It was Sid. I can't deny the fact that I can see the happiness and contentment on their faces. Iyon nga lang, hindi ako sanay sa mga inaasal nila. Sinong magsasabing ma-i-in love nang todo si Micaller? Parang kailan lang nagpapadamihan pa kami ng mga babae.

"Your wife's pain will be the thrice the pain that you will feel. In other words, you cannot bear to see her in pain," Sid added.

I suddenly imagined Safina's face. The sight of her crying suddenly ripped my heart off. Parang makakapatay ako kapag nangyari 'yon.

"Pero hindi ka man lang ba nagtataka? Parang ang bilis namang maging kayo ni Miss Dimaunahan. Kailan mo lang siya nakilala, 'di ba?"

Napatingin ako kay Dela Vega. Natigilan ako pero agad ko ring nilagok ang alak sa basong hawak ko.

"It's been more than a month. Ano'ng masama ro'n? Kailangan bang isang taon ko muna siyang liligawan bago maging kami?" I responded sarcastically. Kung makapagsalita si Dela Vega, unang beses pa nga lang niyang nakilala si Serenity dati pero binakuran na niya agad.

"Wala naman. Welcome to the club, Madrigal. We're happy for you."

I raised a middle finger to Dela Vega which he mocked.

"Soon, you will realize what we are talking about. Lalo na kapag nagkaanak ka na."

I breathed heavily when I remembered Sid rushing to Montreal. Umiyak kasi ang panganay niya dahil may nag-dislike ng Vlog niya na nilagay sa internet. Buti na lang nagawan ng paraan ni Montreal na matanggal ang dislike button.

Imagining Safina carrying my child gives me an overwhelming feeling. I can't wait to get her pregnant. Damn it!

"I heard your dad's been reaching out to you. Wala ka bang balak makipag-ayos sa ama mo?" Sid suddenly asked. Nagtagis ang aking bagang.

"We have already talked about that multiple times. Hindi pa ba kayon nagsasawang marinig ang sagot ko? I still respect him a little that's why I am not changing my surname."

"Tsk! Kahit magpalit ka pa ng apelyido, hindi mo mapapalitan ang dugong nananalaytay sa mga ugat mo, Elliot. Isa ka pa ring Madrigal."

I grimaced. Isang sumpa ang maging isang Madrigal.

"Bakit mo ba tinitiis hanggang ngayon ang tatay mo? Hindi ka ba natutuwa na siya na mismo ang lumalapit sa 'yo?" Si Micaller. Kung makatanong akala mo naman hindi niya alam ang pinagdaanan ko.

"Lumalapit lang siya ngayon dahil alam niyang may sarili na akong pangalan. He knows I can be useful for him. He wanted me to take care of his riches. Siguro naisip niya nang tumatanda na siya at hindi niya madadala sa kabilang buhay ang kayamanan niya."

Dela Vega smirked at my remarks. Wala akong balak magmana ng kayamanan ng aking ama. Kahit ano'ng gawin niya hindi na maibabalik ang dating pagtingin ko sa kanya. He can spend all his riches to nothing, for all I care. Kaya kong mamuhay nang wala ang kayamanan niya. At sisiguraduhin kong hindi dadanasin ng magiging anak ko ang ipinadanas niya sa akin.

"Iyan ang hirap sa 'yo, Madrigal. Ang tagal mong mag-move on. Ano'ng petsa na hindi ka pa rin tapos magalit sa tatay mo? What if Safina will do the same to you? Habang buhay mo rin ba siyang kamuhian?"

That caught me off guard. Bigla akong kinabahan sa tanong ni Montreal.

No, hindi ako kayang saktan ni Safina. At gano'n din ako sa kanya. At wala naman siyang rason para saktan ako, dahil gagawin ko ang lahat para sumaya siya sa 'kin.

The hell? Saan nanggaling 'yon? Did I just say that in my mind? Nahahawaan na ba ako ng tatlong itlog na mga kasama ko?

"We declined his offer to invest in Zero Degree in favour of you, Madrigal. Pero hindi mo ba naisip na malaking kawalan sa atin na tinanggihan natin siya? He's a big catch to our business," Sid suggested. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Zero Degree will expand without the help of my father, Dela Vega. Besides, malapit ko nang mapapayag ang matandang Mijares na mag-invest sa atin. He's a bigger catch compared to my father."

Ang tinutukoy ko ay ang business tycoon na si Skeet Alvan Mijares. Marami silang negosyo na nagkalat sa buong Pilipinas kaya alam kong malaki ang magiging tulong niya para mapalago namin ang Zero Degree. Ang alam ko'y ang mga anak na niya ang namamahala sa kanilang negosyo buhat nang pumanaw ang kanyang amang si Stanley Drew Mijares, pero mayroon pa rin siyang role sa board kaya hindi gano'n kadaling makuha ang kanilang panig.

"Sa tingin mo ba mapapayag mo sila? You know how influential their family is."

Ngumisi lang si Montreal saka tumingin sa ibaba. Kasalakuyang kumakanta ang bandang inarkilahan ng manager.

"Bakit kasi ayaw mong gamitin ang koneksyon mo, Montreal? 'Di ba kaibigan mo 'yong kapatid niya? 'Yong may-ari ng detective agency?"

Montreal shook his head. "You're the CEO, Madrigal. Ikaw ang gumawa ng paraan."

Napakuyom ako. Minsan talaga itong si Montreal ang hirap basahin ng utak. Minsan mabait, minsan masungit, madalas baliw. Tss. May mga bagay na makukuha naman sa madaling paraan pero papahirapan ka pa.

"Do not always rely on connections, Madrigal. Work hard for something that you want the most. Only then you will realize that you deserve your successes," he commented. Napamura ako sa aking isipan

"But you can—"

Sabay-sabay kaming natigilan nang biglang nagkagulo sa baba. Agad na nagsilapitan ang mga bouncer saka inawat ang nanggugulo. Napatigil din sa pagkanta ang singer sa stage.

"The hell? Is that Beatrice?"

I froze.

"Get off me! You jinx!" she shouted. She almost lost her balance and fell off the floor. Mabuti na lang at nasalo ng kasama niya.

"I wanna see Elliot! Ipakita n'yo siya sa 'kin!"

Nagkatiginan kaming apat at sabay-sabay na napamura.

©GREATFAIRY

Hopelessly Devoted to YouWhere stories live. Discover now