CHAPTER 15: IF ONLY

15 1 0
                                    

             The cycle went on. I was so cold and distant towards Max. Hanggang sa sinabi niya na aalis muna siya ng isang linggo. I had the week to myself. Si Sky ang binilin niyang mag-alaga sa'kin and it was perfect. Sige, sabayan mo ang plano ko, Maximillian. HEHEHE...

Ito ang unang araw na wala si Max, at sobrang aga ni Sky na magdala ng agahan. Kagigising ko nga lang e dinalhan na niya ako ng agahan. Nilagay niya ang tray ng pagkain sa mesa ko tapos nginitian niya ako.
"Ikaw nagluto nito?" tanong ko sa kanya.
"Ah, oo." masayang sagot niya sabay tango. Nang nakakain na ako, kinuha niya yung tray tapos binigyan niya ako ng orange.

"Bakit?" nagtatakang tanong ko habang hinawakan yung orange.
"Kailangan mo ng Vitamin C." nahihiya niyang sagot habang ngumingiti.
Awww, he just might be the cutest little brother ever...

         Night time came and I decided to ask him the question nang maubos ko yung pagkain ko.
"Hey Sky." sabi ko. Tumingin siya sa'kin na nakangiti.
"Pwede ba akong lumabas?" maayos na tanong ko sa kanya. Napatingin siya sa mesa.
"Sabi ni kuya, di pwede." magalang na sagot niya.
"Please..." I pleaded but to no avail. He still said no.
Di bale na. I still have 6 nights to do my plan. Kailangan ko lang maging mabait sa kanya so that I could get his trust.

The next morning, nagising ako ng maaga kaya nakaligo't nakabihis na ako nang pumasok siya dala-dala ang aking agahan.

Night time came tapos nasa loob ako ng closet nang biglaang namatay lahat ng ilaw. Hala, huyyyy. Takot ako sa dilimmmm!!! I sat down instantly and covered my ears kahit na nakakarinig pa rin ako kapag ginagawa ko to.

May nahulog na kung ano pang pwedeng mahulog sa tabi ko kaya tumakbo nalang ako palabas ng closet. Just go straight, Syph, straight... Aray... Dahil sa dilim may nabunggo ako. We ended up falling on the floor with me on top of whoever this person was. Ansakit ng paa ko... I do hope this is not a male.

The person groaned. Lalake to... Suddenly, the lights opened while my eyes were closed. Nang buksan ko ang mga ito, I was laying on top of Sky... Stand up, Persephone... I can't. Masakit yung paa ko kaya I rolled over to the floor, saka umupo. Hinahawakan ni Sky yung likod ng ulo niya habang umupo rin siya. Gosh, he looked amazing with messy hair.

"Okay ka lang ba?" tanong niya sa'kin, habang lumapit siya sa'kin. His sleepy voice though...
Hindi na siya naghintay ng sagot nang napansin niyang hinahawakan ko yung paa ko. Inalalayan niya akong tumayo tapos pinaupo ako sa kama.

He knelt in front of me and checked my foot. Tinanggal niya yung tsinelas ko tapos sinimulan niyang ipaikot yung paa ko. Hinila ko yung paa ko habang ginagawa niya yun kaya napansin niya na masakit yun. He started to press on certain parts near my ankle.
"Aray." I said, still keeping the pain inside.

He sighed tapos umupo siya sa tabi ko.
"Sprained ankle." wika niya. Teka, natalisod ba ako? Ahy ayun, sa sobrang takot ko sa dilim di ko namalayan na natalisod pala ako.
"I'mma get an ice pack." sabi niya sabay tayo.
"Higa ka muna diyan." dagdag niya. 

         He came back with an ice pack in his right and a little pillow on his left. Inilagay niya yung unan sa tabi ng napilay kong paa.
"Ipatong mo yung paa mo diyan." sabi niya. Nang maipwesto ko na yung paa ko, unti-unti niyang itinapal rito yung ice pack. Umupo siya sa tabi ko as he did so. 

Napahawak siya ulit sa likuran ng ulo niya.
"Ok ka lang ba?" tanong ko sa kanya. Naku, kapag nasaktan ulit to lagot na ako sa kuya neto.
"Oo. Nauntog lang kase ako sa pagsalo sayo. Pero oks lang." sagot niya.

I couldn't help but notice. Dammnnn, that's a good-no not good-holy body. Ano bang inaakala mo Syph? Anak sila ng isang drug lord, kaya kailangan nilang maging malakas. He wore an unbuttoned long sleeve polo tapos itim na pants. His hair was messy and his voice sounded like he was sleepy even though he wasn't.

"Bakit nawala yung kuryente?" nagtatakang tanong ko kay Sky.
"One of the guards pulled the wrong lever." tipid na sagot niya. Suddenly, he yawned.
"Ganoon na ba ako kaboring na kausap." I said, jokingly.
"No no. I actually kinda like talking to you." komento niya habang napatawa ng konti.
"I'm just sleepy." dagdag niya tapos napakamot ulit siya sa ulo.
"Matulog ka na." wika ko. Itinuro niya yung paa ko.
"Sige na, matulog ka na." ulit ko na napahawak sa braso ni Sky. Tinignan niya yung braso niya, napatingin rin ako sa kamay ko.

"No-I-uhh. I-I didn't mean to do that." nauutal kong sabi. He giggled with his hot male voice sabay tayo mula sa kama ko. Nang nakatayo na siya, he looked at me with those captivating blue eyes and he just smirked. I furrowed my eyebrows, questioning his actions. He just shook his head, laughing, and left.

What did you do, Persephone?

Kinuha ko yung libro na nakapatong sa bedside table ko. Hindi nagtagal, bumalik si Sky sa kwarto ko na may dalang portable bed, mga unan, makapal na kumot, at libro. Mas mababa yung portable bed kumpara sa kama ko. Itinabi niya yung portable bed sa kama ko tapos nahiga.

"Oh, bat ka nandito?" tanong ko kay Sky.
"Bilin ni kuya na bantayan raw kita." sagot niya na nakaharap sa'kin.
"But not like this." I replied.
"You have a sprained ankle, Persephone." sabi niya and then there was silence.
"Kaya ko namang alagaan ang sarili ko, Sky." I insisted, hoping he'll go back to his room.

"And plus, magagalit si Max kapag nalaman niyang natulog ka sa kwarto ko." dagdag ko. He sighed and stared at me intensely. Tumayo siya.
"Bakit naman siya magagalit?" tanong niya, di ako nakasagot.
"You might wanna button up your top." sabi ko sabay turo sa damit niya. Tinignan ko ulit yung libro ko.
"Is it distracting you?" tanong niya. I glared at him tapos tinignan ulit yung libro ko. He laughed softly as I notice him taking off his polo.

"Huy, anong ginagawa mo?" iritang tanong ko kay Sky na dinampot ang isang puting damit mula sa ilalim ng kumot niya.
"Nagpapalit lang ako ng damit." he answered as he laughed.
"Ano ba sa tingin mo ang gagawin ko?" he asked in a tempting tone.
Muntikan kong naibato yung libro ko kay Sky habang sinuot niya yung damit niya. Nahiga ulit siya tapos tinitigan niya ako.

"Bakit?" simpleng tanong ko sa kanya.
"Totoo pala yung sabi ni kuya na maganda ka." sagot niya.
"Gusto mo bang mamatay?" galit na tanong ko sa kanya. Tumawa siya ng konti tapos kinuha niya yung libro niya. Napatitig siya sa libro ko, moving his head as he did so.

"Ano na naman?" tanong ko ulit sa kanya.
"Regalo ba yan ni kuya sa'yo?" tanong niya sabay turo sa aklat na hawak ko.
"Oo, he knows what I like." I answered happily. Napatango siya pero di siya ngumiti.
"You like that?" tanong niya, referring to the book. Tumango ako.
"So you like his gifts?" dagdag niya. Napatingin ako sa mga mata niya.
"What do you mean?" tanong ko sa kanya.
"Ah, wala. Sige, basahin mo na yan." sagot niya and he faced away from me.

                           ~SKY'S POV~
If only you knew how I liked you. But you like my brother and I know how much he still loves you. But I also like you, Persephone.

If only you knew...


His Last Chat Was GoodnightOnde histórias criam vida. Descubra agora