CHAPTER 32: SAW HIM

1 0 0
                                    

        Hinabol ako ni Agent Harner kahit na nakalabas na ako ng shooting range. Sinundan niya ako kahit sa elevator. He stayed behind me, leaning over the cold metal.

"Agent Salerno. I'm sorry." sabi niya.

Hinarap ko siya saka humarap ulit sa harap ng elevator and pressed every floor from 5 to 20.

At bigla niyang hinila yung kamay ko.

"Why?" tanong ko na nakangiti.

"Let's see how long you can talk, agent Harner." sabi ko saka tumayo sa tabi niya.

Hindi naman siya nagsalita hanggang sa matapos na yung joy ride namin sa elevator. Lumapit ulit ako sa harapan at pinindot yung floor 3 kase nagugutom na'ko.

The elevator stopped at the 3rd floor and I gave him one last pitiful look.

"Eso es lo que me imaginé. (That's what I thought.)" sabi ko saka lumabas sa elevator. He was looking at the floor, already ashamed of his behavior.

Maybe next time, you shouldn't judge someone because of their gender. Whether it's a girl, boy, or a member of the lgbtq+ community.


                                  ~~~~~~~~~~~~~~~~~


                               ~MAX'S POV~
         Di ko alam kung ilang oras akong naghintay sa labas ng cafe para makita lang ulit si Syph, pero nang nasilayan ko na lumalakad siya papunta sa cafe, nakaisip ako ng maayos na paraan para magpakita sa kanya.


I hid behind a dark alley and waited for her to walk past me para mahila ko siya. Tapos bigla siyang tumigil sa tabi ko at saka inilabas ang kanyang telepono. Unti-unti akong lumapit saka hinila siya sa bewang, at isinandal siya sa pader.

Hinawakan niya ng mahigpit yung kamay ko saka pinaikot ito.

I grunted nang siniko niya yung likod ko saka pinaluhod ako sa semento.

What were you thinking, Max?

She's an agent...

"Tama na." mahinang sambit ko sa kanya.

"Sino ka at bakit mo ito ginagawa?" seryosong tanong niya.


        Hindi ako nagsalita at nanatiling nakaluhod sa semento. Lumipat siya sa harapan ko habang hawak-hawak pa rin yung mga kamay ko at tinanggal ang hood ng jacket ko.

Para siyang nakakita ng multo nang masilayan ang aking mukha. Dali-dali siyang tumayo saka lumayo sa'kin as she covered her mouth with her hands.

Unti-unti akong lumapit sa kanya.

"Mi amor." sabi ko nang sinubukan ko siyang yakapin.

Imbes na yakapin niya ako pabalik, itinulak niya lang ako at tinutukan ng baril. Lumuhod ako sa semento with my hands up.

"Syph, ako to." pagmamakaawa ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot bagkus ay tinitigan lang ako at tinutukan ng baril.

"Ibaba mo na yan, Syph."
"Syph, si Max to. Di mo ba ako naaalala?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

She shook her head.

Teka nga lang. Ano?! Di ba niya ako naaalala?

"Are you joking? Because this isn't funny." wika ko sa kanya.

"Who are you and why are you doing this to me?" seryosong tanong niya.

"Put the gun down." kalmadong sabi ko sa kanya.

"Answer my question first!" pasigaw na sumbat niya sa'kin.

Di ako nakasagot sa sumbat niyang ito. I was aghast due to her response. Talagang di niya ako naaalala.

"No one." malungkot na sagot ko saka lumakad na palayo sa kanya.

I can't believe that she can't remember me. I don't know whether it was a joke or that she really forgot about me. Di ako makapaniwala na lumipad ako patungo rito para magpakita sa kanya pero di niya ako maalala. 

I was the one who donated blood for her, yet she couldn't remember me...

Pangako ko sayo, Syph, ipapaalala ko kung sino ako, ipapaalala ko sayo lahat ng pinagdaanan natin, and I will get you back, mi amor...


                                ~SYPH'S POV~
        Tinitigan ko kung paano siya lumakad palayo with his hood on. Nang makalayo na siya ng lubusan, ibinulsa ko ulit ang baril ko at pumasok sa cafe para bumili ng kape at waffles.

Naupo ako at napaisip sa kung ano ang nangyari kanina. 

A random stranger just decided to pull me into a dark alley...

Pero di lang siya basta-bastang estranghero. Nang tinanggal ko ang hood niya, kamukhang-kamukha niya ang lalake sa mga panaginip ko. They had the same eyes, ilong, buhok, at bibig. And the creepy thing was that he called me mi amor. Just like how the man in my dreams called me.

Magkaboses rin sila at pati katawan ay kuhang-kuha. Siya kaya yun?

Pero bakit niya tinanong kung naaalala ko siya?

When I saw him kanina, naramdaman ko na parang kilalang-kilala ko siya, naramdaman ko yung pagbilis ng tibok ng puso ko, naramdaman ko na parang malapit siya sa'kin, at sobrang gaan ang loob ko sa kanya.

Who is he??


"Ma'am..."
"Ma'am..." tawag sa'kin ng isang babaeng waitress sa cafe.

Tinignan ko siya at napansin ko na nasa kanya yung in-order ko.

"Here's your order, ma'am." nakangiting wika niya at nilapag ang pagkain ko sa table.
"Merci. (Thank you)" sagot ko sa kanya at lumakad na siya palayo.

Hindi ko talaga maiwasang isipin ang lalake kanina. Hindi maipagkakaila na kamukhang-kamukha niya ang lalake na nasa isip ko nang ilang gabi. Parang siya na rin e... Siyang-siya...

His Last Chat Was GoodnightWhere stories live. Discover now