CHAPTER 36: ESCAPE

1 0 0
                                    

    Umaga na ata nang nagising ako. Nakatulog kase ako sa sobrang pagod kakakuha ng tiwala ng dalawang tauhan. Turns out, my plan went perfectly. I earned their trust. Tapos ngayon, kapag kakain ako, I will ask them to untie me tapos saka ako tatakas.



Ayon sa kanila, wala daw CCTV sa lugar na ito, kaya mas madali para sa'kin na tumakas.





Ginising ako ng dalawang bantay ko. Si Kyle na nakahawak ng tray ng pagkain at baso ng tubig tapos si Warren naman ang nag-ayos ng lamesa sa harapan ko. I looked around me and realized na wala sa kanila yung mga armas nila, bagkus ay nakalagay ang mga ito sa lamesa na nasa kaliwang gilid ng kwarto.




"Pagkain niyo daw po." Kyle politely said as he placed the tray in front of me, bago siya bumalik sa pwesto niya.


"Huy teka lang." sabi ko at tumigil silang dalawa.


"Paano ako kakain eh nakatali mga kamay ko?" maayos na tanong ko sa kanila and they untied my hands immediately.




"Pati na rin yung tiyan ko, di ako makahinga." dagdag ko at nagtinginan silang dalawa bago nila ginawa yung nais ko.



"Huwag ka pong tatakas ha? Papatayin kami ni boss Carlos." sabi ni Warren sa'kin.




"Bakit pa ako tatakas eh papalayain din naman ako?" sagot ko sa kanila. "Tsaka, masaya naman kayong kasama."-"Di kayo tulad ng demonyong matanda na yun." dagdag ko, tinutukoy si Mr. Carlos.

"Ahy teka lang. Naiihi ako. Pwede bang pumunta muna ako sa cr?" maayos na sagot ko sa kanila.




They trusted me so much, they did it right away. Nang matanggal na nila ang mga tali sa paa ko, tinulungan nila akong tumayo. Doon na ako umatake. I punched Warren at natulala lang si Kyle.




Warren grabbed me by the waist at si Kyle sa mga kamay ko. Sinipa ko si Kyle at sinuntok ang ilong ni Warren.

Pinagsusuntok ko sila till I knocked them out. 



"Sorry boys, but I had to do this." sinabi ko as I stood over their unconscious bodies.



Lumapit ako sa armas ng dalawa at kinuha yung isang rifle, buti nga may silencer yung isa. Maingat akong lumabas mula sa kwartong yun, kasama yung rifle na isa at karagdagang bala na mula sa ikalawang rifle.




Nagtaka ako kase walang masyadong nagbabantay sa kwartong kinalagyan ko. Are they still eating? Maingat akong naglakad sa hallway nang may narinig akong tawa at mga yapak na papunta sa kinaroroonan ko.




Nagtago ako sa likuran ng isang conifer plant at hinintay na makaalis sila. May dalawang lalake na papunta sa kwartong kinalagyan ko. I had to do something about it. Kapag nalaman nila na nakatakas ako agad malalaman ni Mr. Carlos na nakatakas ako. Agad niya akong ipapahanap.


Alangan naman na barilin ko mga to.



Well, you gotta do what you gotta do.


So I attacked both of them from behind. It was a piece of cake. They were easily knocked out.


  Hinahanap ko yung daan palabas nang bigla kong nakasalubong si Mr. Carlos mismo. All of us stood there, frozen and they were as confused as I am. Tumakbo ako bago pa nila maisipang umatake.


I hid behind a corner, a corner where I can see anyone chasing after me so that I can shoot them.





Papuputukan ko na sana yung unang sumunod kaso may kamay na tumakip sa bunganga ko. 



"Don't shoot. Come with me." a voice that sounded like a man whispered into my ear.



Maingat at dahan-dahan kong inayos ang rifle at in-unload para di magamit ang bala. Dahan-dahan akong umayos ng posture para maging komportable. Whoever it is, he made me face him. Nakasuot siya ng maskara, pero agad ko siyang nakilala. I know those blue eyes.




"Sky..." mababang sabi ko sa kanya at tumango siya, agreeing to what I said. Hinila niya ako sa isang kwarto at nilagyan ng barikada ang pintuan para walang sinuman ang makapasok.


He removed his mask in front of me. "Di ka ba nila sinaktan?" unang tanong niya sa'kin, eyeing me up and down.


"Hindi." sagot ko. He let out a sigh of relief at agad na umupo sa sahig upang magpahinga. I looked around us. May barikada yung pinasukan namin at siguradong kahit anong gawin ng nasa labas ay di nila ito mapapasok.





Walang bintana ang kwarto, punong-puno ito ng mga furniture, marumi rin. Parang walang nakakapasok dito nang ilang taon. Each furniture was coated with a thick layer of dust. Lumakad ako sa isang cabinet door na malinis. I was curious because it was the only thing that was clean.


I reached for the doorknob, when Sky grabbed me away from the door.


"Huy, bakit ba?" naiiritang tanong ko sa kanya.

"Huwag mo munang bubuksan yan." agad na sagot nito sa'kin.




He let me go before he went back to his spot. Ang nakakapagtaka, walang ginagawa si Sky na kahit ano. Nakaupo lang siya sa sahig, at tingin nang tingin sa cabinet door na parang may hinihintay siyang papasok dito.




"Bakit di mo ito nilagyan ng barikada?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

Hinarap niya ako. "Dahil may papasok diyan." sagot niya.

"Sino?" tanong ko ulit.

"Basta."-"Magpahinga ka nalang muna, habang hinihintay natin sila."




I couldn't stop asking questions. "Teka nga lang. Paano mo nalaman na nandito ako at sinong kasama mo?"

"Sina kuya." maikli nitong sagot.


"Kuya Jayden?"




"Kuya Jayden." he stopped and breathed deeply. "At si kuya Max." sagot niya at may biglang kumatok sa cabinet door. 3 knocks then a rest, 1 knock, rest, 2 knocks, rest, then 5 knocks. Parang pattern o code.



Tumayo kaagad si Sky at lumapit sa cabinet door. 



Pinigilan ko siya. "Teka lang. Paano kung kalaban yan?" 



Hindi niya ako hinarap o pinakinggan, agad niyang binuksan. Bumukas ito at lumabas si kuya Jayden. Kaagad niya akong niyakap.


"Pero paano?" tanong ko habang tinutukoy ang cabinet door.

"Ipapaliwanag ko nalang sayo ang lahat kapag nakaalis na tayo dito." sagot niya sa'kin at agad na may hinawakan sa tainga nito. Must be an earpiece...


"All safe, agent." sabi nito sa earpiece at mukhang may pinag-usapan kaya tumatango-tango.




He faced me again, and looked me up and down. "Saan ka kumuha ng rifle?" tanong nito, tinutukoy ang rifle na nakasabit sa'kin.


"A secret agent has her secrets." sagot ko habang hinahaplos-haplos ang rifle.




"So what's the plan?" tanong ko.


"Saka lang tayo lalabas kung sinabi na nina head agent. We will stay inside while they track down Mr. Bautista, using his own son, Max, as a bait to lure him out." pagpapaliwanag ni kuya Jayden.


"Sabi nila na huwag na huwag tayong lalabas kahit na may nagpuputukan na sa labas. We will wait for the head agents' signal." hinarap niya ako. "Kaya Persephone, don't be stubborn."


Tumango ako bilang pagsang-ayon sa nais niya.




    The plan went on. Naghintay kami sa kwarto at nanatili sa loob nito habang wala pang signal yung mga head agent na maaari na kaming lumabas. Suddenly, a loud gunshot na mukhang nanggaling sa mismong labas ng kwarto.




Tumayo kaming lahat dahil sa gulat at nagtago sa likuran ng mga furniture. Si kuya Jayden sa loob ng isang cabinet, si Sky sa ilalim ng kama na nasa gilid, at ako sa likuran ng sofa na nakatayo sa tabi ng may barikadang pintuan.



Naghintay kami at naghintay ng taong papasok pero wala. Bumalik kami sa dati naming mga pwesto. At maya-maya'y hinawakan ulit ni Jayden yung earpiece niya. 




Seryoso siyang tumingin sa'min. "It's time to move." sambit niya at sinimulang tanggalin ang mga barikada ng pintuan.




His Last Chat Was GoodnightWhere stories live. Discover now