Chapter 30

170 6 0
                                    


KAZE'S POV

Hindi na ako bumalik ng room at dumiretso ako sa building ng arts department. Naroon nakaagad ang mga sasali para sa artist of the year.
Nasa ground floor lang naman ang room kung saan kami isasalang. Pagpasok ko doon ay umupo kaagad ako sa isang silya na pinaka malapit sa bintana. Umupo ako doon at tinatamad na inilapag ang sketch pad. Naroon na rin si Reesy. Paanong hindi ko siya kaagad nakita------ ang ingay ng pagpukpok niya ng lapis at mga pangkulay niya sa lamesa. Tss.

Doon ko lang naalalang wala nga pala akong pangkulay. Tsk!

Dalawang pirasong sign pen at isang ball pen lang ang nadala ko.

Sa halip na isipin iyon ay ibinuhos ko ang aking atensyon sa harap. Dumating na si ma'am Rhoanne at nag announce ng mechanics. Bale bibigyan kayo ng temang iguguhit at pagkatapos ay pipilian kayo per level. Tatlo lang ang makukuha na siyang maglalaban-laban para sa second round. Iyon ang round kung saan isa nalang ang kukunin ni ipanlalaban sa finals. At yon ay sa Friday.

"Okay. You may start now." Ani ma'am Rhoanne.

"Bring your own materials nga pala ito." sarkastikong ani ko.

Ang temang napunta sa amin ay iyong city scapes. Nabahala ako dahil puros itim na tinta lang ang meron ako.

Nagsimula akong gumuhit, nasa kalahati na ako ng pag sketch nang may tumawag sa pangalan ko. Nagpalinga linga ako nang hindi ko alam kung kanino at saan nanggagaling iyon.

"Tsk! Hoy dito! Shitzu!" Napalingon ako sa kaliwa...sa may bintana.

Doon ko nakita si Bulldog. Tinignan ko pa siya, nais kong kumpirmahin kung ako ba talaga ang tinatawag niya. Ngunit ang pinagtataka ko ay kung bakit siya narito. Inis ko siyang tinignan. Sumenyas pa siyang lumapit ako.

Tinuro ko ang sarili ko at nagtanong ng walang tunog na lumalabas sa bibig ko, kinukumpirma kung ako nga ang tinatawag niya.

"Aisht! Oo ito oh! Dali!" pasinghal niyang sabi. Iminuwestra niya ang hawak na maliit na lalagyan. Napagtanto kong akin iyon kaya tumayo ako ay lumapysa kanya. Nagtaka ako kung bakit nasa kanya ito. Mabilis ko iyong kinuha sa kanya.

"Tss. Salamat nalang." tanging tugon ko at babalik na sana ako sa pagkaka-upo nang ako'y matigilan.  Mukhang naagaw ko ang atensyon ng mga ibang estudyante sa loob. Hindi man lahat ay may mga nakatingin sa akin.

Hindi ko na sila pinagtuunan ng pansin at nagtuloy sa pagguhit. Hindi maalis sa isip ko kung bakit nasa kay Bulldog itong gamit ko. Tss.

Kahit may pangkulay na ako...tanging mga tinta lang ng ball pen ang ginamit ko. Iyong kulay asul, pula, kahel at puti lang. Idagdag mo iyong itim na ginawa kong anino ng mga bagay. Puti ring tinta ang ginamit ko upang umangat ang value. Isang oras lang ang alotted time para tapusin ang artwork. Kaya masaya ako nang matapos ko iyon magtatalong minuto bago ang isang oras.

"Okay! Time's up!" anunsyo ni ma'am Rhoanne.

Sabay-sabay na tumayo ang mga 1st year at dinisplay ang kanilang gawa.
Ganon din hanggang sa sumunod na level. Nang kami na ang pagpipilian ay ako ang huling naglagay ng gawa.

Pagbalik ko ay sinalubong ako ni Reesy. Walang emosiyon ang kanyang mukha.

"Saan mo nakuha 'yan?" Tanong niya. Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya.

Hindi ko siya sinagot.

"Mukhang inspired ka ng internet ah." Natatawang sambit niya. Naguluhan ako.

"Hindi internet ang inspirasyon ko." Sagot ko sa kaniya. Nawala iyong sarkastikang ngiti niya.

Mukhang iyong drawing ko ang tinutukoy niya.
Ang gusto niyang iparating siguro'y kinopya ko lang iyang gawa ko sa internet.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt