CHAPTER 22: FLAMES

16 0 0
                                    

         Iminulat ko ang aking mga mata sa isang kagubatan. I looked around me and saw that I was surrounded with fire. Tuluyan akong natakot at nag-alala. Sa di kalayuan, may tumatawag sa'kin.

"Sino ka?" malakas na tanong ko tapos may matangkad at matikas na lalake na nagpakita sa'kin.
"Max!" masayang sagot ko tapos nginitian niya ako. Sinubukan kong lumapit sa apoy para makapunta kay Max. Nagliyab ito tapos lumaki yung apoy.

"Max!" sigaw ko sa kanya.
"Halika dito!" sigaw niya pabalik.
"Paano?" naiiyak na tanong ko.
"Walk through the flames." seryosong sagot niya
"Max, I can't." sambit ko sa kanya tapos lumayo sa apoy.
"Yes, you can." giit niya.
"Max, I'm scared." lumuluha na sabi ko sa kanya.
"Créeme. (Trust me)" wika niya.

I touched the flames but it didn't harm me, ni hindi ako napaso. I breathed and stepped out of the flames.

"Max, I did it!" I happily exclaimed with my eyes closed. Iminulat ko ang mga ito para lang makita na nag-iisa pala ako. Wala dito si Max. I looked around me at ang mga tanging nakita ko lang ay puno at damo. Walang ibang tao dito. I was alone, again...

"Max..." bulong ko tapos nagising ulit ako na lumuluha. Naupo ako sa kama na umiiyak. Bakit ba nangyayari sa'kin to?

                      ~~~~~~~~~~~~~~

      6:00 PM, maraming tao dito sa bahay ni kuya Jayden. May ilan na galing sa USIA, specifically yung mga head agent na malapit kay Jayden, kasama na doon si Sky. Yung ilan naman ay galing sa angkan ni ate Clem. Sabik na sabik silang lahat na malaman kung ano ang kasarian ng bata sa sinapupunan ni ate.

Nakatayo ako sa tabi ni ate Clem. Kinuha ko yung kahon sa tabi saka binuksan ito. May party popper sa loob nito, at kapag pink yung confetti, babae ang dinadala niya, kung asul, lalake. Iniabot ko ito kay ate Clem.

"Is it a girl or a boy?" pasigaw na tanong ni kuya. Karamihan sa mga guests, nagsabi na lalake, tapos iilan lang ang nagsasabe na babae. Isa ako sa mga hindi nag-salita at ngumiti nalang.

Pinutok ni kuya yung party popper tapos kulay asul yung confetti. Pumalakpak ako kase gustong-gusto ni Jayden magkaroon ng anak na lalake.
"You did a good job that night, Jayden!" sigaw ni H.A. Caerulus at napatawa kaming lahat. 

Kumakain na silang lahat nang naisipan kong magpahangin sa labas ng bahay. Umupo ako sa damo tapos napaisip sa mga panaginip ko nang umupo sa tabi ko si Sky.
"Anong iniisip mo?" tanong niya habang nakatingin sa kalangitan.
"Napapanaginipan mo rin ba ang kuya mo?" tanong ko sa kanya.
"Minsan." tipid na sagot niya sa'kin.
"Anong sinabi ng mga rescuers?" tanong ko ulit.
"Yun nga yung gusto kong pag-usapan." sambit ni Sky.

"Hindi nila nahanap si Max, pero wala rin naman silang ebidensya na patay na siya." wika ni Sky.
"Then they should keep searching." I said with frustration.
"It's been more than a week, Persephone. Tumigil na sila." malungkot na sabi ni Sky sa'kin.
"They already lost hope." dagdag niya.
"Pero di pwede. Kailangan nila siyang hanapin." wika ko na umiyak na sa sobrang lungkot.

Niyakap nalang ako ni Sky.
"I miss him too, Syph." bulong niya.

                           ~~~~~~~~~~~~~~~
      Pumunta ako sa agency the next day para sabihin lahat ng gusto kong mangyari.
Pagpasok ko sa meeting room, nandoon lahat ng mga head agent na nagbigay sa'kin ng misyong ito.
"What brings you here, agent Salerno?" tanong ni Head Agent Bellerose.
"About what happened to Maximillian Bautista." sagot ko.
"Why did the rescuers stopped searching?" tanong ko sa kanila.
"Because he's dead, agente." diretsong sagot sa'kin ni H.A. Amescua.
"No, he's not, head agent." sumbat ko sa kanya.
"It's been more than a week, since that accident." sabi niya sa'kin.
"They didn't find a body underwater nor on land." kalmadong wika sa'kin ni H.A. Bellerose.
"And so?" I asked angrily.

"He's dead, Agent Salerno. Face it." seryosong sabi ni H.A. Amescua.

No, he's not. I can still feel him. Buhay pa siya.

                            ~~~~~~~~~~~~~~

     A day later, I was standing at Pont Alexander III, looking over the water below me. My mind was so full of thoughts.

Max, hindi ba pinangako mo na babalik ka rin sa'kin?

Kung ganon, ba't hanggang ngayon wala ka pa rin sa tabi ko?
I miss you, Max...

Alam kong buhay ka pa, kaya please, balik ka na sa'kin.

I cried silently and just let my tears go. Hindi ko kinaya kase mahal ko yung tao. Mahal na mahal ko yung tao. Sabi niya babalik siya. Kailangan ko pa bang maghintay ulit ng labingisang taon? Pinangako niya na babalik siya... Pinangako niya... Ilang dekada pa ba ang hihintayin kong lumipas?

Tumingala ako and I wished that he'll come back. I begged the stars to bring him back to me.

Por favor...

                      ~~~~~~~~~~~~~~~
       Iminulat ko ang aking mga mata sa isang nasusunog na building. Lumakad ako sa hallway at sa kabila nandoon si Max. Nakatayo siya doon na may hawak na bulaklak. Nakangiti siya sa'kin tapos iniabot niya yung kamay niya sa'kin. Lumakad ako palapit sa kanya and the hallway got longer everytime I stepped closer. Lapit ako nang lapit kaso lumalayo naman siya.

"¡Cuidado! (Mag-ingat ka!)" sigaw niya.
"Max!!!" malungkot na sigaw ko sa kanya.

Malapit na ako ng biglang nahati ang hallway and I just started falling. Sumisigaw na ako tapos nagising na naman akong lumuluha at pinagpapawisan.

I was having nightmares, horrendous ones... At lahat nito ay tungkol kay Max. Napaiyak nalang ako.

Max, ba't mo hinahayaan na magkaganito ako???
Bakit?!

His Last Chat Was GoodnightHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin