Chapter 4

606 37 0
                                    


ZAIN'S POV

Hindi ako makapaniwalang ginanon lang ako ng babaeng yon. Napaka lamig ng mata niya, parang iyong dinadaanan ka lang ng tingin niya.

Nakatingin lang ako sa papaalis na bulto niya saka ako hindi makapaniwalang natawa.

"Hindi ka kilala dre," tatawa-tawang ani Psalm. Umiling lang ako saka nagdesisyon na lumabas ng cafeteria.

"Sino ba yon?" tanong ko sa kanila habang naglalakad kami. Hindi na kami babalik sa quadrangle, tapos na rin naman. Hahanapin pa namin nina Luke ang room namin mamaya. Sa may botanical garden nalang daw kami tatambay sabi ni Rex.

"Yon? Ewan. Basta third year yon eh." si Psalm ang sumagot.

"Malakas ang loob non ah." nasabi ko. Talaga yatang hindi ako kilala. Tss.

"Oh! Nandyan na sina Luke, tamang tama, ngayon niyo nalang hanapin ang room ninyo."

"Yeah, mabuti pa nga. Tara." sabi ko saka naunang tumayo.

Hindi parin nawawala sa isip ko yung inasta ng babae kanina. Pati kung paano niya ako tignan.

Umakyat kami sa pangalawang palapag sa first building ng fourth year. Hinanap namin sa ibaba ang mga pangalan namin ngunit hindi namin nakita. Maya-maya ay magsisimula narin ang klase. Nasa pangatlong room na kami at doon namin nakita ang mga pangalan namin. Mag kaklase kami nina Luke, Kiel, Axel at Nathan. Nasa kabilang building naman sina Psalm at Rex. Madali lang namang tandaan ang nga gusali dito. Magkaiba kasi ang mga kulay ng building sa bawat year. Magkakatabi rin ang lahat ng building mula first hanggang fourth year.

Kaagad naming naagaw ang tingin ng mga students nang pumasok kami. Saktong pumasok din ang adviser ng class na ito kaya pinaupo kami. Hindi kami magkakatabi pero magkalapit naman ang mga upuan namin.

Bigla ko na namang naalala yung babae kanina. Mukhang nagpapapansin lang siguro yon sa akin. Nakakaasar iyong mukha niyang walang emosiyon. Pati yung mata niyang napaka lamig, hindi mo alam kung ikaw ba ang tinitignan o ang kawalan. Tss.

May kung ano sa akin at nabuhay ang inis ko kanina. First time kong may makaharap na ganong klase. Unang beses ko din tong mainis ng husto dahil sa isang babae.

Tignan lang natin kung uubra pa iyang angas mo.

Nabalik ako sa reyalidad ng magsalita ang guro na nasa harap.

"We have a new students in our class," tinuro niya kami ng mga gang mates ko. "come here in front, introduce yourselves."

Na obliga kaming lima na tumayo. Magkasabay kaming pumunta sa harap. Naunang nagpakilala si Luke. Ganyan naman talaga siya, laging gumagawa ng first move. Tss. Hanggang sa sunod-sunod na sa pagpapakilala.

"Hey everyone, My name's Luke Chandra Davis. We're from NBIS."

"Good morning, I am Keil Quarin Evans, I'm friendly."

Hindi mawala ang paghanga ng mga babaeng kaklase namin. Maging ilan sa mga lalaki ay may paghanga ring makikita sa mga mukha. Hindi rin nakaiwas sa mga mata ko iyong pagkunot ng noo ng ibang lalaking kaklase namin.

"Nathan Claude Taylor is the name." kumaway siya.

"Axel Jett Miller is the name too. Hi everyone!"

Nang ako na ang magpapakilala ay tinaas ko lang ang kamay ko saka nagsalita.

"My name's outside, nasa class list." walang gana kong sabi saka ako naunang bumalik sa pagkakaupo.

"Mukhang masungit siya sis."

"Bagay nga sa kanya, lalong gumugwapo!"

Masama kong tinignan ang dalawang babaeng naka-upo sa gilid ko. Nang makita nilang nasa kanila ang mata ko ay mabilis silang natahimik saka nag-iwas ng tingin.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon