CHAPTER 18

13 1 0
                                    

             As soon as he left, tinignan ko yung kamay ko. Dumudugo na pala kase it landed on the shards of glass I put there. Sinubukan kong hinanap yung first aid kit tapos nilagay ito sa kama.
I washed my hands in the bathroom and sat beside the first aid kit. Papahiran ko na sana ito ng alcohol nang pumasok si Sky sa kwarto ko. He rushed to me.

"Anong nangyari sa'yo?" tanong niya.
"Wala. Pabayaan mo na ako." direktang sagot ko sa kanya.
"Look, I'm sorry about what happened last night." sabi niya.

Tinitigan ko siya ng maigi and his eyes told me that he was sincere.

"Sorry kase nahalikan kita. I was stupid." dagdag niya na nakababa ang ulo.
"At least let me help you." aniya nito and held out his hand. Tinignan ko muna yung kamay niya tapos sa mata niya ulit.

"It's fine, Sky. Kaya ko na to." sabi ko sa kanya.
"Just leave me alone. Please..." dagdag ko saka tumalikod. Napansin ko kung paano siya tumayo at lumabas sa pintuan.

Nakaupo lang ako doon, naluluha sa mga nangyayari sa'kin ngayon. As I bandaged my hand, naawa ako sa sarili ko. Naawa ako kase wala na akong magawa, ni hindi ko nga mapalaya ang sarili ko e. Pabalik-balik ako sa nakaraan, no matter how much I want to move on, I can't. Ang gusto ko lang naman ay ang masagot ang mga katanungan ko, pero paano? Di na nga ako pinapakinggan ni Max.

All I want to do now is for the Earth to swallow me whole...

                         ~~~~~~~~~~~
         2 weeks passed by like a big wave submerging me right under the depths of a deep ocean and I can't do anything about it. Nasa loob lang ako ng kwarto ko, nagbabasa, o nakahiga. My life was basically bath, eat, read, sleep, and repeat. The brothers took turns in bringing me my food. Ni hindi ako kinausap ng magkapatid. Minsan nga kinakausap ko na rin ang sarili ko.

The worst part is that all my years of training went straight to the trash bin. Hindi ako makapag-isip ng plano para makatakas ako at bumalik sa Pransiya.

       Nagbabasa ako ng Harry Potter nang pumasok si Max dala-dala ang aking hapunan. 
"Max." tawag ko habang nilapag niya ang pagkain ko sa mesa.
"Kumain ka na." sabi nito sa'kin without making eye contact. Hindi ako kumibo.
"Max, please talk to me." wika ko. Lumabas lang siya.

Nasaktan ako dahil dito. Seems like history was just repeating itself. Sinasaktan na naman namin ang isa't-isa.

Why does it have to be me???

                            ~~~~~~~~~~~~~~
        Isang buwan na ang nakalipas at wala pa ring nagbago. Hindi pa rin ako kinakausap ni Max ata di rin nagpapakita si Sky. 

December 4 na at di pa rin ako nakakalabas dito. Ang gusto ko lang naman na mangyari ngayon ay ang palabasin na nila ako dito at makabalik na ako kina Jayden. I miss them so much but they don't even know that I'm still alive and that I'm held captive by the Bautista brothers. Di lang talaga ako makapaniwala na magpapasko silang naniniwala na patay na ako.

December 10: I don't feel so good. Nahihilo ako tapos nasusuka. Hinang-hina na yung katawan ko. Hirap na hirap akong pumunta sa banyo para maligo at magbihis. Tapos na yung period ko sa buwang ito ha. Nagsuot ako ng puting hoodie at gray sweatpants para maging komportable.

Humiga nalang ako sa kama, nagbabaka sakali na sana maibsan ang sakit ng katawan ko.
Ang sakit ng ulo ko... Itinaas ko yung temperatura ng aircon tapos binalot ko yung sarili ko ng kumot kase nilalamig na ako. Teka nga lang, may sakit ba ako?

And there I was, trapped, hopeless, and sick. Nasusuka ako pero sa bawat oras na pupunta ako sa banyo para sumuka, wala ring naman lumalabas at lumalalo ang sakit ng katawan ko. Minutes passed by and Max entered to give me my breakfast.

"Kumain ka na." aniya nito at inilapag ang pagkain ko sa mesa. Nang mapansin niyang di mabuti ang pakiramdam ko linapitan niya ako. He knelt down to my level and placed a hand on my forehead.

"Mainit ka." wika nito.
"Do you have fever?" tanong niya na alalang-alala na. Aba malay ko ba. Kayo kumidnap sa'kin kaya kayo rin mag-alaga sa'kin.

Lumabas siya tapos may kinausap na tauhan niya sa labas. Pagpasok ng bata nito, may dala-dala itong medisina. Inilagay niya ito sa bedside table tapos lumabas na. Inalalayan ako ni Max na umupo sa upuan.
"Kaya mo bang kumain mag-isa?" tanong ni Max na nakaluhod sa harap ko. Tumango ako tapos sinubukan kong kunin yung kutsara pero nanghihina lang talaga ako.

Kinuha ni Max ang kutsara tapos sinubuan niya ako ng pagkain. He helped me eat my breakfast and he put me back to the bed. Kinuha niya yung gamot tapos binigyan niya ako ng isang tablet. I took my medicine and laid down. Lumuhod siya ulit tapos tinignan ako ng maigi.

"Ok ka na ba?" tanong niya sa'kin. Tumango ako at tumayo na siya. Kinuha niya yung mga plato at baso tapos inilabas na ito sa kwarto ko.

Tanghali na at pumasok ulit si Max para pakainin ako. Pinainom niya ako ulit ng gamot tapos pinahiga na ako ulit sa kama.

Gabi na at hinintay ko si Max na pumasok at dalhin dito yung hapunan ko. Nilapag niya ito sa mesa at inalalayan ako ni Max na umupo sa upuan tapos pinakain ako ulit. Inalalayan ako nito sa banyo para mag-ayos. Pagkatapos ko, inalalayan ako nito papunta sa kama. Nahiga na ako at kinumutan ako ni Max. Umupo siya sa upuan na malapit sa'kin.

"Matulog ka na." sabi ni Max as he stroked my hair. Nang napansin niyang nilalamig pa rin ako lumabas si Max at bumalik na may dala-dalang jacket. Binigay niya ito sa'kin.
"Ito na lang suotin mo, masyadong manipis yang suot mo." giit niya. I took off my hoodie and wore his jacket. He was right. His jacket was warmer but not warm enough.

Nakasara na ang mata ko nang napansin kong parang may nahiga sa tabi ko. I opened my eyes and found myself staring right at his eyes.
"Ba't ka nandito?" tanong ko sa kanya.
"Nilalamig ka." tipid na sagot nito. Bigla niya akong niyakap ng mahigpit. 

"Magkakasakit ka lang." giit ko sa kanya. Hindi siya sumagot.
"Max." tawag ko ulit.

"Sinabi ni Sky ang lahat sa'kin." sabi niya.
"Na ano?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Na nasugatan ka raw sa kamay dahil sa'kin." diretsong sagot niya. Hindi ako nakapagsalita.
"I'm sorry for being a jerk, Persephone." sabi nito sa'kin.
"Sorry sa lahat lahat ng nagawa ko sa'yo." dagdag niya as he hugged me.

"Sasagutin mo na ba lahat ng mga tanong ko?" tanong ko sa kanya. He laughed softly.
"Yes, pero sa ngayon kailangan mo munang matulog." sagot niya sa'kin.
"Goodnight, Max." I said weakly.
"Buenas noches, mi amor. (Goodnight, my love.)" he replied.
"Te amo. (Mahal kita.)" dagdag niya and he kissed my forehead softly.

Te amo, Maximillian. That's just what I needed to fall asleep. I felt safe and comfortable in his arms and that's the reason why I fell asleep.

His Last Chat Was GoodnightWhere stories live. Discover now