Chapter 42

136 9 0
                                    


KAZE'S POV

Pagkatapos ng klase ay nagpaalam ako kay Kate. Alam na niya kung saan ang punta ko. Kagaya ng sinabi ni Bulldog ay nandoon nga siya sa parking lot. Saglit lang kaming nag-usap at umalis na rin sa paaralan.
Nang makarating kami sa bahay nila ay hindi na ako nanibago. Hindi naman ito ang unang beses na pagpunta ko sa bahay ni Bulldog. Unang sumalubong sa amin ay iyong babaeng tinawag ni Bulldog na manang Karing.

"Magandang hapon Zain..." anito. Kaagad na bumaling sa akin ang atensyon niya. "Sino itong kasama mo?" mahinang tanong niya.

"Uhmm... she's Kaze." ipinakilala niya ako sa babae. Ngumiti iyong babae sa akin at saka niya muling tumingin kay Bulldog.

"N----" natawa ako kay bulldog ng pigilan niya iyong babae sa pagsasalita.

"She's my schoolmate manang."

Tumango-tango iyong babae saka ako binati.

"Magandang hapon sayo Kaze, hija." magiliw na bati niya.

Tumango ako saka nagsalita. "Ganon din po sayo." kahit pilit ay ngumiti parin ako.

Pinauna akong pumasok ni Bulldog. Halatang mayaman sila dahil sa hitsura at gamit sa loob ng bahay nila. Noong unang pagpunta ko dito ay sa kwarto kaagad ako ni Bulldog napunta. Ngayon ko lang napagmasdan ng maigi itong loob ng bahay nila. Kagaya ng tipikal na bahay mayaman, makakapal ang kurtina sa malalaking bintana nito. Dos andanas ang bahay nila kaya may hagdan kaagad akong nakita sa gilid. Nang madapo ang tingin ko sa itaas ay nakita kong nakatunghay ang isang babaeng mga nasa 40 na ang edad. Nakangiti iyon sa akin kaya nginitian ko din. Kahit hindi ko pa man tanungin ay mahahalatang mama iyon ni bulldog.

"Sit here Kaze." sabi ni Bulldog saka giniya ako upang umupo sa mahaba at malambot na sopa. Kulay abo ito at halatang mahal.

"Mom!" pagtawag niya.

"Yes anak?" malambing ang tono ng mama niya. Nang iangat ko ang ulo ay pababa na ito sa hagdan. Kaagad na lumapit sa kanya si Bulldog upang alalayan siya sa pagbaba.

Magsasalita pa sana si Bulldog ng unahan siya ng kanyang ina.

"Who are you?" nakangiting tanong niya sa akin.

"I'm Kaze ma'am." sagot ko. Tumawa siya.

"Napaka pormal mo naman Kaze. Huwag mo na akong tawaging maam, tita nalang." aniya. Tumango ako sa kanya.

"Ahmm. mom, she's my schoolmate. May gagawin kaming report." paliwanag ni Bulldog. Ngumiti iyong mama niya saka tumango.

"Ah ganon ba? Oh sige, saan kayo gagawa?" sa akin iyon tinanong ni tita.

"Dito ho." sagot ko. Natawa siya saka umiling.

"Haha tama nga naman." hinawakan niya ako sa balikat. " Zain, saan kayo?" dagdag niya.

"Sa study room nalang kami mom."

"Your brother's there."

"Ha? Sige sa music room nalang kami." ani Zain saka ako tinignan.

"Let's go."

Nauna siyang maglakad saka ako sumunod. Umakyat kami sa hagdang gawa sa kahoy at salamin. Nang makatungtong kami sa ikalawang palapag ay may nakita akong apat na pinto. Dalawang magkaharap na kwarto. Hindi ako sigurado kung apat lang iyon dahil kanang bahagi lang ang natatanaw ko. Huminto kami sa pangalawang kulay kapeng pinto. Binuksan iyon ni Bulldog at pinauna ako bago siya pumasok. Mabango ang kwarto at mayroong malaking bintanang gawa sa salamin. Nakatali sa gilid ang makakapal na kurtina nito kaya nakita ko iyong labas ng bahay kung saan mayroong garden.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 1 [COMPLETED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat