Chapter 6

495 34 3
                                    

KAZE'S POV

Wala pa masyadong tao ng makarating kami sa paaralan. Nagising kasi ako mg napakaaga sa hindi malamang dahilan. Kaunting sasakyan palang ang naririto sa parking lot. Mga nasa sampu palang, nasisiguro kong halos sa mga iyon ay pagmamay-ari ng mga guro. Doon kami dumaan sa gate na nasa gilid. Mayroong dalawang gate lang ang SHA. Iyong main gate  sa harap. Hindi iyon palaging nagagamit. Ang pangalawa ay itong nasa gilid, malapit sa parking lot. Dito kami dumadaan palagi.

Naroon na naman iyong guard. Umiiling niya akong tinigan, hindi ko pinansin sa halip ay nagtuloy sa paglalakad papasok sa campus.

May mga estudyanteng akong natanaw sa quadrangle. Batid kong soccer team iyon ng paaralan. Nagtuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makaabot kami sa room. Tanging tatlong kaklase ko lang ang nakita ko sa loob.

"Maaga din pala kayo guys." masiglang sambit ni Kate.

"May assignment kasing binigay eh, hindi pa ako nakakagawa kaya inagahan ko na ang pagpunta." anang kaklase ko.

Hindi ko alam na may assignment pala. Hindi ko nalang iyon inisip sa halip ay umupo na sa silya. Maya-maya pa ay maramirami narin ang pumapasok sa room namin. May ilan din akong nakitang gumagawa pa ng takdang aralin.

Bigla ay lumapit si Kate sa akin. May hawak siyang notebook at bolpen.

"Hindi ka gagawa?" tanong niya.

"Hindi." sagot ko sabay iling. Natutunan ko kasing kapag may takdang aralin ay sa bahay iyon ginagawa. Wala naman ako sa bahay kaya hindi ko yon gagawin.

"Gagawan nalang kita." presinta niya. Umiling ako.

"Huwag na."

"Gagawan kita, bahala ka diyan." nagtaray kaagad siya sa akin saka nagmamartsang bumalik sa upuan.

Bahala nga siya. Hindi ko alam kung anong subject iyon. Sumapit ang mga oras at nagsimula na ang klase namin. Hindi ako maka pokus sa pakikinig sa hindi malamang dahilan. Hanggang sa sumapit ang ikatlong subject. Doon ko lang nalaman na Filipino pala iyong takdang aralin. Hindi naman ako kinabahan ng kunin na ni ma'am. Alam ko namang hindi niya binibilang ang mga papel. Tinalakay niya lang iyong mga tula na mga banyaga ang may akda. Sa isip ko ay bakit pa namin iyon pinagtuunan ng pansin. Hanggang sa sumapit ang panghuling subject namin. Noon lang napukaw ang diwa ko.

Lumabas kami ng room dahil klase namin sa PE. Kasama naming lumabas si ma'am, tuturuan niya kaming maglaro ng volleyball.

"Kapag tumama yang bola sa linyang yan ay pasok parin, naiintindihan?" anang guro. Initsa niya ang bola sa kaklase kong marunong maglaro ng ganitong isport. Naroon sa mga maglalaro si Kate. Hindi niya alam kung paanong maglaro non, sa pagkakaalam ko kasi ay tennis ang laro niya.

Narito lang ako sa gilid, nakatayo at kasama ang ibang kaklase namin. May mga paalala at eksplenasyon pa siyang sinabi bago niya hinipan ang pito. Naging hudyat iyon ng pagsimula ng mga kaklase ko sa paglalaro.

Sa nakikita ko ay kaunting tao lang ang marunong. Sa gawi kasi si ni Kate laging namamtay ang bola. Nakaka-iskor lang sila kapag lumalabas ang serve sa kabila. Panay ang talbog ng bola sa kung saan. Hinahabol naman non ng mga kaklase kong atat na maglaro. Nakakahilo silang panoorin.
Dumating ang oras at iniwan din kami ng guro doon sa labas. Tapos na rin kasi ang klase. Kung hindi ko pa tinawag si Kate ay maglalaro pa siya doon.

"Shet talaga yong si Cyrus! May pa mine-mine pang nalalaman!" inis niyang sabi. Pinagkunutan ko ng noo. Hindi ko alam kung anong tinutukoy niya.

"Anong mine?" nagtanong ako.

Umirap muna siya bago nagsalita. " Sinasabi yon kapag gusto mong sayo ang bola. Ewan, ang ingay nga doon. Puro nalang siya mine! mine! Aish! Tara na nga!" bakas talaga ang pagkairita sa boses niya. Sampok ang kilay niya.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now