" tanong ko ulit sa kanya.
"Pagkatapos mong kumain ng hapunan saka kita papalabasin." tipid niyang sagot.

Night time came. Nag-suot ako ng berdeng hoodie tapos black oversized shorts. Pagkatapos kong kumain ng hapunan nagtoothbrush muna ako saka kami lumabas sa balcony. I never saw the stars shone like this. It was overwhelming. Umupo si Sky sa isang bench na malapit sa balcony railing at umupo ako sa tabi niya.

"Masaya ka na?" tanong niya na nakatingin din sa kalangitan.
"Oo, sobra." masayang sagot ko.

At doon, nakaupo kaming dalawa, parehong nakatitig sa langit.
"Tignan mo yun oh." sabi ko, sabay turo sa isang constellation.
"Anong constellation yan?" tanong ni Sky.
"That's what we call Cassiopeia, Sky." sagot ko sa kanya.

His Last Chat Was GoodnightWhere stories live. Discover now