CHAPTER 24: BLOOD

12 0 0
                                    

January 15...

          Another day in my not-so-normal life. Nakatingin ako sa bintana ng hospital room, pinapanuod ang ulan habang nakaupo sa aking kama. Ang tanging nasa isip ko ay kung bakit ito nangyayari sa'kin. Months ago, I was still fine and working on my mission, tapos ngayon, di ko na alam kung ano ang nangyayari sa'kin. I was having terrible nightmares about Max. Bumabalik ako sa araw ng aksidente, sa araw na nawala ulit si Max sa'kin. 10 araw na akong nandito sa ospital at di pa rin nawawala yung mga bangungot ko.

Minsan, nagigising nalang ako na nakasakay sa isang bangka na lumulubog, sa isang kwarto na walang bintana at pintuan, o napapanaginipan ko kung ano ang nangyari sa araw na yun. Nagigising nalang akong pinagpapawisan at umiiyak, o kaya sa isang bangungot na naman. Kahit gaano ko ka-gusto na kalimutan ang nangyari ay di ko magawa kase kahit papaano, magkakaroon na naman ako ng bangungot.

Sa lalim ng isipan ko, di ko namalayan na may pumasok sa kwarto. Pumasok si kuya Jayden na may dala-dalang tray ng pagkain. Nilapag niya ito sa mesa na malapit lang sa kama ko saka umupo.

"Ok ka lang ba?" mahinahon na tanong niya. I nodded without looking at him. Tumango siya at inilapit sa'kin ang lamesa. Wala akong ganang kumain pero kumain nalang ako para di mag-alala si kuya.

"Nakasimangot ka na naman." ika niya. I sighed tapos tumingin ako sa kanya. He hugged me tight.
"Huwag kang mag-alala, nandito palagi si kuya." sabi niya sa'kin.
"Alam mong di kita iiwan kaya ngiti ka na." dagdag niya.

11:54 AM...

         Pumasok si kuya Jayden dala-dala yung pananghalian ko. Nilapag niya ito sa mesa at inilapit ito sa'kin.
"Ok ka lang ba?" tanong niya at tumango ako.
"Sigurado ka ba?" tanong niya ulit at tumango ulit ako sabay ngiti.

2:48 PM...

        Dinalhan ako ni kuya Jayden ng mga bagong libro para malibang ako. It was entitled "Kalimutan ka" and it was about a man and a woman who fell inlove and eventually hurt each other because the woman was toxic. Oo, mahal na mahal ng babae yung lalake kaso mali lang ang pagpapakita niya rito. Pagkatapos nilang maghiwalay napagtanto ng babae na mali pala yung mga ginawa niya sa lalake during their relationship. She tried to get him back but she saw that the man was already happy with his new girl. Nasaktan siya at nagsisisi sa kung paano niya itrato ang lalake. She vowed to herself to forget him and move on. But it turns out that the new bitch cheated on him. Gustong-gusto ng babae na balikan yung lalake pero hinayaan nalang niya ito kase natatakot siya na baka masaktan niya lang ulit ito.

Sinubukan niya itong kalimutan. She dated other guys to find new love pero sinaktan lang siya ng mga ito. The first one was nice pero naging abusive siya. The second one kept on cheating on her with other bitches. The third one was too possessive. The fourth one only wanted to take advantage on her. The fifth one didn't even love her at all. 

Napagod at na-stress yung babae she decided to take her own life. Pumunta siya sa isang tulay, nagbabalak na tumalon at lunurin ang sarili. Doon siya pinigilan ng lalake. The woman was so hopeless that she didn't listen to his words and jumped off the bridge. Sinundan siya ng lalake at niligtas niya ang babae. Inalagaan niya ang babae hanggang sa magising ito. Sinabi ng babae lahat ng gusto niyang sabihin sa lalake. Tinanong ng lalake kung bakit hindi niya siya binalikan and the woman answered "I don't wanna hurt you again."

They sorted it out and tried it again. This time, their relationship was healthier than ever.

6:25 PM...

       Dinalhan ako ni Jayden ng hapunan. Nilapag niya ito sa mesa saka inilapit sa'kin. Iniabot ko sa kanya yung libro tapos tinignan niya ako.
"Tapos mo na?" gulat na tanong nito at tumango ako.

His Last Chat Was GoodnightWhere stories live. Discover now