Chapter 49

144 8 0
                                    

ZAIN'S POV

Hanggang sa dumating kami sa bahay ay panay ang salita ni Zardi. Gusto ko mang hindi na marinig ang ano pang mga sasabihin niya ay narito siya at sinundan ako hanggang sa kwarto. Inis ko siyang tinignan, nauwi iyon sa masamang tingin na nilaban niya ng buong tapang.

"What the hell?" naiinis na talagang singhal ko sa kanya. Hindi man lang nagbago ang tingin niya sa akin. Namulsa siya sa harap ko at bahagyang lumapit sa akin.

"Tell me kuya. You like her?" pauli-ulit niya iyong sinasabi. Nakamot ko ang batok at marahas na bumuntong hininga. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Hindi nalang ako sumagot at umupo sa gilid ng kama. Nanatili siyang nakatayo at seryosong nakatitig sa akin.

"Tss. You like her, do you?" muli pa siyang nagsalita.

"Hindi nga! Bakit ba?" sa hindi alam na dahilan ay parang may kakaiba akong narmdaman ng sabihin ko iyon. Ayaw maniwala ng sarili ko sa sinabi. Salungat sa sinasabi ng isip ko.

Is it really possible? How?

Kahit ako ay nababaliw na. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa akin. Sa tuwing tinatanong ako ni Zardi kung may gusto ako kay Shitzu ay hindi ako makasagot ng diretso sa kanya. Kung paano akong magrereact! Tsk!

"I don't believe you. I saw how you look at her! Hindi lang ako ang nakakakita. Marami!" nagtaas siya ng boses. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nang magsalubong ang mata namin ay hindi ko inaasahang mag-iwas ng tingin. Hindi ko alam kung paano ko tignan ang Shitzu na yon. Palagi nalang niya akong pinag-iisip ng husto! Is it really possible to tell that you like someone by just looking at her? Sabagay, if I don't like her, hindi ko naman siya titignan. What?! What am I talking about? Tss.

Alam kong gusto ni Zardi si Shitzu. Kaya ganyan nalang siya kung mag react. He must be jealous.

"Tss. Go to your room." nauubusan na ng pasensyang sabi ko. Hindi ko na siya nilingon at nagkunwari akong abala sa pagkuha ng gamit sa walk-in closet.

Narinig ko pa siyang bumuntong hininga. Hindi ko na siya nilingon at ang narinig ko nalang ay ang pagsara ng pinto. Doon lang ako nakahinga ng maluwag.

Kanina ay hindi ako makapag-isip ng maayos. Hindi ko alam kung anong mararamdaman o sasabihin. Sapo ko ang ulo nang maupo ako sa gilid ng kama. Hindi na yata maalis sa isip ko ang ang sinasabi ni Zardi. Alam ko mismo sa sarili ko na mayroong nagtatalo sa damdamin ko sa tuwing sasabihin kong wala akong gusto sa kanya.

Tsk! Hindi ko alam kung meron o wala talaga! Posibleng meron at imposibleng wala! Basta yon! Ang hirap i-explain. Tsk!

Sa sobrang pag-iisip sa nararamdaman ko ay itinulog ko nalang ng maaga. Sumapit ang dinner ngunit hindi ako lumabas ng kwarto. Ilang beses pa akong pinilit ni mommy ngunit ayoko talagang lumabas.

Kanina pa ako nakahiga dito sa kama ay napagdesisyunan kong maglaro ng computer games. Inaasahan kong mawawala na sa isip ko ang sinabi ni Zardi, nawala nga iyon ngunit ang pumalit naman sa isip ko ang mukha ni Shitzu!

Ilang beses kong ginustong mawala yon sa isip ko. Pero hanggang ngayon ay nakikita ko parin ang mukha niya. Tsk!

This is damn bad!

Nilakasan ko pa ang volume ng nilalaro ko para ma-distract talaga ako. Hindi nagtagal ay sumagi na naman sa isip ko ang mukha ni Shitzu. Inis kong tinanggal ang headphones saka ito basta nalang hinagis sa mesa.

Patihaya kong binagsak ang katawan sa kama at napatitig nalang sa ceiling. Kahit kailan ay pinag-iisip talaga ako ng Shitzu na yon. Simula noong una ko siyang makita. Tss. Pati ba naman ngayon. Hindi nalang tantanan ang isip ko, tsk!

BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now