Chapter 10

482 27 0
                                    

ZAIN'S POV

Puta! Ako? At ang ugok na yon gagawa ng report? Na magkasama? No way!!!
Kahit kanina pa ang uwian ay nanatili parin akong naka tanga dito sa parking lot, kakaisip kung anong mangyayare samin. I mean...ayoko siyang makasama.

Ugok kasi at ginaon ang guro!

Sa sobrang inis ko sa isiping gagawa kami ng report na magkasama ay hindi na ako nakapag-paalam sa mga kaibigan ko. Basta nalang akong nagdrive pauwi.

Pagdating ko sa bahay ay bumungad kaagad sakin si Mommy. May matamis na ngiti sa mga labi niya.

"Anak.. how's your day?" Malambing niyang tugon sabay halik sa ulo ko.

"Ayos lang Mom.." nginitian ko siya...anong ayos? Eh nakasama ko yung ugok...ayos ba yon? Napilitan lang sigurong ayusin. Sinong hindi maiinis kung ganong mukha ang lagi mong nakikita sa school! Tsk!

"That's good...keep up the good work."

"Of course mom." nalang ang nasagot ko. Napansin kong nasa mesa na sina Dad.

"Let's eat, I prepared your favorite."

"Mamaya nalang siguro mom, may gagawin pa ako eh."

Nanlumo kaagad si mom, halata sa mukha niya na nalungkot siya. Kahit anong pilit ko sa sarili ay wala akong ganang kumain.

"Okay, are you okay Zain?" pahabol niya ng umakyat ako sa hagdan.

"Yeah. Ayos lang ako." pinilit ko nalang ngumiti. Kahit sa loob ko ay naiinis ako. Hindi ko alam, dahil siguro sa babaeng yon.

Umakyat na ako sa kwarto. Maya-maya pa ay nag-ring ang cellphone ko. Nang tignan ko ang screen ay si Nathan ang tumatawang.

"Oh?"

"Bar tayo, manlilibre daw si Luke."

"Oh sige, anong oras ba?"

"Kahit ngayon na, ano?"

"Okay." iyon lang at binaba ko na ang tawag. Pumasok na ako ng banyo at mabilis na naligo. Kaagad akong lumabas ng kwarto, bumungad sa akin si mom pagbaba ko.

"May pupuntahan ka nak?"

"Oo mom, sorry ah, wala kasi akong gana." ngumiti ako kay mom saka lumabas ng bahay.

Hindi ko rin alam kung bakit bigla akong nawala sa mood. Sumakay ako sa kotse ay nagmaneho patungo sa bar. Isang bar lang naman ang lagi naminv pinupuntahan. Kaya hindi ako nagtatanong sakaling may mag-ayang gangmate ko.

********

Lodia's Bar

Mabilis kong pinarada ang kotse sa pinaka dulong bahagi ng parking lot. Dito kami tumatambay palagi ng Headhunters. Sikat ang bar na ito, may mga branch na sila sa Europe. Kaunti lang ang nakakapunta dito dahil bukod sa mahal ang inumin ay hindi ito ganoon kalaki. Walang dance floor kundi ay stage para sa kakanta. Naglakad ako papasok at halatang natigilan ang mga babaeng nasa malapit na table.

Unakyat ako sa second floor kung saan naroon ang VIP rooms. Tumigil ako sa paglalakad sa tapat ng kahoy na pinto. Pinihit ko ang doorknob at kaagad akong sinalubong ni Luke. Nakangisi siyang habang may hawak na dalawang beer sa magkabilang kamay. Mukhang lasing na. Wala si Kiel at Axel. Kaming walo lang ang nandito. Naroon na ang iba sa may kama at walang pakialam na nahiga.

"Dude, kanina pa kayo?" si Rex ang tinanong ko. Mukhang siya nalang kasi ang wala pang tama. Tuwid pa ang upo niya at hindi pa mapula ang mukha.

"Bago lang ako, itong sina Luke ang kanina pa. Dumiretso kaagad dito."

BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon