CHAPTER 23: WAVES

10 0 0
                                    

                         ~~~~~~~~~~~~~~~
     January 4. Max's burial day.

Kahit wala silang ebidensya na patay na siya, wala rin naman kaming patunay na buhay pa siya. Sky lost hope and decided to just consider Max dead. He decided to bury him even though Max's body wasn't even found yet. Nagtaka ako kase bakit nag-desisyon si Sky ng ganto e akala ko ba mahal niya si Max. Bakit andali niyang mawalan ng pag-asa?

Umuwi akong nalulungkot at galit. Bakit siya mag-dedesisyon ng ganon? Bakit? Nagkulong ako sa kwarto ko tapos natulog nalang sa sobrang pagod. 

Pagmulat ko ng mga mata, nasa bangka na naman ako. I looked around me and all I could see was water. I was in the middle of the ocean. 

"Syph." tawag sa'kin mula sa likod ko. Tumalikod ako tapos nakita ko si Max na basang-basa. Nagkatitigan kami until he opened his arms to me. Tumakbo ako papunta sa kanya tapos sa wakas, nayakap ko siya.

"Max..." bulong ko habang umiiyak. Hindi siya umimik at niyakap niya lang ako ng mahigpit.
"You're okay." I said happily as I placed my hand on his cheek. Ngumiti lang ito.

"Bakit di ka nagsasalita?" tanong ko tapos may itinuro siya sa likuran ko. I looked back and written on the boat was one of my nightmares.

"Because, I'm dead." written with red paint

       Tumingin ako ulit kay Max pero ang tanging nakita ko ay pader. I looked around and saw walls with no windows and no doors. May nakita akong nakasulat na 'HE'S DEAD' sa likuran ko. Lumalakad ako palapit dito tapos may nasipa ako. I looked down and saw a bucket filled with soap and water tapos may sponge sa kamay ko. Kinuha ko yung bucket tapos binura yung nakasulat sa pader. Pagkatapos ko itong burahin, tumalikod ako tapos lahat ng mga pader ay nasulatan ng 'HE'S DEAD' with red paint.

Sumisigaw na naman akong nagising pero ngayon, ginising ako ni kuya Jayden. Pinagpapawisan at umiiyak.
"Are you ok?" nag-aalalang tanong niya. I shook my head. Niyakap niya ako tapos humagulgol lang ako sa pag-iyak.

Lumabas siya para kumuha ng tubig at napaisip nalang ako sa napanaginipan ko. My nightmare depicted that he's already dead, pero bakit nararamdaman ko na buhay pa siya? Takot na takot na ako.

May narinig akong katok sa bintana at pagbaling ko doon, may nakita akong lalakeng nakatalikod na unti-unting humarap sa'kin. Hindi ko siya mamukhaan pero nakita ko itong ngumiti ng dahan dahan. umigaw nalang ako sa sobrang takot at dali-daling pumasok si Jayden.

"Bakit?" tanong niya at itinuro ko yung bintana. Nang tumingin siya rito, biglang nawala yung tao doon. Nilapag niya yung tubig sa mesa na nasa tabi ko saka ako niyakap nang mahigpit.

"Mi amor..." bulong niya sa tainga ko. Tinulak ko siya tapos nang tumingin siya sa'kin, si Max yung nakita ko.

Sumisigaw ako na nagising. Basang-basa sa pawis at punong-puno ng luha but this time, I was alone. I pinched myself to make sure that this isn't another dream. Tinignan ko yung relo sa bedside table (3:26 AM). Tumayo ako tapos pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Pinuno ko ng tubig yung baso ko tapos habang umiinom ako, may narinig akong kumatok sa bintana. Walang bintana sa kusina kaya naisip ko na baka nasa sala yun.

Pumunta ako sa sala tapos pagtingin ko sa bintana, kitang-kita ko yung nakita ko sa panaginip ko. It was the same shadow-like creature. Hindi ako nakakibo sa sobrang gulat at takot nang nakita ko na dahan dahan itong ngumiti. Napasigaw ako at tumakbo papunta sa'kin si kuya Jayden.

He blocked my view from the window and hugged me tight. Suddenly, I just felt weak and out of strength, I fainted.

                   ~~~~~~~~~~~~~~
       I opened my eyes inside the middle of the ocean. I was in a boat again. 
"Gumising ka na, Persephone. Gising..." sabi ko sa sarili ko tapos nasulyapan ko yung katawan ni Max na lumulutang sa di kalayuan. Bigla kong naramdaman na bumibigat yung bangka, the next thing I know was that I was sinking. Pinapasukan ng tubig yung bangka hanggang sa lumubog ito ng tuluyan. The only thing in my mind was Max.

Ginising ako ni Sky sa isang ospital. Umiiyak ako at pinagpapawisan na naman.
"What happened?" tanong ni Sky sa'kin.
"P-p-panaginip..." nauutal kong sabi tapos niyakap ako ni Sky.

"I know you miss him." bulong niya sa tainga ko habang umiiyak lang ako sa takot.

Why are these things happening to me?

I felt waves of guilt and anger slowly drowning me and no one can save me, not even myself.

His Last Chat Was GoodnightWhere stories live. Discover now