Chapter 32

229 9 1
                                    

KAZE'S POV

"Hoy! Kanina ka pa nakangiti ah?!" Tanong ni Kate nang marating namin ang arts department.

Nang hindi ko siya sinagot ay hinigit niya ang jacket ko.

"Tsk!" Reklamo ko nang dahil kalahati nalang ang natatakpan ng jacket ko dahil sa kahihigit ni Kate.

=___=

"Bakit ka kasi nakangiti?! Kanina ka pa doon sa canteen! May nakain ka bang panis?!" Kuda niya pa.

"Wala. Nang inamoy ko iyong pagkain ay mukhang ayos pa naman." Sagot ko. Umirap siya at inikutan ako ng mata.

"Tss. Bakit nga?!" Pagpupumilit niya pa.

"Natawa ako kay Bulldog." Usal ko. Nangunot ang noo niya.

"Ha? Bakit naman?"

"Nakakatawa siya eh." Sagot ko.

Mas bumilog lalo ang ikot ng mata niya. Tss. Ba't niya ba iyon ginagawa?

Pumasok ako sa loob ng room at nakitang naroon na si Reesy. Naka-upo sa pwesto ko. Tss. May numero naman ang mga upuan ah? Hindi ba siya marunong magbasa?

Sa halip na pagtuunan siya ng pansin ay umupo ako sa pinaka likod na upuan. Nagsimula na ang second round. Ang napiling subject namin ay mukha ng babae. Kumpleto ako sa gamit kaya hindi ako mahihirapang gumuhit. Kami na ang bahala kung anong type o techniques ang gagamitin namin. Ang ginamit ko ay mga matitingkad na kulay. Iyong pang retro aesthetic. Pinuno ko iyon sa bawat espasyo ng mukha. Maging ang buhok. Dinagdag ko ang talento ko sa pagguhit ng 3D. Iyong aangat talaga ang color, value at texture.

Mahigit isa't kalahating oras ang tinagal ng pagguhit ko. Dinisplay na nila ang mga gawa nila at sumunod ako.

Naagaw ni Reesy ang atensyon ko nang pumwesto siya mismo sa harap ko. Dahilan upang maharangan ang dadaanan ko.

"May I see your work?" Tanong niya.

Sa isip ko'y ididisplay parin naman 'to.

Hindi ako sumagot at dirediretsong inilagay ang gawa ko sa harap.

Mukhang nagulat siya nang dumapo ang mata niya doon.

"Wow! Shet! Ang ganda!"

"Mukhang totoo no?"

Malamang. 3D nga eh.

"Shht! Maganda din naman yung sa atin."

Marami pa akong naririnig na mga bulungan nila. Ang iba ay ang guhit ko ang tinutukoy, ang iba naman ay hindi ko alam kung ano at sino.

Na announce na ang winner sa dalawang level.  Nang kami na ay pumunta kami sa harap at ipinakita sa lahat ang kani-kaniyang gawa namin.

"Good luck." Bulong sa akin ni Reesy.

"I picked those works na walang katulad. Not in the style, color or texture. I want those works na mafe-feel mo yung ipinapahiwatig. Yung eye catching parin kahit black ink lang ang ginamit. Sa first round, I've seen those artists na malakas talaga ang dating ng gawa nila. So congratulations to...entry number!!!
26!" Anunsyo ni ma'am Rhoanne.

Nakatingin pa ako sa harap ng bigla akong matauhan.
Numero ko ang tinawag. Nakita ko si Kate sa labas na nakangiti.

"Congrats Kaze!" Bati ni ma'am. Ngumiti ako sa kaniya. Nahagip ng mata ko si Reesy na padabog na lumabas ng room.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now