"Leanne, nandiyan na si manong..." sabi ko sa kanya kaya napalingon rin ito. Huminto sa harapan naming ang sasakyan nila at agad namang sumakay si Leanne.

"Bye.. Sariah, ingat ka.. tawagan mo ako kaagad kapag wala kang masakyan, okay?" sambit nito at tumango ako.

"Okay, bye.. ingat rin.. Bye Manong!" nakangiti kong sabi at nakangiting tumango sa akin si manong at umalis na rin sila.

Napabuntong-hininga ako at tuluyan na akong lumabas sa parking at naglakad na papalabas ng gate.

Nang makalabas na ako ay Nakita kong puno na lahat 'yong mga nakaparadang trycle sa labas ng gate at yong iba ay nagsisimula nang umalis dahil puno na ang kanilang trycle ng mga estudyante. Maghihintay na naman ako nito at wala akong magagawa kundi maghintay na may dumating na trycle. Naisipan ko munang umupo sa bakanteng upuan habang naghihintay at Nakita ako ni Luis, kaklase ko rin. Nakita kong papalapit ito sa akin.

"Sariah, kanina ka pa ba dito?" nakangiti nitong sabi.

"Kararating ko lang din dito, ikaw? Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko sa kanya.

"Uuwi na ako, pupunta ako don sa may kanto dahil 'don naghihintay si manong."

"Ah.. okay.." nakangiti kong sabi.

"Wait.. sumabay ka nalang sa akin since, madadaanan naman yong street niyo sa amin." Sabi nito at agad naman akong umiling.

"Hindi na, maghihintay na lang ako dito, okay lang ako dito." Nakangiti kong sabi at nagulat ako ng hawakan nito ang aking kamay at naramdaman kong uminit ang pisngi ko. Tila hindi naman pinansin ni Luis yong pagkakailang ko sa kamay niya.

"No, ihahatid na kita... Tara na.." at hinila niya ako pero tumigil ako.

"Wag na, okay---"

"Sariah!" naputol ang sasabihin ko ng may tumawag sa akin at sabay kaming lumingon sa taong tumawag sa akin. Nanlaki ang mata ko ng makitang si Grayson ito at agad ko namang binawi ang kamay ko kay Luis.

"Good afternoon, Sir." Sambit ni Luis at napansin kong tila kinakabahan ito.

"Good afternoon," sabi ni Grayson at parang may kakaiba sa mukha nito kaya humarap ako kay Luis.

"I'm sorry Luis, m-may gagawin pa kasi ako kaya mauna kanang umuwi." Nag aalangan kong sabi at ngumiti ito sa akin.

"Okay, bye Sariah.." pag papaalam nito at pagkatapos ay lumingon ito kay Grayson. "Bye, Sir Grayson..." pagpapaalam nito kay Grayson at umalis na.

"Let's go," Malamig na sambit nito kaya wala na akong nagawa kundi sumunod na lamang sa kanya. Nang makarating kami sa sasakyan niya ay pinagbuksan niya ako ng pintuan pero bago ako pumasok ay tiningnan ko muna siya.

"G-Grayson..." pero hindi niya ako pinansin at malamig pa rin ang pakikitungo niya sa akin kaya napabuntong hininga na lamang ako.

Pumasok na ako sa kanyang sasakyan at agad rin naman niya itong sinara at pumasok na rin ito. Lumingon ako sa kanya ng mapansing iba ang rutang dinadaanan namin.

"G-Grayson.. Akala ko ba ihahatid mo na ako?" Tanong ko sa kanya at napasimangot ako ng hindi manlang ako nito pinansin.

Nang makarating na kami sa parking lot ng condo niya ay agad itong lumabas at hindi manlang ako hinintay kaya hinabol ko siya.

"Grayson! Galit ka ba sakin?" Tanong ko sa kanya pero nanatili lamang itong malamig ang tingin kaya hinila ko ang damit niya.

"Are you mad at me?"

"No" Malamig nitong sabi pero hindi ako naniniwala dahil sa mga ikinikilos niya.

Nasasaktan rin ako dahil pakiramdam ko may nagawa akong ikinagagagalit niya at ayokong galit sa akin si Grayson. Malungkot akong sumunod sa kanya hanggang sa makapasok na kami sa condo niya. Huminto ako sa may pintuan upang magpaalam nalang sa kanya, hindi niya naman ako pinapansin kaya uuwi nalang ako at baka mapaiyak pa ako sa Harap niya.

Nagulat ako ng bigla niya akong isinandal sa pintuan at parang nahihirapan akong huminga ng makitang ang lapit ng mukha niya sa akin. Dama ko na rin ang dibdib niya sa akin kaya uminit ang pisngi ko sa nangyari.

"G-Grayson... " Mahina kong sabi at hindi ko mapigilang mapalunok dahil sa kaba.

"Sino ang lalaking 'yon? " Malamig nitong sabi.

"Si Luis, he's my classmate... " Nakatitig kong sabi sa kanya.

"You like him? " Sambit nito na nagpatawa sa akin. Ito ba ang rason kaya galit ito sa akin at hindi ako pinapansin. Napakaseloso naman niya pero hindi ko mapigilang makilig sa isiping nag seselos talaga ito.

"What? So, you really like him huh.. " Naiinis nitong sabi kaya napangiti ako sa kanya.

"Ano ka ba Grayson, Hindi ko siya gusto okay? But I like him as---" Naputol ang sasabihin ko ng mas lalong lumapit siya sa akin.

"So, it's true?! " Galit nitong sabi.

"Wait.. I like him as a friend, okay? Kaya wag ka nang magalit." Nakita kong huminahon ito kaya medyo inilayo ko siya sa akin dahil nahihirapan na akong huminga dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa pero hindi pa naman siya nakakalayo nang bigla akong napakapit sa kanya ng hinila niya ako papalapit sa kanya at namula ang pisngi ko ng makitang ang lapit ng mukha niya sa akin.

"You know how possessive I am Sariah.. And now, you are mine.. Only mine.. " Namula ang pisngi ko ng marinig yon at napapikit ako ng hinalikan niya ako sa labi. Napangiti ako at hindi ako makapaniwalang yong pangarap ko noon ay natupad na ngayon. Ito na yata ang pinakamasayang araw na hindi ko makakalimutan.

Napakapit ako sa likod niya ng mapangahas itong humahalik sa akin na tila gigil na gigil ito sa akin pero naramdaman ko pa ring maingat pa rin niya akong hinahalikan at na adik na rin yata ako sa labi niya dahil pati ako ay ayaw ko na ring itigil ito.

"Y-you.. are mine Sariah... " Bulong nito at itinigil na nito ang paghalik sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit.

"Yes, I'm all yours... " Nakangiti kong sabi.

The Possesive Man (Del Faurico Series#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon