Chapter 77

123 9 0
                                    


ZAIN'S POV

Parang tanga at excited akong nakatayo habang hinahanda ang sarili. Hindi ko kasi alam kung seyoso ba si Shitzu sa binigay niyang address sa akin. Ngayon ang date namin at kanina pa man ay hindi na ako makapaghintay na makita at maka-date siya.

Panay ang basa ko sa huling text message niya sa akin five minutes ago. Sinisigurado kong tama ang basa ko sa address. Dahil hindi parin ako sigurado kung mag do-doorbell ako ay pinili ko nalang na tawagan ang number ni Shitzu. Nagpasalamat akong sumagot kaagad siya.

"Hello?"

"Parang tanga, pasok ka na." mahihimigan ang nababagot at malamig na boses niya. Sa isip ko ay baka kanina niya pa ako hinihintay. At tama nga ang address na napuntahan ko.

Nang itulak ko ang gate ay bukas iyon. Napailing nalang ako. Malapit lang ang gate sa bahay, bilang lang ang hakbang ko at narating ko na ang porch. Kakatok na sana ako nang may nag bukas niyon at nakita ko ang mukha ni Kate. Diretsong nakangiti sa akin.

"Halika, pasok." nakangiti paring sabi niya at sumenyas sa aking pumasok na ako. Sumunod naman ako papasok. Kahit nawiwirduhan ako sa kanya ay hindi ko nalang pinahalata.

"Nasaan pala si, Shitzu?" hindi na makapaghintay na tanong ko.

Lumingon sa akin si Kate at sinuyod ang kabuuan ko. Alanganin ko siyang tinignan, maya-maya pa ay umiling siya at mahinang natawa.

"Bihis na bihis ka ah!" aniya saka muling natawa. "Sabagay, maporma ka naman talaga...kung wala lang talagang nanliligaw sa akin ngayon eh, siguro crush na kita. Hehe." parang timang na dagdag niya.

"You're wierd." nasabi ko at mahina siyang inilingan. Tawa lang ang sagot niya, sa halip ay pinahintay niya lang ako sa sala. Tatawagin niya daw si Shitzu sa loob.

Maya-maya pa ay narinig ko na ang boses ni Kate. Napakatinis at maysadong energetic. Tumayo ako at handang salubungin si Shitzu ang magandang ngiti. Ngunit mabilis iyong nawala nang makita kong naka sando at maikling short si Shitzu. Hindi pa nakabihis at mukhang walang planong makipag-date sa akin.

Nakalimutan niya ng may date kami?

"Oh?" sabi niya na para bang walang rason kung bakit ako pumunta. Tch.

"Bakit hindi ka pa nakabihis?" pinigilan kong maging masungit ang boses ko. Naiinis na naman ako sa kanya.

"Hindi ako naka borles." pilosopong aniya. Nang mapansin niyang sumeryoso ang mukha ko ay bigla din siyang sumeryoso. "Binibiro lang kita... magbibihis na ako." sabi niya at kumindat sa akin.

Parang nawala kaagad ang inis ko at napalitan ng kilig. Weird as fuck, but really, iyon ang naramdaman ko.

Hindi nagtagal ay bumaba na si Shitzu kasama yung kaibigan niyang kengkoy. Ilang months ko ng nakikita itong kaibigan niya pero ngayon ko lang napansin na kamukha niya si Starfire sa Teen Titans. Ewan.

"Naks naman! Parang chaperone ka lang ni Zain!" malakas na sabi ni Kate kay Shitzu.

Umirap lang si Shitzu at lumapit sa akin. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya. Hindi parin nagbabago ang panlasa niya sa damit. Kahit medyo pormal na ngayon ay naglalaro parin sa puti at brown ang kulay ng damit niya. Mukhang walang makakpagbago sa gusto niya.

"Ay nako! Magsilayas na nga kayo!" biglang pagtataboy sa amin ni Kate. Nagkatinginan kami ni Shitzu at sabay na natawa. Talagang napansin ko kung gaano siya kaganda.

Sabay kaming lumabas ni Shitzu sa bahay. Pinagbuksan ko siya ng pinto kasunod ng pagsakay ko sa drivers seat. Hindi ko alam kung gaanong nagpasaya sa akin ang ideyang unang beses itong ni Shitzu na sumakay sa kotse ko. Sumulyap ako sa kanya na ngayon ay diretso ang tingin sa harap, hindi ko namamalayang nakatitig na pala ako sa kanya.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon