CHAPTER 31: SEXIST

3 0 0
                                    

                         ~SYPH'S POV~
           Iminulat ko ang aking mga mata sa isang magandang hardin. May mga rosas at mga chrysanthemum sa paligid ko. It was just beautiful. Nakakaayang tignan yung mga bulaklak. I lingered for a little while, at may nahanap akong napakalinis na ilog. The water was crystal clear, and fishes were everywhere. 


It was magical...


Lumuhod ako para makalapit sa tubig at sa saktong segundo na nahawakan ko yung tubig, biglang nag-iba ang kulay nito. From crystal clear to bloody red. Tapos yung mga isda namatay. Napatayo ako dahil sa gulat nang biglang dumilim ang paligid ko. Bumaling ako sa mga halaman at isa-isa silang nalanta.

Naglakad ako palayo dahil sa takot at kaba. Nagulat ako ulit nang may nabangga ako habang lumalakad palikod. Hinarap ko ito and it was the same man in my other nightmare.


        Nakatayo siya sa harapan ko but this time, mas clear na yung mukha niya, mas nakikita ko na yung mata niya. Nakasuot siya ng itim na hoodie, itim na jeans, pero wala siyang tsinelas o sapatos.

Tinitigan niya ako ng matindi.

"Si-sino k-ka?" nauutal na tanong ko sa kanya.

"Di mo talaga ako naaalala?" nagtatakang tanong niya.

I shook my head.

"Wake up!" bigla niyang sigaw sa'kin sabay labas ng baril at itinutok sa akin.

"WAKE UP!"


Nabigla akong nagising na pinagpapawisan at lumuluha na naman. Tinignan ko yung paligid ko and breathed a sigh of relief.

I was alone...

Panaginip lang yun... sabi ko sa sarili ko habang bumangon na at naghanda para sa pagpunta ko sa USIA.

Nag-suot ako ng puting tank top na panloob tapos itim na blazer, pairing it with a black pencil skirt saka heels. Inayos ko yung buhok ko at nag-apply ng daily light make up.

I looked at myself in the mirror and smiled.

'You can do this, Syph.'

'Make papa proud.' sabi ko sa sarili ko at dinampot ang susi ng aking sasakyan. Bumaba na ako papunta sa kusina, at doon ay nagluluto si Sky. He was wearing an apron and black pants, kaso nga lang, wala siyang t-shirt.

"Sky..." tawag ko at dahil sa gulat niya, pabigla siyang humarap sa'kin habang nakahawak sa spatula niya.


Napatawa ako nang unti-unti niyang ibinaba yung spatula.

"Ikaw lang pala." mahina niyang wika.

I cleared my throat and walked towards him with crossed arms.
"Ano bang niluluto mo?" tanong ko.

"Ham with cheese." maikli niyang sagot.

"Or your breakfast." dagdag niya sabay patay sa stove at tingin sa'kin.

"Akin?" naniniguradong tanong ko, sabay turo sa sarili ko.


Kumuha siya ng plato at utensils saka maayos na inilagay ang pagkain doon.
"Oo. Papunta ka ngayon sa trabaho mo diba?" tanong niya at nilapag ang plato sa counter. Tumango ako at umupo sa harapan ng counter.


"Kumain ka na. Masarap yan." ngumingiting sabi niya sa'kin.

"Eh, anong kakainin mo?" tanong ko sa kanya habang nakahawak sa kutsara ko.

His Last Chat Was GoodnightWhere stories live. Discover now